"Pano" (Justin)

40 2 9
                                    

A/N: Ikaw na nagbabasa, nabasa mo na ba yung huli kong update? Kung nabasa mo na, lumaklak ka ng holy water pls. At kung hindi mo pa nababasa, basahin mo na dahil di pwedeng yung mga nakabasa lang yung lalaklak. And also shutdown sa dalawang babaita na nagpasabog ng comment section at notification ko. StaceySushimikko_ and Zayyynxie, godbless, HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

JUSTIN'S POV

“Pst, Y/N!”   tawag ko kay Y/N na busy kakasulat ng kung ano-ano... Guguluhin ko siya hihi.

“Anong kailangan mo, Justin Torres De Dios?”  Sabi naman niya sabay lingon sa gawi ko.

“Alam mo naman sigurong break time ngayon diba? Tapos nagsusulat ka jan. Gusto mo ibalik kita ng grade one?”  Reklamo ko sa kanya. Nagsusulat kasi siya, tapos yung pagkain niya malayo sa kanya. Oh diba? Sinong magaganahang kumain dahil sa kanya?

“Grade one? Ano connect?”  Tanong pa niya, kahit pa nakatuon ang atensyon niya sa sinusulat niya.

“Syempre! Para malaman mo yung oras ng break time! Para malaman mo na dapat kumain lang ng kumain! Tsk...”  Reklamo ko ulit, siya naman ay napatawa at napalingon muli sa gawi ko.

“Di ko na makita 'yang mata mo sa kasungitan mo! Singkit ka na tapos umiirap ka pa!”  Sabay halakhak niya ng malakas.

Ayan ka nanaman Y/N... Kaya lalo akong nabi-bighani sayo. Dahil sa mga ngiti mo.

Oo na, aaminin ko na. Matagal ko nang gusto si Y/N. Simula pa nung bata kami ay nagustuhan ko na siya. Kaso, hindi ko masabi 'yun kasi maraming humahadlang sa isipan ko.

Like, kung mag-confess ako, baka pagtawanan niya lang ako. Baka masira friendship namin. Baka ma-awkwardan kami sa isa't isa. Baka masaktan ako. Diba? Ang daming pwedeng mangyari. Hindi naman sa nago-overthink ako pero parang ganun na nga.

“Uy Y/N! A-attend ka ng Prom?”  Tanong ko kay Y/N habang naglalakad kami pauwi.

“Oo naman! Binili na ako ni Mommy ng gown, sayang naman kung hindi ko susuotin diba? Baka magtampo or magalit sakin si Mommy.”  Sagot naman niya sakin.

“Kung anumang gown yun, sigurado akong bagay yun sayo.”  Sabi ko naman. Narinig ko siyang mahinang tumawa kaya napalingon ako sa kanya.

“Asus, nambobola ka nanaman. Gusto mo nanaman ba ng milktea?”  Matawa-tawa niyang sabi.

“M-milktea?”  Nakaramdam ako ng pagka-dismaya. Sa tingin ba niya nagbibiro ako? Seryoso ako dun noh! Hayst...

“Oo! Diba? Ganun ka naman talaga lagi! Nanguuto para ma-libre.”  She said while chuckling. Nasanay siguro siya sakin dati. Pero iba na ngayon...

So ayun, nagpunta na nga kami sa milktea shop. Akala niya kasi talaga nagbibiro lang ako.

Nagpunta na kami agad sa counter. Oorder na kami, syempre.

SB19 Oneshot CompilationsWhere stories live. Discover now