33 --- Sudden Confession

24.3K 1.1K 338
                                    


"Baka ito na ang katapusan natin, Leah."

________ _ _ __

PINAGMASDAN KO ANG mukha ni Lucas habang siya'y mahimbing na natutulog. Ang tagal ko ng hindi siya nakikita na ganito kapayapa ang mukha. 

Lubos akong natuwa sa mga narinig ko sa kanyang kanina. Na mahal niya ako ... na ako lang ang mamahalin niya. At sa isang banda, nalulungkot din ako ... pakiramdam ko'y may mangyayari na masama. Ayoko man isipin ang mga ganitong bagay ngunit hindi ko maiwasan. 

Hinaplos ko ang kanyang nakapikit na mga mata. Pababa ang aking mga daliri sa pisngi hanggang sa may leeg niya.

Kung ito man ang huling beses kong mapagmamasdan at mahahaplos si Lucas nang ganito kalapit, gusto ko na itong sulitin. Hindi ko iaalis sa kanya ang paningin ko. Lulubusin ko ang bawat segundo. Kung  sakali mang ito na ang huli, hinding-hindi ko na siya aalisin sa paningin ko.

Pinahid ko ang mga luha sa mukha ko nang biglang may nagbukas ng pinto.

"Leah, kilala na namin ang may hawak ng pangwalong libro," pagsabi ni Damasen sa akin habang nakasilip siya sa may pintuan.

Tumayo na ako at bago ako umalis sa kwarto upang sundan si Damasen ay muli kong tinignan si Lucas. Ngumiti ako sa kanya kahit alam ko'y hindi niya ito nakikita.

"Kayanin mo, Lucas. Dahil ako, sisiguraduhin kong makakaya ko."

Ilang minuto ko muna siyang tinignan hanggang sa tuluyan na kong umalis.

Nadatnan ko sina Damasen at Ares na nagtatalo. Magkaharap sila at tila ba mainit ang diskusyon.

"Malakas siya. Hindi natin kayang matalo siya. Mas mauuna pa tayong mamatay," wika ni Damasen.

"Bakit ba sumusuko ka kaagad? Kahit kailan talaga, ang duwag mo! Kaya tayo tinatawag na aso ng mga mortal eh!" Sigaw sa kanya ni Ares.

"Langya naman, pano napunta dyan ang usapan? Lahat na lang ba-—"

Pumagitna na ako sa kanila.

"Anong nangyayari? Sino ba ang may-ari ng pangwalong libro?" Nakakunot ang noo ko noong tinanong ko sa kanila ito. Sino ba naman kasi itong may-ari ng libro at para bang magpapatayan na 'tong dalawang hellhound na ito dito?

Kumuha si Damasen sa mga mahiwaga niyang buhangin at sinaboy ito ilang metro ang layo sa akin.

Bumungad sa akin roon ang sumunog kina Mint at Minzy. Ang Earoi. Pinakita sa akin ni Damasen roon ang pagsugod niya sa kambal, ang nakakatakot na apoy sa katawan niya—-ang malakas na awrang binibigay niya.

"A-Ang earoi na yan ... siya?" Lumingon ako sa kanila at tango lang ang naging tugon nilang dalawa.

"Panourin mo pa," wika pa ni Damasen.

Muli akong humarap at doon ko nakita ang isang pamilyar na tao sa akin. Nawalan ako ng kakayahan upang makapagsalita. Nakanganga lamang ako at nanlalaki ang mga mata. 

Hindi ko akalain...

"Sir Valdez?" Tanging reaksyon ko noong unti-unti nang pumasok sa isipan ko ang lahat ng nangyayari.

Muli kong naalala ang sinabi niya sa amin noon.

"Lahat tayo ay may demonyong tinatakbuhan."

 "Ang kwento sakin ng yumao kong lola, totoo raw iyon. May humahabol na isang demonyo kada isang tao at isang maling hakbang lang ng tao, kukuhanin na ng demonyo ang buo niyang pagkatao."

Tama ... sinabi niya iyon sa buong klase. Sigurado ako ngayon na direkta niyang tinutukoy ang mga Hybrid. Palagi siyang nagkukwento ng mga kakaibang bagay. Hindi ko man napakinggan nang maayos ang iba, sigurado ako na lagi siyang nagkukwento tungkol sa mga demonyo, sa mga masasamang espirutu at sa mga anghel.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon