2 --- Dead

62K 2.4K 558
                                    

"Hinding-hindi mo na siya maililigtas. Dahil akin na si Lucas."

________ _ _ __

"HINDI NA KO PINAPALABAS TUWING GABI NI MOMMY. Baka raw matulad ako doon sa pinatay na estudyante dito sa university natin. Nakita nyo ba iyon 'nung isang araw? Grabe, girl, brutal! Kalurkey!" Malakas na pagkukwento ng nasa likuran ko.

        "Yes naman, girl. Sino bang hindi nakakaalam 'nun? Aba eh, trending kaya iyan sa buong Bataan mula pa noong nakita yung bangkay ng student. Galing daw sa CEA yung namatay na student di'ba?" Dagdag pa ng isa sa kanila.

        Sa totoo lang, nakakasawa na rin na kahit saan man ako mapunta o malingon man lang, iyon na iyon pa rin ang pinag-uusapan.

        Lumabas ako ng laboratory. Tutal, wala namang klase at puro daldalan lang nila ang naririnig ko. Sinundan naman ako kaagad ni Karen sabay kapit sa braso ko habang naglalakad kami palabas.

        "Kainis ka naman, Leah. Bakit iiwan mo ko 'ron?"

        Napalingon ako sa kanya na nasa tabi ko pa rin habang naglalakad.

        "Enjoy na enjoy ka rin kasing makipagdaldalan sa mga kaklase natin. Aabalahin pa ba kita?"

        Bigla siyang natawa sabay sabi, "Ayun oh! Nagseselos! Pinag-uusapan lang namin yung debut ni Louise. Sa sabado na kaya iyon! Imbitado tayong lahat. Sumama ka. Kasama si Lucas."

        Napatigil ako sa paglalakad.

        "Ano? Sasama ba talaga si Lucas?"

        Sunod-sunod na pagtango ang tugon ni Karen.

        "Sa kabutihang-palad, napilit siya ni Louise. Alam mo naman ang ugali at charm ni Louise. Mukhang kahit ang isang Lucas Miguel Iñiguez ay hindi nakatanggi." Sabay hagikgik na para bang kinikiliti. "Selos ka no?"

        Nagpatuloy na lang muli ako sa paglalakad at gayon din naman si Karen.

        Anong selos? Sa lahat ng tao, hinding-hindi ako magseselos nang dahil kay Louise lang. Alam naman ng lahat ang tungkol sa kanya. Wala ng rumerespeto sa kanyang lalaki dahil sa lahat ng pinaggagawa niya. Mukha ngang dati pa niyang target si Lucas.

        Ang pinagtataka ko lang, bakit kaya pumayag si Lucas?

        "Okay. Change topic. Alam mo ba, ganitong-ganito ka-trending dati yung nangyari sa Iñiguez family. Na kahit sino, pinag-uusapan ang tungkol sa kanila. Ang sabi sa chismis, patay na raw ang nanay at tatay ni Lucas. Aba, malaking balita iyon para sa lahat."

        Napalunok ako dahil sa sinabi ni Karen.

        "Pero mukhang chismis lang talaga. Tignan mo nga, hanggang ngayon, alive and kicking pa rin yung nanay at tatay niya. After a week noong pumutok ang balita, bigla lang lumabas at nakita ng mga tao ang buhay na buhay sila. Weird nga eh."

        Biglang napabilis ang paglalakad ko. Halos hindi na makasunod si Karen. Sobra-sobra na naman akong kinakabahan. Muli na namang naging sariwa sa isipan ko ang pangyayaring iyon. At sa sinabi ni Karen, muli na naman akong nagtaka.

        Bakit biglang nabuhay ang mga magulang ni Lucas? Bakit buhay pa sila hanggang ngayon?

        Hindi ito maari. May mali talaga mula pa noong umpisa.

        Dahil-

        Dahil namatay ang magulang ni Lucas sa mismong harapan ko.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon