Chapter 11

7 2 0
                                    

HONELYN POV:

  Huminga ng malalim at tsaka ko na pagpasyahan na bumangon mula sa kama ko, and do my morning ritual. Isang linggo na ang nakalipas magmula nung..iwan ko ba... confession ni boss Crai—i mean Craige lang pala. Nung huling tawag ko kasi ng boss sa kanya ay nilagyan niya ako ng hickey sa leeg! Kaya wala na akong magagawa kundi sundin na lang siya.

Nang pagkalabas ko ng kwarto para magbreakfast ay nakita kong may tinatawagan sa phone si Nova. Bakit kaya nandito pa to? And base na rin siguro sa mukha nito na nakakunot ay mukhang problema yun.

"Hey, good morning!" Bati ko dito. Tinanguan niya naman ako pabalik. Umupo naman ako sa mesa at kaharap ko ang cute na batang si Damdam na kumakain ng cereal niya.

"Good morning baby!" Bati ko sabay abot ng ulo nito at ginulo ang buhok niya. "Good morning rin mommy Lyn!" Natawa naman ako sa pagkahyper ng bata na to.

Makaraan ng ilang minuto ay lumapit sa amin si Nova at hinalikan sa ulo yung bata na masayang kumakain.

"May problema ba?" Agad na tanong ko diri. Tumango naman ito ng dahan-dahan bilang sagot, saka malalim na huminga.

"He's babysitter is not going to work today. She's taking a one month leave."

"Bakit ano bang nangyari sa kanya?" Nakakapagtaka naman kasi na hindi si Nina papasok eh kailangan nun ng pera.

"Her mother got sick, Walang mag-aalaga kaya siya tumawag kanina para magpaalam. Babalik naman siya raw pagsigurado na siyang magaling na ang Ina niya. For now, I don't know what to do cause you know...in my work, bawal ang mga bata doon at tsaka sa uri ng trabahong meron ako, hindi ko siya mababantayan ng maigi."

Tsk. Problema nga to. Hindi naman kami makakakuha ka agad ng kapalit na babysitter kasi babalik pa naman si Nina. Ang kaso hindi pa alam kung kailan. Hindi naman kami agad makakahanap ng pasamantalang babysitter dahil ilang oras na lang late na naman ako—nanlaki naman ang mga mata kung tinignan si Nova, naka uniform na ito ng nurse.

"Late ka na ah!" Gulat naman siyang napalingon sa wall clock na nakasabit sa pader, alangan namang isabit sa sahig diba?

"Anak ng—" Hindi na tuloy ang pagmumura ng maalala ata nitong may bata kaming kasama. Humihingi naman ng tulong na tumingin siya sa akin. Napailing na lang ako. Parang ako pa mamo-mroblema nito.

"Sige pumasok ka na sa trabaho mo. Baka matanggal ka pa sa trabaho mo mahirap na.." sabay tingin sa bata na walang kamuwang-muwang sa nangyayari ngayon. "Ako na bahala sa kay baby Damdam. Hindi naman ako siguro matatanggal kapag nagdala ako ng bata sa loob ng company."

"Thank you talaga Angel!" Napakayap naman siya sa akin tapos ay kumalas ito at sunod namang niyakap ang bata at saka pinagsasabihan na magpapakabait sa akin. Hahaha parang ito na ang huling pasok ko sa company. Magagalit kaya siya pagnagdala ako ng bata? Well, let see kung ano mangyayari mamaya.

   Pagkatapos niyang magpaalam ay umalis na siya para pumasok. Ako naman ay inasikaso muna ang bata saka kami umalis para pumunta sa trabaho ko rin. Agad naman ako nagpara ng taxi at maingat na inalalayan na makasakay si Damdam sa taxi. Baka kung ako lang mag-isa ay nilipad ko na ang taxi dahil late na talaga ako pero dahil may bata akong kasama ay okay lang kahit na late na ako, wag lang masaktan ang cute na inaanak naming  ito!

Napatingin naman ako sa kanya ng mahina nitong hinila ang laylayan ng damit ko. At ng tignan ko siya ay hindi ko alam kong kukurutin ko ba ito dahil sa sobrang cute! Nagtataka nga rin ako eh...

May lahi ata tong bata nato. Ang gwapo eh! Gwapo rin ata ama nito.

"Yes baby?" Tanong ko sa kanya

"Saan po tayo pupunta mommy Lyn?"

𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭𝐅𝐚𝐥𝐥 𝐒1: 𝐇𝐢𝐬 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐚𝐧𝐝Where stories live. Discover now