"Project"(Stell)

29 3 0
                                    

“Ano ulit yung gagawin? Magb-bake daw???” Tanong ko muli sa kaibigan kong si Eli abang naglalakad kami palabas ng School Gate.

“Oo be, sa bahay nalang tayo gumawa.”  Sagot sa akin ni Eli.

“Sure ka? Baka makaabala tayo dun...”  Pagaalinlangan kong sagot sa kaniya.

“Hindi yan, project naman gagawin natin hindi naman kabulastugan eh.”  Paliwanag niya kaya naman napatango na lamang ako.

Maya-maya pa ay pagka-diretso namin sa bahay nila,naabutan ko roon ang isang lalaki.

“Kuya Stell? Bakit ikaw yung nandito?”  Tanong ni Eli sa lalaki.

Kilala ko siya! Siya yung madalas na kasama nung mga varsity player sa School! Hindi ba siya bakla???

“May bisita ka pala, Eli? Bakit di mo sinabi? Naghanda sana ako ng pagkain.”  Sabi ng Kuya Stell kay Eli.

“Biglaan din kasi, bibihis muna ako Kuya ah? Ikaw muna bahala kay Y/N”  Paalam saglit ni Eli kaya naiwan ako sa sala nila habang umaakyat siya papunta sa kwarto niya.

Napalingon naman agad ako kay Kuya Stell na kanina pa pala nakatingin sakin.

“Im Stell and you are Y/N right?”  Tanong nito sakin at sinenyasan ako na umupo. Tumango ako sa tanong niya na ikinangiti niya.

“I know you, ikaw yung madalas kong nakikita sa Music Room.”  Medyo nagulat ako nang sabihin niya iyon.

Juice colored, may nakakakita pala sakin?? Nahihiya na tuloy ako! Madalas akong kumanta roon kapag mag-isa at may problema ako, student admin naman ako kaya pwede ako maglabas-pasok roon.

Pero??? Ibig sabihin, nakikita at naririnig niya akong kumanta, bumirit, umiyak, at magsalita magisa? Shocks!!

“S-so, narinig niyo po akong...?”  Tanong ko at tumango lang ito, dun na ako napaiwas ng tingin. Nakakahiya naman!

“Yeah, ang galing mo nga kumanta eh.”  He said then smiled at me widely.

Hala, why do i feel something strange? I feel some sparks, i dont know.

“Madalas ka rin umiyak dun, why? Pwede ka naman magsabi sakin...”  Sabi nito sa akin kaya napalingon na ako.

“You can call me as your friend.”  Sabi nito kaya kusa akong napangiti.

“W-wala po yun, naalala ko lang po parents ko...” Paliwanag ko sa kaniya.

“Bakit? Nasaan ba sila? Abroad?” Tanong nito kaya ngumiti ako ng bahagya.

“Abroad sa langit, i guess??” Sabi ko at tumawa ng kaunti, para naman hindi maging awkward.

“S-sorry...” Kaagaran nitong saad sakin kaya ngumiti nalang ako ng bahagya.

“Okay lang, wala ka namang idea about dun...” Sabi ko rin at ngumiti.

“Gusto mo magkaroon ng bagong nanay at tatay?” Tanong nito sa akin bigla kaya napalingon ako.

“Huh? Pwede ba yun?” Sagot ko at tumawa.

“Yeah, just marry me.” Sabi nito kaya napalingon ako.

Totoo ba to? Ang bilis naman ata!

“H-huh?” Tangi kong nasabi at nakita ko itong ngumiti.

“Of course, not now but soon. Atleast, kung papayag ka ngayon may kontrata na tayo sa puso't isip natin na ikakasal at magpapakasal tayo soon.” Sabi nito at malawak na ngumiti.

“A-ang bilis naman ata...” Sabi ko at nagiwas ng tingin, ngunit narinig ko lamang itong tumawa kaya napalingon ako.

“Liligawan kita. At araw-araw kitang tatanungin hanggang sa umabot tayo sa araw na pareho tayong nasa altar.” Sabi nito ang ngumiti.

Napangiti na rin ako at tila nahulog sa bangin ng mga ngiti niya.

“Siya pala yung sinasabi mo sakin, Kuya Stell ah?” Biglaang saad ni Eli kaya napalingon kami.

“K-kanina ka pa ba jan?” Tanong kong bigla kaya umarte ito na tila nagulat ng lubos.

“Ay wow? Love na ba to? Sa sobrang pagkahulog niyo sa isa't isa pati presensya ko di niyo na nadama? Grabe na to, nakakatampo to!” Sagot nito sa amin kaya napatawa nalang kami ni Stell.

“Siya nga, at hindi ko pinagsisihan at pagsisisihan ang mga araw na nakikita ko siya. Because it feels like heaven.” Sabi ni Stell kay Eli kaya nadama kong uminit ang pisngi ko. Si Eli naman ay tila nagpipigil ng kilig.

“By the way bago mapunta ang usapan at pinunta sa ibang way, kaya nandito 'yang "crush" mo dahil partner kami para sa project sa school. Kailangan daw namin mag-bake.” Paliwanag ni Eli kay Stell dahil yun naman talaga ang pinunta namin dito.

“Oh edi tara na sa kitchen.” Sabi ni Stell at kumindat sa akin. Grabe, mangingisay na yata ako! Parang ayaw ko na umuwi!!




StaceySushimikko_ & Zayyynxie K I T C H E N daw...

SB19 Oneshot CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon