17 --- Monsters

31.6K 1.4K 292
                                    


"Lalapit sana ako sa kanya. Kung ano man ang sasabihin o gagawin ko ay hindi ko alam. Basta ang alam ko ... gusto ko siyang malapitan."

________ _ _ __

DINALA NIYA kami sa isang malaking kwarto na mayroong malaking lamesa sa gitna at mga nakapaligid ng mga upuan. Umupo siya sa gitna habang kami naman ay nagsihanapan ng sari-sariling upuan.

"Ang pangalan ko nga pala ay Grey." Wika niya habang komportableng nakaupo sa harapan naming lahat. "Ay mali, iyon ang pangalan ng nagmamay-ari ng katawan na ito. Tulad ng nalalaman nyo, isa ako sa mga naunang hybrids dito sa lupa." Itinaas niya ang kanyang palad at may lumabas na itim na apoy doon. Nilaro-laro niya ito sa palad niya habang nakatingin sa amin.

Bigla ko tuloy naalala si Pandora. Ginawa rin niya ito sa harapan ko. Noong nakita ko siya sa luma naming bahay. Noong binalaan niya ako patungkol sa kalaban, sa kung sino man ang nanglilinlang sa akin. At sa pagkakaalala ko nang sandaling iyon, bigla namang pumasok muli sa isipan ko ang huli niyang sinabi sa akin. Ang babala sa pagkamatay ng aking mga magulang.

"Isa pa nga pala, kailangan mo nang umuwi. Sana ay may maabutan ka pa sa bahay ninyo."

Napapikit ako nang pumasok din sa aking isipan ang sinabi naman ni Grey kani-kanina lang.

"Namatay ang mga magulang mo hindi ba? Baka gusto mong mabuhay muli sila? Kayang-kaya ko iyon, Leah."

Napakagat ako sa aking labi upang pigilan na mapaluha. Ayoko na. Ayoko nang maalala ang lahat.

Muli akong tumingin kay Grey na patuloy pa rin sa pagsasalita habang mayroon pa ring itim na apoy sa kanyang palad.

"Pang-apat ko nang katawan ito. Palipat-lipat ako ng katawan sa kadahilanang hindi ako makunteto. Ngunit sa katawan na ito," itinaas niya ang kanyang mga braso at hinawakan niya ang kanyang mukha. "Kuntentong-kunteto na ako. At tulad ng sinabi ko sa inyo, gusto ko na lang manahimik kaya gusto na isang reyna, gusto kong magkaroon ng isang nilalang na nasa tabi ko habambuhay."

Sinabi sa akin ni Damasen kanina na iba-iba ang mga hybrids. May mga sobrang sama talaga at mayron din namang iba na sa haba ng pamumuhay nila kasama ng mga mortal ay nagkakaron din ng puwang sa puso nila ang katiting na emosyon man lang pero syempre, walang kabutihan-emosyon lang. Depende rin daw sa kung gaano kataas ang paniniwala na natitira sa katawan na sinaniban nila. Maari raw kasi itong maka-apekto pa rin sa hybrid ngunit imposible nang makuha muli ng mortal ang kanyang katawan.

Iyon ang tingin ni Damasen. Hindi ito dahil sa gusto ng Hybrid si Bommie kung hindi, gusto talaga ni Grey si Bommie. Maari raw na may kakaunting natira pa sa isipan at damdamin ni Grey sa katawan na ito. At dahil dito, nagkaron ng interes ang Hybrid sa babaeng iyon.

"Pero Grey, mahirap mapalapit kay Bommie. Hindi naman sa mapanghusga ako ha, pero maarte siya-" Ipagpapatuloy ko pa sana ang sasabihin ko ngunit agad na nagsalita si Grey.

"Huwag mong sasabihan nang ganyan si Bommie! Hindi mo alam ang pinagdaanan niya at wala kang alam sa nararamdaman niya!" Sigaw agad ni Grey sabay hampas pa sa mesa. "At sinong nagsabi na maarte siya, ha? Palagi ko siyang nakikita na bumili ng kung anong pagkain sa labas ng inyong eskwelahan, mga pagkain na pinandidirihan ng iba sa inyong mga mortal. Nakita ko pa siya kahapon na bumili ng burger na mumurahin at puro tinapay lang ang laman. At paborito niya ang mais na tinitinda sa palengke. Sinong nagsabi na maarte siya, ha?!" Dagdag pa niya.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi basehan ang pagkain sa sinasabi ko pero ayaw ko na rin sumalungat sa hybrid na ito. Bilis tumaas ng dugo eh.

"Matakaw pala yang Bommie mo," biglang komento ni Ares.

Tumayo muli si Grey sa kinauupuan niya at sa pangalawang pagkakataon, inihampas na naman niya ang kamay niya sa mesa.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon