7 - E L E V E N

22K 636 140
                                    




A/N: This is a special chapter na POV ni Karen. Just think of this as behind the scene during nung 4 weeks after mamatay ng parents ni Leah (binanggit yung 4 weeks sa simula ng chapter 16: A Strange Request)

 Just think of this as behind the scene during nung 4 weeks after mamatay ng parents ni Leah (binanggit yung 4 weeks sa simula ng chapter 16: A Strange Request)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






S P E C I A L   C H A P T E R # 3
KAREN'S POV

2014

"Hanggang kailan pa ba nating lolokohin si Leah, kuya?" Tanong ko sa kanya habang patuloy ang paglilinis niya ng kanyang mga gamit. Kanina pa siyang tahimik at alam kong maraming gumugulo sa kanyang isipan.

Ngayong patay na ang mga magulang ni Leah... ngayong galit siya at wala na siyang balak tulungan si Lucas---papayag kaya siyang ituloy ito para sa amin? Kahit papaano'y umaayon sa amin ang tadhana, isa ba itong senyales? Senyales na maari nga kaming mailigtas?

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya." Humarap siya sa akin habang may pangamba sa kanyang mga mata. "Nag-aalala ako, Karen. Sa tingin ko, hindi niya tayo tutulungan."

Napayuko ako nang narinig ko ang mga sinabi niya. At sa muling pagtingin ko sa aking kapatid ay ngumiti ako. Upang kahit papaano'y mabawasan ang nararamdaman niyang takot. Gusto kong ipakita sa kanya na okay lang... na kaya namin.

Palaging wala ngayon si kuya sa bahay. Hinahanap niya ang mga may-ari ng mga libro. Para kapag nakita niya ang lahat ng ito, ritwal na lang ni Leah ang gagawin. Ngunit may problema kami, wala kaming koneksyon sa mga ibang nilalang dito sa mundo. Nahihirapan kami sa paghahanap. Kung may koneksyon lang kami na malakas sa dilim... tiyak ay mas madali lang ito para sa amin.

Nahihirapan na kami sa araw-araw. Unti-unti ko nang nakikita ang pagbabago sa sarili ko. Paminsan-minsa'y pag nakikita ko ang mukha ko sa salamin... iba na ang nakikita kong repleksyon. At kung minsan ay naririnig ko na ang iba't-ibang pagbulong sa akin ng kasamaan. Sa ngayon, napipigilan ko pa ito ngunit paano kung hindi na kami mailigtas?

Ayaw kong mapunta sa masama.

Pero pagbaliktarin man ang lahat, kasalanan namin ito. Kasalanan ko ito. Ako ang nagpain sa amin sa bangungot na 'to. Kung hindi lang ako nagkasala, kung hindi ko lang dinamay ang kapatid ko sa kasalanan kong iyon---hindi ito mangyayari.

Nakipagkasundo ako sa isang demonyo para sa kaligtasan ng posisyon ni kuya Keanu. Lubha akong naging mapangahas, gahaman at tanga. Para lang hindi maalis si kuya Keanu sa kanyang katungkulan ay nagpaloko ako sa isang demonyo. Nagulat na lang ako noong may pinatay ito na ilang matataas na anghel at kami na ang naging may sala.

Kaya ngayon... nakikipaglaban kami para sa aming kapalaran.

Hinawakan ko ang pulseras ko sa kanan kong kamay. Ito na lang ang natitirang bagay mula sa itaas na hindi nila kinuha sa amin. Bigay ito sa akin ng namayapa kong ina. Sinisimbolo nito ang kabutihan, busilak na damdamin at kapayapaan. Dito na lang ako kumukuha ng lakas at pag-asang makakabalik pa rin kami sa dati.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon