"Pano"(Pablo)

13 0 0
                                    


[Y/N's POV]

“Ikalma ang titig, Y/N. Baka matunaw...”  Sabi sa akin ng kaibigan kong si Maeri.

“Edi matunaw siya, masyado siyang mapanakit.”  Sabay inom ko ng juice habang nakatuon ang atensyon sa lalaking tinititigan ko.

Si Pablo. Siya yung lalaking gusto ko. Matalino, mabait, gwapo, boyfriend material, at higit sa lahat talented. Alam niyo bang dahil sa kanya Section A din ako ngayon? Na madalas akong nasa With High Honors. Nalaman ko nalang bigla na may nililigawan pala siya. Pero duh, di pa naman sila kaya baka magbago isip niya.

Im a close friend to him kung titignan, siguro ako lang ang nakakadama ng iba sa relasyon naming dalawa. Nahuhulog na ako sa kanya, sobra.

“Hi Pablo, nage-enjoy ka ba tonight?”  Ayan, si Sheena. Siya yung nililigawan ni Pablo. Partida, nagpareto pa yan si Pablo. I'll be honest,

masakit.

“Yeah of course, oo naman. Dumating ka na eh.”  Kelan mo kaya masasabi sakin yan Pablo? Kelan ka kaya babanat sakin?

“Ay grabe ka naman. Mamaya, may sayawan daw. Pwede ikaw nalang partner ko?”  ABAT NAGAAYA PA TALAGA TONG SI SHEENA UMPOG KO KAYA TO– sa kutson hihi para soft.

“Sure, basta ikaw.”  Talaga ba Pablo?

Nakita ko namang iniwanan muna saglit ni Pablo si Sheena at nagtungo sa akin, kaya naman napaayos ako ng upo at kunwari hindi ako nakatingin sa kanila kanina pa. Na kunwari hindi masakit.

“Y/N! Inaya ako ni Sheena sumayaw mamaya!”  Mangisay-ngisay sa kilig niyang sabi.

“Pangit mo, di ka nagpersmob.”  Kontra ko naman sa kanya.

“I was up to. Kaso naunahan niya ako. Pero hayaan mo na! Ganun din naman patutunguhan nun!”  And he show me his happy face. Hope you're as happy with me as you are right now, Pau. How i wish i was her.

“Masyado ka naman. Parang sasayaw lang kayo.”  Kontra ka pa ulit, bawal happy ending sa inyo.

“Syempre sumasagi parin sa utak ko yung mga what if's noh! What if magconfess siya sakin? What if sagutin niya na ako? ARGHH Kinikilig ako kainis, di na cool yon haystt!”  Sana ganyan ka rin kiligin sakin, Pau.

“What if tupalpalin ko yang bunganga mo masyado ka nang maingay.”  Ako po ang kontrabida ng taon.

“Bat ba ang sungit mo ngayon? Minsan lang kiligin bestfriend mo oh!”  Kontra niya rin sakin.

“Manhid ka kasi.”  And i let out a chuckle even i couldn't explain how hurt my feeling is.

“Huh? Manhid? Paanong manhid?”  Inirapan ko nalang siya pagtapos nun at nag-walk out. Narinig ko namang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ako nagpatinag. Nagpunta na agad ako sa labas ng Court kung saan ang venue namin.

Hindi ko na kasi kaya.

“Ang manhid manhid naman kase, Pablo! Ang manhid manhid mo! Bakit ba di mo man lang maramdaman na may gusto ako sayo? Nasasaktan pa tuloy ako sa tuwing kasama mo si Sheena!”  Sigaw ko at hinanakit sa hangin.

“Alam ko kasi na mataas ang standards mo kaya di ako nagsasabi sayo! Pero pano naman ako? Napaka-manhid mo! Wala kang puso!”

“Gusto kita eh. Gusto kita, Pablo... Bakit mo'ko sinasaktan ng ganito? Hanggang kaibigan nalang ba talaga tayo? Sige! Tatanggapin ko ulit! Total, dapat ako naman talaga ang understanding kasi ako yung walang imik–”

“You like me?”  Isang tinig na pamilyar ang narinig ko mula sa aking likuran. Napalingon ako at nakita kong si Pablo iyon. Hiyang hiya ako, narinig nya ata lahat lahat ng sinabi ko.

“K-k-kanina ka p-pa ba j-an?”

“You like me? Answer me.”  Seryoso na siya.

Mahina akong tumango at napamulsa ito at nagsalubong ang kilay.

“Say it, i wanna hear it.”  Utos niya kaya sinunod ko rin ito.

“Bingi ka? Diba narinig mo naman lahat kanina? Oo na! Gusto na kita, masaya ka na? Masaya ka na at nasasaktan ako? Ha?”  Sumbat ko sa kanya kaya lumapit pa ito sakin.

“Im sorry, hindi ko naman kasi alam–”

“Pablo sinabi ko sa'yo noon! Anong sabi mo? Sabi mo hintayin natin yung tamang panahon para sa ating dalawa. Tapos there you are, happily courting Sheena. Ako yung naghintay sayo ng matagal tapos siya? Unfair, Pablo. Unfair... Napaka-unfair mo!”  Sumbat kong muli sa kanya.

Naramdaman kong niyakap ako ni Pablo kaya pilit akong nagpupumiglas.

“Lumayo ka sakin!”

“Y/N im sorry... please, forgive me...”  He begged but here i am, pretending that i cant hear anything.

Tuluyan akong naka-kalas sa mga yakap niya. At tuluyan ko siyang iniwan. I can hear him crying alone and saying sorry's, but i didn't let myself bothered by it. Kinuha ko na ang gamit ko sa loob at nagpaalam na kay Maeri.

Lumabas akong muli at nakita ko siyang hinahabol ako. Pero sumakay na ako agad sa taxi at umuwi.

Nagpipigil ako ng luha para hindi ako makita ni manong driver, but i failed.

“Ilabas mo lang, ija.”  He said then i cried.

Hindi ko alam kung papaano pa kami maguusap bukas.

SB19 Oneshot CompilationsWhere stories live. Discover now