Chapter 13

3 0 0
                                    

Hindi alam ni Honelyn ang gagawin niya sa mga sandaling yun. Ito ang kauna-unahang pangyayari na higit na hindi maganda na nangyari sa buhay niya. Ni hindi niya na napapansin ang mga taong nagkakagulo dahil sa biglang pangyayari na kahit siya ay hindi na magawang kausapin at tulala parin. Hindi kasi maabsorb ng utak niya ang mga pangyayaring iyon na  nakatatak na sa isipan niya. Sa mismong harapan niya pa ito nangyari, ni hindi niya maigalaw ang katawan niya.

Kanina pa siya tinatawag ng bata pero tila hindi niya ito na ririnig. Nagsidatingan naman ang mga pulis at agad na nagresponde.

"Honelyn!"

Doon naman siya natauhan at napabalik sa katinuan. Sinundan niya naman ng tingin kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses na iyun. At doon niya nakita ang taong hindi niya inaasahang makikita niya ngayon. Bigla naman siya nitong niyakap ng mahigpit ng makalapit ito sa kanya. Gumanti naman siya ng yakap at muntik na siyang matumba dahil sa panghihina buti na lang yakap siya ni Zach.

"Are you okay Hone? Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nila nasaktan?" Sunod sunod na tanong nito sa kanya. Umiling naman siya ng mabilis bilang sagot.

"Hindi naman ako nasaktan, okay lang naman ako eh. Paano mo pala na laman na nandito ako?" Takang tanong niya dito. Sa pagkakatanda niya eh hindi niya naman na banggit na pupunta siya sa mall ngayon at kung mabalitaan niya ito— eh kakarating lang naman ng mga reporter.

"May meeting kasi ako at nagkataon na sa kabilang building lang naman, and someone told me about the situation and I came to check and I saw you here at nag alala ako ng makita kita." Pagpapaliwanag nito. Napatingin naman siya sa kasuotan ng lalaki. At naka suot ito ng itim na T-shirt at itim na leather jacket at itim rin na jeans. Naisip niyang totoo nga ang sinasabi ng lalaki.

"OH MY GHAD! ATHENA! DAMIEN!"

Sigaw niya ng maalala na may kasama pala siya kanina. Hindi kasi ito mahanap ng mga mata niya. Nagsisimula na siyang mataranta ng may biglang tumawag sa kanyang bata.

"Mommy Lyn! Where here!"

Sabay naman silang napalingon sa papalapit sa kanilang dalawang tao. Walang ka ngiti ngiting mukha ang mukha ni Athena na hawak-hawak ang batang si Damien. Nang makalapit ay agad namang namukhaan ni Zach si Athena.

"Anong nangyari sayo?!" Gulat at nag-aalalang bungad ni Honelyn kay Athena ng mapansin nitong may benda ang kanang balikat nito at may bahid rin ng dugo ang kaninang puting suot nito. Doon lang rin napansin ni Zach na may sugat ang babae at lihim na napamura. Lagot ako nito kay D, kaya pala hawak-hawak niya ang bata sa kaliwang kamay niya. isip-isip niya.

"It's nothing. Nadaplisan lang ng ligaw na bala atsaka malayo naman sa atay kaya hindi ko ito ikakamatay. So don't worry." Baliwalang sagot nito at parang walang iniindang sugat. Napatingin naman ito sa katabi nitong lalaki ngayon niya lang napansin na may kasama pala si Honelyn. "By the way, who is this guy?" Nakataas kilay na tanong nito. Bigla namang kinabahan si Honelyn dahil sa seryusong tanong ni Athena sa kanya. Minsan lang kasi magseryuso ang kaibigan niyang to e kadalasan kasi ay puro kalukohan lang ang dala nito.

"Ahm. Athena this is my boss, Zach. Zach meet one of my best friend Athena." Pakilala niya ang dalawa sa isat-isa. At dahil na pansin ni Zach na hawak nito sa kaliwang kamay ang bata kaya tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay para makipagkamay.

"Hi, my name is Zach Craige Monteverde the owner of Monteverde Corp. And I know it's not the right time and place to say nice because of this wrong timing of event but I'd say, it's nice to finally meet you Athena."

Napatingin naman si Athena sa nakalahad nitong kamay at hindi ito tinanggap o kinamayan manlang. "Do you know that I can't shake your hand with my situation right now? And I already heard your name, But It nice to meet you too, Zach. I heard many things about you." Ibinaba naman ni Zach ang kamay nito ng sabihin iyon ni Athena. Nakirinig naman siya ng tawanan at doon niya na kalimutan na nasa kanya pa pala ang earpiece at nakalimutan niya rin itong e-off sa kakamadaling pumunta sa babaeng gusto niya, ngayon lang siya nag-alala ng ganun sa isang tao. 

𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭𝐅𝐚𝐥𝐥 𝐒1: 𝐇𝐢𝐬 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐚𝐧𝐝Where stories live. Discover now