34 --- White Demon

22.2K 1.1K 115
                                    


"Patawarin mo ako, Leah..."

________ _ _ __

"ALAM KO NA kung ano ang kailangan ninyo."

Biglaan akong napalunok dahil sa kaba. Wala rin nasabi sina Damasen. Panigurado, katulad ko, ay kabado rin sila. Hindi basta-basta ang kaharap namin ngayon. Sa isang iglap, maari na lang kaming masunog dito.

Hindi pa kami nakakatugon ay agad nang lumapit sa akin ang isa sa mga usok na nasa tabi niya. Pipigilan sana ito nina Ares ngunit biglaan na lang silang hindi makagalaw. Wala na silang nagawa noong tuluyan nang natakpan ng usok ang buo kong katawan.

Sa pagmulat ng mga mata ko ay nasa isa na akong kwarto na may isang lamesa at upuan lamang. Pula ang kulay ng mga ito. Palingon-lingon ako sa paligid. Hindi ko na napansin ang paglitaw ni Sir Valdez sa likuran ko. Nakaupo na siya at nakangiti lang habang tinitignan ako.

"Bakit ako narito, Sir?" Tanong ko agad sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako maaring pumatay ng mortal. Kahit markado ka ng dilim at liwanag, mortal ka pa rin. Bilang isang earoi, ang magagawa ko lang ay sunugin ang katawan at kaluluwa ng mga nasa dilim at liwanag. Upang parusahan sila. At minsa'y maari ko silang pakinabangan. Hindi mo nakikilala ang dalawang espiritu sa opisina ko kanina?"

Hindi kaya ... sina ...

"Kung ang kambal ang nasa isip mo, tama ka. Sila nga."

Agad akong lumapit sa mesa—sa mismong harap niya—at hindi ko napigilan na hampasin ito dahil sa labis na inis. Gusto nang matapos nina Minzy ang buhay nila. Gusto na nilang manahimik. Tapos ngayon, gagamitin lang niya ang kambal para sa pangsarili niyang kagustuhan?

"Sabihin mo na lang kung bakit mo ko dinala rito." Tumingin ako nang masama sa kanya. "...Sir." Sarkastiko ko pang sinabi.

"Kaya nga lagi kong sinasabi sa mga estudyante ko ang mga tungkol sa ibang nilalang dito sa mundo. Pero ang mga katulad ninyong mga mangmang na mortal, ayaw maniwala. Kaya kapag nakita nyo na ang masaklap na katotohanan, gusto kong sabihin ninyo na tama ako. Na tama si Sir Valdez." Muli na naman niyang hindi pagpansin sa tanong ko. "Para kapag naging isa na rin sila sa dilim, pwede ko na silang sunugin."

Muli ko na namang hinampas ang lamesa sabay sabing, "Bakit ako narito? Bakit mo ko hiniwalay sa kanila?!"

Tumawa siya.

"Ngayon lang ata kita narinig na sumigaw. Hindi bagay sa mukha mo, Ms. Villareal." Wika niya muli habang tumatawa pa rin.

Hindi na ko natutuwa. Agad akong kumilos at naghanap ng daan palabas. Ngunit kahit anong hanap ang gawin ko'y walang pinto.

"Alam mo naman siguro na tatlo lang ang maaring mangyari sa'yo; ang mapunta sa'yo ang demonyo na nasa loob ng kaibigan mo---depende pa kung makakayanan mo ang kapangyarihan nito. Ang pangalawa ay, ang mamatay ka. Ang pangatlo ay ang mapatay mo siya. Wala ka ng iba pang pagpipilian pa. Ang gagawin ninyo ay lubhang delikado. Ang pagbuo ng librong iyon ay isang malaking sugal. Hindi ito parang isang genie na pagbibigyan lang ang hiling mo. Lahat ng bagay ay may kapalit. Ikaw lang ang magdudusa sa huli, Ms. Villareal." Seryoso na ang kanyang tono at sa paglingon ko sa kanya ay deretso siyang nakatingin sa mga mata ko.

"Wala na akong pakialam! Alam ko na ang mga iyan. Kung ano man ang magiging kalabasan, handa na ako. Handa na kami," tugon ko sa lahat ng sinabi niya.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" Tanong niya sa akin.

"Dahil kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ng pamilya ko. Kasalanan namin kung bakit nagkaganito si Lucas. At dahil mahal ko siya. Dahil ako lang ang makakapagligtas sa kanya." Nakayuko kong sinabi.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon