5

133 25 1
                                    

Tilaok ng mga manok ang gumising kay Mina at halos ilang minuto na s'yang nakatulala sa kisame, ilang araw na siyang naninirahan sa tahanan ng mga Estevez, at hindi siya pinapayagan ng mga ito na umalis o kahit lumabas man lamang ng hacienda para mamasyal.

Ilang araw na din siyang inip na inip, kapag kakain s'ya ang daming taga-silbi na laging nakabuntot sa kan'ya. Kung pagsilbihan siya ng mga ito ay para siyang reyna, hindi naman sa nagrereklamo si Mina pero kahit na sunod sa layaw s'ya ng kanyang Mommy at Daddy, mas gusto pa din n'ya na maging independent person, ayaw n'yang tratuhin s'ya katulad ng pagtrato ng mga tao na nasa paligid n'ya ngayon. 

Nag-flashback sa isip n'ya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

(Flashback)

Mahigpit ang naging yakap ng ginang kay Mina, tila ba ayaw na s'yang pakawalan nito. Paulit-ulit s'ya nitong tinatawag na Felomina.

"H-Hindi po ako si Felomina," 

Dahan-dahan na kumalas sa pagkakayakap ang ginang kay Mina at matamang pinagmasdan s'ya nito.

"Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw ang aking anak na si Felomina," maluha-luhang saad ng ginang.

"Pero hindi po talaga ako ang anak na hinahanap nyo," giit ni Mina.

"Cassandra Emilia Felomina Estevez!" anang lalaking medyo may katandaan na ngunit matikas pa din tindig nito at itsura pa lamang nito ay agad na masasabi na isa itong mestizo na kastila.

Humahangos din ito palapit sa kanila ng ginang, bakas sa mukha ng matandang lalaki ang sobrang saya nang makita si Mina.

Ang binata naman na kasama ni Mina ay natulos sa kinatatayuan nito at hindi pa rin makapaniwala na anak pala ito ng isang Don, hindi din nito akalain na ang babaeng kanyang iniligtas ay ang nawawalang anak ng mga Estevez.

"Felomina, anak ko, salamat sa diyos dahil buhay at ligtas ka. Mahigit tatlong araw ka na namin hinahanap ng Mama mo, hindi kami naniniwala na nakasama ka sa lumubog ka na barko na mulang europa pauwi dito sa Pilipinas," 'di na napigilan ng matandang lalaki na maiyak habang pinagmamasdan si Mina.

Naawa si Mina sa mag-asawa kaya hindi na s'ya nagsalita pa na hindi s'ya ang anak ng mga ito.

Hinayaan n'ya na yakapin s'ya ng mag-asawa dahil inisip n'ya na baka sa mga oras na ito ay ganito din nararamdaman ng mga magulang n'ya.

Kumalas sa pagkakayakap kay Mina ang mag-asawa, hindi sinasadyang napadako ang tingin ng matandang lalaki sa binatang kasama ni Mina.

"M-Magandang hapon po Don Yago," kinakabahan at magalang na bati ng binata sa Don.

"Hindi ba't ikaw si Luciano? Bakit kasama mo ang aking Unica Hija?" hindi nagustuhan ng Don ang presensya ng binata.

Ramdam ni Mina ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki, kaya bago pa man humantong sa hindi inaasahang pangyayari ay namagitan na siya sa mga ito.

"Mawalang galang na po, gusto ko lang po sabihin na hindi po siya masamang tao dahil siya po ang nagligtas  at kumupkop sa akin sa loob ng tatlong araw," agap ni Mina.

Ngunit imbes na maayos ang kung ano man ay nakita Mina na mas lalong kumunot ang noo at nagsalubong kilay ng matandang lalaking kausap niya dahil sa ginawa niyang pagsabat sa usapan ng mga ito. At tila hindi nito nagustuhan ginawa niyang pagtatanggol sa kasamang lalaki.

Biglang tinawag ng Don ang mga armadong tauhan para isakay si Mina sa karawahe, nagulat siya dahil sa puwersahang pagkaladkad sa kaniya palayo sa lalaking kasama. Ngunit pumalag siya at paulit-ulit na isinisigaw na hindi siya ang Felomina na anak ng mga ito, pero bingi ang Don sa mga pinagsasabi niya.

DelinquenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon