38 --- Blur

16.6K 728 160
                                    


"Mahal na mahal kita, Leah. Hindi mo naman ako iiwan di'ba?" 

________ _ _ __________ _ _ __

HINDI AKO MAKAPANIWALA sa nadatnan namin ni Damasen. Anyong hellhound si Ares at halos sasakmalin na niya si Lucas na walang laban. 

Anong nangyayari? Bakit nagkakaganito si Ares?

"Ares, bakit mo papatayin si Lucas?" Takot man ako ay nagawa ko pa ring bigkasin ang tanong sa utak ko.

Umatras si Ares at tumakbo palayo. Sinundan siya ni Damasen habang ako ay naiwan kasama ni Lucas. Agad akong lumapit kay Lucas at tinulungan siyang tumayo.

"Ayos ka lang ba, Lucas? Anong nangyari? Nagtalo ba kayo ni Ares?" Tuluy-tuloy kong pagtatanong sa kanya ngunit isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kanya. "A-Anong nangyari?" Tanong ko muli.

"Delikado tayo kay Ares, Leah. Papatayin niya ko." Kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko nang deretso. "Umalis na tayo. Iwan na natin sila. Pinadala lang sila ni Pandora para maagaw ang lahat ng libro at ang kahilingan na gagawin mo. Ginagamit ka lang nila, Leah. Umalis na tayo hangga't maaga bago pa man nila tayo maunahan."

Hindi ko maintindihan....

Anong nangyayari?

"Yung huling libro, kaya na natin itong makuha nang tayong dalawa lang." Muli niyang iniharap ang mukha ko sa mukha niya. "Nagtitiwala ka naman sa akin, di'ba?"

Nagtataka ako sa mga naririnig ko kay Lucas. Nakasama na namin mula umpisa sina Ares. Tinulungan nila kami kahit na buhay nila ang kapalit. Hindi nila kami iniwan tapos iiwan na lang namin sila nang ganito? Pero paano kung totoo ang sinasabi ni Lucas?

"Kuhanin natin lahat ng libro at umalis na tayo rito. Leah... naririnig mo ba ako?" Nagtataka na siyang tumingin sa akin. "Wala ka na bang tiwala sa akin? Mas nagtitiwala ka kina Ares? Kitang-kita mo kanina, papatayin niya ko! Ano nang gagawin natin kapag sa'yo niya ginawa 'yon?"

Napailing ako ng ilang beses. Hinding-hindi magagawa sa akin ni Ares iyon. Kung ano man ang nangyari kanina---hindi ko nasaksihan mula umpisa. Tama ... hindi ko pa alam ang panig ni Ares. 

Napatingin muli ako sa mga mata ni Lucas.

Pero, itong mga sinasabi ni Lucas ... maari ring totoo ito. Baka ganun ang plano nila Ares. Baka inaya akong lumabas ni Damasen para mapatay ni Ares si Lucas. Para wala na kong ibang pagpipilian sa dulo dahil wala na ang ililigtas ko. Para ibigay ko kay Pandora ang kahilingan ko at hindi kina Keanu. Maaring gagamitin ito ni Pandora para mas lumakas siya. Pinadala lang din niya sina Ares para makuha nang mabilis ang mga libro kagaya ng pagkuha nila sa tiwala ko.

Baka nga ginagamit lang nila ako.

"Totoo ba yang mga sinasabi mo, Lucas?" Tanong ko sa kanya.

Tumango si Lucas.

Nagda-dalawang isip pa rin ako sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na biglang magiging ganito ang sitwasyon. Hindi ko na alam ang dapat kong paniwalaan.

"Naniniwala ka naman sa akin, di'ba?" Muli niyang pagsambit ng katanungan na iyon.

At tumango naman ako sa kanya.

Si Lucas ito ... hinding-hindi niya ako lolokohin.

________ _ _ __

3:36 AM

Maingat akong kumilos habang inaayos at pinagkakasya ko lahat ng libro sa maletang dala namin ni Lucas. Hindi namin alam kung nasaan sina Ares. Mula noong umalis sila ay hindi pa sila bumabalik kaya sinamantala namin ang pagkakataon para itakas na lahat ng libro. 

Nang napagkasya namin lahat ay biglang humarap sa akin si Lucas. Siya ang may hawak ng maleta habang ako naman ay nagulat sa kinilos niya.

"Lucas ... bakit?" Tanong ko habang kabadong nakatingin sa kanya.

Nakaharap siya sa akin at halos isang pulgada lang ang layo namin sa isa't-isa. Kumakabog ang dibdib ko at hindi ako mapakali. Sadyang napakatapang ng mga mata niya.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at ipinangtakip sa mga mata ko. Sa ilang saglip ay dumilat na ako at nadatnan kong nasa ibang lugar na kami.

Sa isang maliit na bahay.

Napabuntong-hininga ako. Akala ko kung ano na ang gagawin sa akin ni Lucas kanina.

"Dito muna tayo habang hinihintay natin ang ikasandaang araw. Hindi ba iyon ang nasa sulat?" Wika ni Lucas habang itinatabi ang maleta sa isang cabinet.

Nilibot ng paningin ko ang paligid. Maliit na bahay lamang ito kung ikukumpara sa bahay ni Lucas ngunit sapat na ito para sa aming dalawa. Simple lang ang mga muebles at may kuryente naman.

"Dating bahay ito ng pamilya namin. Dito kami namamalagi kapag may gulo at kailangan nila akong ilayo." Umupo si Lucas sa lumang sofa. "Medyo magulo pero kapag nilinis natin ay magiging okay naman dito."

Tumango lamang ako habang tinitignan pa rin ang paligid. Napakabilis ng pangyayari. Ngayon, pati ang mga kaibigan namin ay pinagtataguan at nilayuan na namin. Malaki ang tiwala ko kina Ares pero mas malaki ang tiwala ko kay Lucas...

"Hindi ka ba nagsisisi na sumama ka sa akin?"

Nagulat naman ako sa biglaang sinabi ni Lucas. Ilang segundo akong nakatingin lang sa kanya----hindi alam ang sasabihin ko. Nagsisisi nga ba ako? Ano ba dapat ang maging reaksyon ko? Narito na lang ba ako dahil may tiwala ako sa kanya o narito na lang ako dahil sa tingin ko'y responsibilidad kong sumunod at iligtas siya sa kahit anong pangyayari?

Gulong-gulo rin ang isipan ko.

Basta ang alam ko ... siya si Lucas, dapat ko siyang iligtas. Dapat nasa tabi niya ako. Dapat hindi akong mawala muli sa kanya. Ako ang may kasalanan ng lahat---ako ang susi---ako ang pag-asa niya. Pero paano nangyari na sa mga dahilan kong iyon ay hindi ko man lang inalam ang panig ng malapit kong kaibigan? Ni hindi ko man siya nakita. Ni hindi ko man nakausap si Ares... 

Bakit may isang panig sa isipan ko na gusto kong bumalik? Gusto kong makita at makausap ang taong ilang beses na rin akong niligtas. Ang taong hindi umalis sa tabi ko. Ang taong pinahalagahan din naman ako.

"Nahihirapan ka na bang sumagot?" Tanong muli sa akin ni Lucas. May kung anong lungkot sa mga mata niya. Tumayo siya at pumunta sa may likuran ko. Niyakap niya ako. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya sa may beywang ko.

Pero wala akong maramdaman na kahit ano sa puso ko. Walang pagkabog ng dibdib. Walang pagkataranta.

"Mahal na mahal kita, Leah. Hindi mo naman ako iiwan di'ba?" Bulong niya sa akin.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ito pero nang nagsalita siya ... hindi na boses ni Lucas ang narinig ko.

 hindi na boses ni Lucas ang narinig ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

________ _ _ __

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon