Chapter 12

4 0 0
                                    

Honelyn POV:

     Napabuntong hininga naman ako ng makaramdam ng nag-iisa. Oo mag-isa lang ako ngayon kasi naman sino ba ang taong gustong mapag-isa ng mabatokan ko! Lahat naman ata ng tao ayaw mapag-isa at isa na ako ron...well hindi naman siguro lahat? Mag-isa lang ako sa loob ng condo namin dahil ayaw akong patrabahuhin ng masungit kong boss! Oo! Masungit na siya ngayon! Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa isang yun at parang sinapian ng masungit na espiritu? Eh wala naman akong ginawa na ikakagalit nun?

Dahil wala akong magawa kundi ang mag mukmuk lang dito, wala rin kasi ang bata kaya mas lalong naging boring ang araw kong ito. Hiniram kasi ni Everest yung bata at sigurado akong iniispoiled niya naman yun. Sabagay wala namang ibang bata sa amin, si Damdam pa lang, kaya spoiled talaga namin siya. Minsan na aalala ko pa na parati kaming pinapagalitan ng Ina ng bata dahil sa mga pinaggagawa namin. Matawagan na nga lang ang isang yun total siya lang naman ang wala ng trabaho  sa amin.

Ring.... Ring...... Ring....

"Ano naman ang kailangan mo?"

Ayy grabe hindi man lang ako binati. Ang bait talaga ng kaibigan ko. Note the sarcasm please

"Wow huh, wala man lang hello diyan? Hindi mo ba ako na mimiss o kakamustahin man lang?"

"Bakit naman kita ma-mimiss? jowa ba kita?" Ayy ang taray ng Lola niyo ngayon ah!

"Ang tanong may jowa ka ba?" Pang-aasar ko dito.

"Kung tumawag ka dahil aasarin mo lang ako dahil wala akong jowa. Pwes! Pakihanap ng paki ko!" Init ata ng ulo ng isang to?

"Boring dito sa condo dahil wala kana. Asan kaba ng mapuntahan kita diyan?" Deriktang tanong ko dito baka kasi lalong uminit ang ulo nito mahirap na.

"Nasa empyerno ako ngayon."

Napahawak naman ako sa sentido. Kahit kailan talaga wala akong makukuha na seryusong sagot mula sa kanya.

"ATHENA ELLIS ATIENZA!!"

"Nasa mall ako, okay? Kailangan talaga sabihin mo buong pangalan ko? Punta ka na rito... Bilisan mo baka mainip ako dito kakahintay sayo... Pasasabugin kong mall nato."

Kasabay ng pagbanta ay pinutol niya na kaagad ang tawag. See? Binantaan pa ako. Makapag ayos na nga baka pasabugin nga nun yung mall mahirap na baka totohanin nun. Yung banta niya kasi tinotoo niya talaga. Tulad dati noong high school pa kami nun. Na late siya noon sa experiment class namin. Terror pa naman ang teacher namin doon. Tapos ipinahiya pa siya sa buong klase kaya dahil sa inis pinagbantaan niya ito sa harap ng buong klase. Tandang- tanda ko pa ang sinabi niya

"Itong tandaan mo tanda... Hinding-hindi kana makakaturo pa."

At pagtapos nun at umalis na siya at nagulat na lang kami isang araw ay nabalitaan na lang namin na aksidenting nasunong raw ang building ng science lab kung saan kami nag e-experiment noon. Kaya mahirap baka totohanin rin nun ang banta niyang pag papasabog ng mall kahit na imposibling magagawa niya yun.

              (FAST FORWARD)                  

 
Nang makababa ako ng taxi ay agad akong pumasok sa loob ng mall. Luminga-linga muna ako. Saan na ba ang babaeng yun? Ang sabi niya sa text ay hihintayin niya ako sa may entrance pero wala naman siya dun kaya pumasok na lang ako na nagbabasakaling nasa loob lang siya. At tsaka naka all white raw siya. Aba iwan ko lang sa babaeng yun mahilig ata sa color coding ang isang yun.

"Paging...Honelyn Angel Montana please come up to 3rd floor. Meet me at the entrance of Victoria Shop."

Aba hanep naman ng babaeng yun! Nagawa pang e page ako! Paano naman niya yun nagagawa?!

𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭𝐅𝐚𝐥𝐥 𝐒1: 𝐇𝐢𝐬 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐚𝐧𝐝Donde viven las historias. Descúbrelo ahora