14 --- Truth

29.4K 1.4K 173
                                    

“Imposibleng maibalik ang nakaraan.”

 ________ _ _ __

 “BUHAY ang kapatid ko?” Tanong sa akin ni Lucas habang nasa harap kami ng lugar na ito—ang lugar na pinaglalagyan ng kapatid niya.

        Tumango ako bilang tugon.

        Iniwan kami ni Keanu noong pagkarating na pagkarating namin dito. At ngayon, hindi ko alam kung saan itatago ang hiya ko. Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ito. Syempre, alam kong hindi niya matatanggap ito nang maluwag sa dibdib, sigurado akong magagalit siya. Kahit ako, kung ganito ang magiging kahinatnan ng pinakamamahal at nag-iisa kong kapatid, sobra akong magagalit.

        “Buhay siya at sinasabi mong, nandito siya sa lugar na ito? Dito?” 

        Hindi pa rin naalis ang tingin niya sa harapan namin. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata niya—pati na rin ng namumuong galit.

        “Patawarin mo sa—“

        Napatigil ako noong bigla siyang naglakad palapit sa pintuan—papasok sa lugar na ito. Hinarang kami ng guwardiya at sinuri ang talaga kong bag at kinapkapan si Lucas upang makasigurado na wala kaming dala na matulis o ano mang delikado na bagay. Pagkapasok namin sa loob ay agad na kinausap ni Lucas ang isa sa mga nurse.

        Nasa isa kaming Mental hospital.

        “Kaano-ano po kayo ng pasyente, Sir?” Wika sa kanya ng nurse.

        “Kapatid niya ako.”

        Dumiretso kami sa open area ng ospital, sa garden nila, at doon namin hinintay ang pagdating ng kapatid ni Lucas habang nakaupo sa isa sa mga bench dito. Ilang beses akong napapatingin kay Lucas ngunit nakatitig lang siya sa malaking puno na nasa gitna ng garden. Walang emosyon ang mga mata niya at pansin ko ang madalas na paggalaw ng mga kamay niya.

        Nabaliw si Kuya Michael. Hindi tulad sa kwento ko kay Lucas na binaril siya ni Papa sa loob ng bibig. Ang totoong nangyari ay nabugbog ang kanyang kapatid. Hindi siya nabaril. Isinantabi ang katawan ni Kuya Michael noong nawalan ito ng malay. Akala ni Lucas noong sandaling iyon ay patay na ang kanyang kapatid. Umiyak nang umiyak si Lucas noon. Kasabay rin ng pag-iyak ko. Nawalan ako ng malay ngunit tulad sa kwento ko sa kanya, itim na usok ang huli kong nakita sa tabi niya.

        At iyong naalala niyang pangatlong putok ng baril, hindi iyon ang putok ng baril na sinabi kong pumatay sa kanyang kapatid—ang naalala niyang putok ng baril ay kamay niya mismo ang gumawa. Ang kwento sa akin ng isa sa mga tauhan ni Papa, bigla na lang tumayo si Lucas. Pinunasan ang mga luha niya at tumingin nang masama sa kanila. Nagulat sila sa inakto niya kaya hindi sila agad nakagalaw. At ang sunod na nangyari ay hindi lubos maipaliwanag ng tauhan ni Papa sa akin. Kakaiba raw. Hindi pangkaraniwan. Noong sandaling iyon, bigla na lang daw umikot ang buong paligid ngunit nakatayo pa rin sila sa kanilang kinatatayuan. Umikot nang umikot lang ang paligid at noong natapos ang pag-ikot ng paligid ay nasa kamay na ni Lucas ang baril. Iba na ang kulay ng balat niya, iba na ang mga mata niya at iba na ang aura niya.

        Ang pangatlong pagputok ng baril ay ang pagbaril niya sa tatay ko.

        Hindi napuruhan ang tatay ko at naisugod agad siya sa ospital. Bigla na lang daw nawala si Lucas noong sandaling iyon.

        “Sir, nandito na po ang kapatid nyo.”

        Napataas kami ng tingin ni Lucas at bumungad sa amin ang payat na payat na si Kuya Michael. Nag-iba ang itsura niya. Napakalikot ng mga mata niya at kagat-kagat niya ang kanyang mga kuko. 

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon