Chapter 1

10 2 0
                                    

Honelyn Angel Montana

Lakad takbo ang ginawa ni Honelyn dahil alam nyang late na sya sa trabaho. Hindi naman sa parati syang late, nag kataon lang na nagkakayaan silang magkaibigan na mag bonding kahapon, hindi man sila kompleto kahapon sa kadahilanang may trabaho ang iba sa malayo at busy rin.

Hindi naman sa big deal sa kanya ang ma late dahil hindi naman pumapasok, ni hindi nga nya nakitang pumasok ang CEO ng kompanyang pinagtratrabahuhan niya which is boss nya. Sa higit limang taon nyang pag tratrabaho doon ay ni isang beses ay hindi nya nakitang o nasilayan man lang ang mukha ng boss nya. Marami na syang nisearch na ginawa tungkol sa boss nya pero pangalan lang nito ang nakalagay at mga achievement's ng companya, pag unlad nito at kung gaano kasikat sa business industry.Ni isang litrato walang nakalagay...Hindi kaya allergy sa camera si boss? Napailing naman sya sa na isip.

Nang makarating sa Monteverde Corp. Ay binati nya ang dalawang security guard pagkapasok nya. "Good morning po sa inyong dalawa mga manong!" Masiglang ngumiti naman ang dalawa sa kanya at bumati pabalik. "Good morning rin sayo ma'am Angel!" Security guard 1. "Patagal ng patagal lalo ho gumaganda" Security guard 2.

Napangiti naman sya ng malaki. "Hindi naman po masyado, sadyang bolero lang po talaga kayo" napakamot naman ang isa manong sa batok nya. "Totoo po yun ma'am! Maganda naman po talaga kayo" giit nito. "Oo nga ma'am! Sa totoo nyan.... kayo po ang nag papasigla ng kompanyang to ma'am" segunda rin ng Isa

"Ayy late ka na pala ma'am!" Bahagya namang nanlaki ang mata nya ng maalalang late na nga pala sya. "Oo nga pala! Kayo kasi mga manong chinika nyo pa ako eh, Yan tuloy na kalimutan ko!" Napanguso naman sya kaya natawa naman ang dalawang security guard sa reaction nya.

"Bye na mga manong! Pasok na po ako!" Sigaw nito ng mag umpisa na syang tumakbo papasok sa kompanya. Lahat ng madadaanan nyang ka co-office ay binabati sya na binabati naman nya pabalik.

"Good morning Honelyn!"

"Good morning!"

"Good morning Angel!"

"Good morning rin!"

"Good morning gel!"

"Good morning Lyn!"

"Good morning sa inyong lahat!"

Nang makarating sa sariling disk sa labas ng OFFICE dapat ng boss nilang wala atang balak na pumasok at magtrabaho, himala pa atang nakatayo pa tong company nya kahit na hindi ito pumasok. Napabuga naman sya ng hangin at nag umpisa ng gawin ang mga dapat na gawin.

Nang lunch break ay naghahanda na sya papunta sana ng canteen ng bumungad sa kanya ang natatarantang mukha ni Joyce na ipinagtaka nya. "Anyari sayo girl?" Tanong nya dito dahil hindi lang ito natataranta kundi pinagpapawisan rin.

"PAPASOK NA RAW ANG CEO NGAYON!"

"Papasok lang pala e-ANO?!" Gulat na gulat say, ni hindi nya alam yun. ' bakit hindi ko alam yun? Hello! Ako kaya Ang secretary! Ano pa silbi ko kung ganun?!'
Isip isip nito. "Teka paano mo nalaman?" Takang tanong nya dito. "Kaka announce lang kaya kanina." Napangiwi naman sya doon. Bakit ba kasi nag suot sya ng ear plugs ng mga oras na yun?!

"Naghahanda na ngayon ang lahat dahil aabangan natin ang pagdating ni boss sa may entrance ng company. Kaya lalong lalo na Ikaw!" Napalunok naman sya doon ng wala sa oras, e nung kanina nya lang ito iniisip ngayon ay dadating na! "Jusko oh gabayan nyo sana ang kaluluwa ko" pipeng dasal nya ng makaalis na si Joyce at sya na lang natira mag isa doon kaya wala syang magawa kundi ang maghanda na kahit na kinakabahan sya sa mangyayari.

Pagkatapos nyang maghanda ay dali-dali syang tumakbo sa ibaba. Habang naghihintay sa elevator ay nakatanggap sya ng message galing kay Joyce.

From: Joyce

Honelyn nasaan kana? Nandito na Ang sasakyan ni boss!

Nataranta naman sya bigla ng mabasa nya yun. Kung bakit ba kasi nag ka abirya pa ngayon ang elevator na dapat ay kailangan nya para mabilis syang makababa?! Gamitin nya kaya ang private elevator ng boss nya? Wala naman masama dun diba? Makikigamit lang naman sya. Pero wag na lang...gagamitin na lang nya ang hagdan pero...Puchaa!! Nasa last floor pala sya ng building!!

Huminga muna sya ng malalim bago tinahak ang daan papunta sa fire exit ng building. Kakayanin nya kahit ikamatay ng paa nya dahil sa mataas nyang heels... Bakit nga ba sya nag suot ng mataas na heels ngayon? kalimutan nya muna ang pagiging tamad nya sa araw na to... Minsan mo lang kasi masisilayan ang mukha ng boss niyang tamad pumasok...sya nga pumapasok kahit tamad e tss. Yung boss nya pa ata ang mas tamad sa kaniya dahil anim na taon na raw itong hindi nagpapakita, buti nakatayo pa ang building na to... Akalain nyong anim na taon itong wala! Sino hindi mamamangha dun?!

Parang maiiyak na sya sa kakatakbo kahit na tatalisod na sya sa bawat hakbang nya ng nakitang nasa 54 floor palang sya ng building. Humihingal na pinagpatuloy nya parin ang pagtakbo at hindi ininda ang heels nya parang kahit gusto nya na lang mag pagulong pababa ng hagdan.

"Bakit ba kasi 60 floor tong pisteng building na to!!" Naiinis na sigaw nya dahil alam nyang wala namang tao doon.

Parang si Flash na sya sa bilis ng takbo nito...takbo at talon ang ginagawa nya sa ibang baitang ng hagdan para mapabilis lang ang pagbaba nya. Makalipas ng two hours and twenty second ay nakarating na sya sa lobby...Oo ganun sya kabilis buti nga hindi nasira ang heels nyang suot.

Dali dali naman syang pumwesto sa tabi ni Joyce na nakasama sa nakahilerang empleyado sa may lobby. Nagulat naman ang iba sa biglang sulpot nya. Hinihingal pa sya ng makarating. Nagtataka naman ang iba kung bakit sya ganun.

"Sa mukha mo ngayon Lyn... Parang hinabol ka ng sampong manyak...Anong nangyari sayo?" Parang gusto nyang irapan si Joyce pero hindi nya magawa dahil hinihingal pa talaga sya

"I...Ikaw kaya...mang galing sa...last floor ng building na to...at dumaan sa Fire exit? Na...nagmamadaling makababa! Hindi ka kaya hihingalin?!" Hingal na sagot nito kaya gulat namang napatingin sa kanya ang mga empleyado na malapit sa kanya at nakarinig yun kasam na doon si Joyce.

"You what?! Naka heels ka pa naman! Paano kung napano ka doon habang bumaba ng mag-isa?!" Nag alalang bulyaw sa kanya ni Joyce pero hindi nya na lang pinansin at nag tanong na lang.

"Nandito na si Boss?" Natatarantang tanong nya. Umiling naman si Joyce na ikinalma ng sistema nya. "Nandyan na sya sa labas pero hindi pa raw lumalabas sa sasakyan nito dahil may tinatawag pa raw sabi ng bodyguard nya" sagot nito sa kanya kaya napatango tango sya "Buti naman kung ganun" bulong nito sa sarili

Bumukas naman ang entrance at nag siyuko silang lahat at hindi yun namalayan ni Honelyn dahil parang pinako sya sa kinakatayuan nya at nanlalaking matang nakatingin doon sa binatang nakasuot ng business suit na nakatayo sa entrance ng building.

Naka business attire ito at makikita mo sa gwapo nitong mukha na dapat mo syang iwasan. Nagpapalabas sya ng nakakatakot na aura pero hindi parin mababawasan ang angking ka gwapuhan nito na lahat ng babaing makakita sa kanya ay mahuhulog sa charisma nito at ang mga seryusong golden brown nitong mga mata ay nakakadagdag lalo ng kagwapuhan nya.

Napabalik naman sya sa katinuan ng mapansin nitong dumapo sa direksyon nya ang tingin nito kaya dali-dali syang yumuko.

A/N: Ang hirap pala mag update..chozzz stressed na si me😂

Hope you enjoy reading my story😊

꧁︎Me_galyn_Anonima꧂

𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭𝐅𝐚𝐥𝐥 𝐒1: 𝐇𝐢𝐬 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐚𝐧𝐝Where stories live. Discover now