"Ang Huling El Bimbo" (Stell)

15 0 0
                                    


[Stell's POV]

"Pst, Paraluman!" Tawag ko sa matalik kong kaibigan na si Y/N.

"Paraluman nanaman, 'di mo ba ako kilala?" Natatawang saad nito sa akin.

"Sinabi ko na sayo ang tungkol jan." Palagi kong tawag sa kaniya ang 'Paraluman'. Kamukha niya kasi si Paraluman, lalo na noong bata pa kami.

Bukod roon, magaling rin siyang sumayaw. Madalas siyang bahagi ng mga patimpalak. At kadalasan ring nananalo. Paborito ko ngang sayawin niya ay ang El Bimbo. Nadadala ako sa mga galaw niya. Naaliw ako.

Dahil roon, nagustuhan ko siyang lubos. Maganda, mapungay ang mga mata, magaling sumayaw at higit sa lahat mabait.

"Turuan mo ulit ako mamaya ah?" Saad ko sa kaniyang muli.

"Hay nako, nagpapaturo ka nanaman sa akin sa pagsayaw? Eh, hindi ba't magaling ka na sumayaw?" Reklamo niya sa akin.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo at napangisi.

"Oh siya sige na, sa bahay ulit?" Tanong niya na siyang tinanguan ko.

Sabay kaming lumaki ni Y/N. Talagang sinusubukan kong sumabay sa kaniya, masiguro lang na palagi ko siyang kasama.

Ginagalingan ko na rin sa eskwelahan, dahil matalino rin siya. Kung hindi ko gagalingan, maiiwan ako.

Ngunit nagkahiwalay kami ng kailangan nilang lumipat sa Maynila upang makahanap ng trabaho ang kanyang mga magulang nang matustusan nila ang pagaaral ni Y/N.

Wala naman akong magagawa kundi, magpaalam lang.

"S-sigurado na ba talaga ang mama mo?" Malumanay kong tanong sa kaniya, habang naghahakot ng gamit ang kanyang mga magulang sa kanilang sasakyan.

"Oo eh..." Malungkot niya ring sagot.

"Edi, paano? Mauna na kami." Narinig naming saad ng nanay niya kay Mama.

"Oh siya sige, magiingat kayo ha?"

"Y/N!" Sigaw ko kay Y/N bago pa siyang makasakay sa sasakyan nila.

"H-hintayin mo ako sa Maynila pagkatapos ng ika-22 kaarawan ko." Pagpangako ko sa kaniya at tsaka ito ngumiti.

"Aasahan ko." Nakangiti nitong saad at umalis.

At ngayon, isang araw matapos ang aking ika-21 kaarawan. Nang malaman ko kung saan nakatira si Y/N sa Maynila, inumpisahan ko nang bumyahe.

Lahat ng mga natanggap kong pera sa kaarawan ko ang ginamit kong pamasahe papuntang Maynila.

Nasasabik na akong makita siyang muli, pagkatapos ng 6 na taon.

Nang makarating ako sa eksaktong adress na sinabi sa akin ng kamag-anak nila Y/N, hinanap ko agad ang presensya niya.

"Ale, alam ninyo ho ba kung saan nakatira si Y/FN?" Tanong ko sa isang matandang babae na naglalakad roon.

"Ha? Si Y/N ba kamo?" Ika ng matandang babae.

"Bakit niyo po hinahanap si Mama?" Tanong bigla ng isang batang lalaki sakin, dahilan para lumingon ako.

"Ano?"

"Lucho! Nako, huwag kang palabas-labas ng bahay at baka mahagip ka ng sa- K-kuya Stell?" Isang babae ang nakita ko, ngunit hindi ito si Y/N. Ang kapatid niya, si Y/LS.

"Oh, ikaw pala yan. Nariyan ba ang ate mo? May anak ka na pala?" Natatawang saad ko ngunit hindi maipinta ang mukha niya kaya inaya niya ako sa bahay.

"Dito ba kayo nakatira ng ate mo?" Tanong ko nang makaupo ako sa loob ng bahay nila.

"K-kuya Stell, w-wala na si Ate... M-matagal na siyang p-patay." Katagang ikinagulat ko.

"A-ano? Ha?"

"M-matagal nang patay si Ate, Kuya Stell. 2 taon na ang nakalipas. Nasagasaan siya sa madilim na eskenita malapit sa tinatrabahuan niya." Paliwanag niya sakin.

"Nagtatrabaho siya sa Ermita, taga-hugas siya ng pinggan. Si Lucho, anak siya ni Ate. Iniwan sila ng ama ni Lucho." Ang sakit, hinihiling ko ngayon na wala nalang sana akong naririnig. Ayoko na.

"Matagal-tagal rin siyang nagintay sayo Kuya Stell, pero wala eh. Tinutukso siya ng tadhana. Pero alam ko na alam niya sa sarili niya na ikaw ang gusto at mahal niya." Nakangiting saad ni Y/LS.

Bagamat pauwi na ako, wala sa daan o kung sa paano ako uuwi nakatuon ang atensyon ko.

Kundi, sa mga nabalitaan ko ngayon.

Lahat ng pangarap ko'y bigla na lamang natunaw.

Sa panaginip nalang pala kita maisasayaw.

-·-·-·
A/N: Sorry for being inactive, here's a mapanakit na update HAHSHAHAHAH.

SB19 Oneshot CompilationsWhere stories live. Discover now