Chapter 10

9 4 17
                                    

Grey's POV

"Sino ba yung babae na yon?" tanong ni Lou.

"She's Meriah Odette kalove team ni Grey" sabi ni Mykel.

Tumingin sa akin si Lou at kita ko sa mukha nya na medyo galit sya "Jowa mo?" tanong nya.

"Of course not, gaya ng sinabi ko kanina lahat ng mga pinagsamahan namin para lang hindi masira ang love team para sa career namin pareho yun" sabi ko.

Tumayo sya bigla at humarap sa akin "Sige sabihin na natin na para sa love team nyo or para sa career nyo kunno ngayon ang gusto kong gawin mo ipaliwang lahat kay Leigh. Napapanood namin kayo sa TV at masasabi ko na nagseselos si Leigh kapag nakikita kayong magkasama noon oo wala pa syang karapatan ngayon ......" naputol ni Lou ang sinasabi nya dahil nagsalita bigla si Xavier.

"Ngayon wala pa din, wala pang sila Lou" sabi nya.

"Seriously Xavier? Iniisip mo ba yang sinasabi mo? Yes wala pang sila pero you know that Kuya gave her assurance" sabi ni Ash.

"Ano naman ngayon, Ash? Isipin mo career ng kuya mo ang babagsak pag nagkataon na pinairal nya ang puso nya"

"Xavier ano ba? Sa tingin mo mas mahalaga sa akin ang career ko kaysa kay Leigh?" sabi ko.

"Grey iniisip ko lang yung mga pinaghirapan mo, pinaghirapan natin masasayang yon"

"So if you're the one in this situation you will choose your career over me?"  biglang sabi ni Ash.

"No Ash hindi sa ganon....." hindi natapos ni Xavier ang sasabihin nya dahil nagpunta si Ash sa labas.

Sinundan sya agad ni Xavier "Kausapin mo na si Leigh, kami na ang bahala kay Ash at Xavier" sabi ni Duke.

Tinanguan ko lang sya tsaka nagpunta sa kwarto ni Leigh. Kumatok muna ako bago pumasok "Leigh, let's talk" sabi ko.

"About what?"

"Nasabi sa akin ni Lou na nagseselos ka daw sa amin ni Meriah pag napapanood nyo kami" sabi ko.

Tumingin sya sa akin pero nag-iwas din agad "Ano naman ngayon? Wala naman akong karapatan para magselos kaya wag mong intindihin yon" sabi nya tsaka tumalikod sa gawi ko.

Nilapitan ko sya at niyakap patalikod, ramdam ko na pa na nagulat sya sa ginawa ko "Now I'm giving you the right to get jealous" sabi ko.

Napaharap sya sa akin dahil sa sinabi ko "Ano bang sinasabi mo? Wala namang tayo tsaka isa pa naiinti....."

"Walang tayo pero I gave you assurance na ikaw lang and I promise you ikaw lang talaga walang iba" putol ko sa sinasabi nya.

Nakita ko ang pamumula ng pisnge nya kaya natawa ako. "Ang cute mo talaga" sabi ko tskaa kinurot ang pisnge nya.

"Malapit na kayong bumalik ng US" biglang sabi ni Leigh.

Nandito kami ngayon sa living area nila hinihintay lang namin na bumalik yung iba. "Oh bakit ka malungkot?" tanong ko napansin ko kasi na hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Mamimiss kita, matagal na ulit bago tayo magkikita" sabi nya.

Hinalikan ko sya sa may ulo nya "hay ang hirap naman iwan ng babaeng to, parang ayaw ko na tuloy bumalik"

Sinabi ko sa kanya ang plano ko na hindi na bumalik ng US pero hindi sya pumayag. Sayang daw ang pinaghirapan namin at isa pa may tiwala naman daw sya sa akin.

Nanatili lang kami doon sa sala nila nakatulog na sya sa kandungan ko, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.

Ash's POV

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makalayo ako sa bahay nina ate Leigh. Ramdam ko na sinusundan pa din ako ni Xavier.

"Ash come on let me explain" sabi nya tsaka hinawakan ang kamay ko para matigil ako sa pagtakbo.

Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya "Explain what, na mas mahalaga yung career mo kaysa sa akin? Okay lang Xavier kasi wala naman akong karapatan na magalit dahil first of all wala namang tayo" sabi ko.

Naiiyak na ako dahil yun na eh nahuhulog na ako sa kanya sasagutin ko na sana sya "Ash wag kang umiyak, mali yung iniisip mo syempre mas pipiliin kita kaysa sa career ko" sabi nya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Mas pipiliin mo ako? Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako jan after what you've said to kuya earlier?"

"Ash, I'm sorry it's not what I mean" sabi nya.

"So ako pa yung mali ng intindi? Ganon ba Xavier?" hinawakan nya uli ang kamay ko pero binawi ko ulit yon.

"Hindi sa ganon Ash"

"Alam mo Xavier I don't need your explanation. Lahat ng narinig ko kanina tama na yon para malaman ko na mas pipiliin mo ang career mo kaysa sa akin" kita ko na naluluha na sya dahil sa mga sinasabi ko ngayon. "Sabagay sino ba naman ako para piliin mo diba?"

After ko sabihin non ay iniwan ko na sya doon. Dumiretso na lang ako sa bahay, gusto ko munang mapag-isa.

Kanina pang tumatawag si Xavier sa cellphone ko pero hindi ko sya sinasagot. Ayaw ko muna syang makausap sa ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil tumatawag si ate Lou "Hello ate?"

[Thanks God sinagot mo nasaan ka Ash? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ni Xavier? Kanina kanpa nya tinatawagan]

"Nasa bahay po ako ate, okay lang ako don't worry" sabi ko.

[Wait, umiiyak ka ba?]

"No, ate hindi po ako umiiyak. Pakisabi na lang kay kuya dito na lang muna ako matutulog sa bahay may kailangan lang akong gawin"

[Ash, Ash please kausapin mo ako. I'm sorry] kinuha siguro ni Xavier ang cellphone ni ate Lou.

"Xavier, ayaw ko munang kausapin ka. Hayaan mo na lang ako, tutal malapit na din naman kayo bumalik ng US ayusin mo na lang yung mga gamit mo wag mo na akong intindihin"

[Hindi Ash, sasama ka sa amin pabalik ng US diba?]

Hindi ako sumagot, napagdesisyunan ko kasi na hindi na lang ako sasama sa kanila pabalik sa US kakausapin ko na lang sina mommy and daddy.

[Ash naman eh, kausapin mo ako please. Sasama ka pa sa amin pabalik ng US diba? Hindi ka magpapaiwan dito diba? Manonood ka pa sa concert namin eh nag promise ka sa akin] rinig ko na umiiyak sya kaya hindi ko na dn napigilan ang sarili ko na umiyak.

[Kausapin mo ako Ash please. Sorry sa mga nasabi ko kanina, alam mo naman na ikaw lang palagi kong pipiliin diba? Ash please talk to me] sabi nya.

"I'm sorry Xavier" yun lang ang nasabi ko bago ibaba ang tawag. Umiyak lang ako ng umiyak hindi ko kaya, gusto kong sumama pabalik ng US pero mas okay siguro na magpaiwan na lang muna ak. Kailangan ko ng panahon para makapag-isip.

Akala ko okay na eh, akala ko magiging masaya na ako kay Xavier. Mali pala ako, hindi ko pa pala sya ganon kakilala.

Siguro karma ko na to sa pag-iwas ko sa kanya noon.

Last Summer (Opacarophile Series #1)Where stories live. Discover now