8

128 25 8
                                    

Tanging boses lang ni Manang Helena ang nakapagpabalik sa huwesyo ni Mina.

"P-Po?" 'Yon lang ang tanging namutawi sa mga labi ni Mina dahil hindi niya masyadong naulinigan o naintindihan ang sinasabi nito ngunit tanging ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan ang nakapagpahawi sa kaniyang mga iniisip.

"May dinaramdam ka ba? Namumutla ka Hija? Nais mo ba na bumalik na lang tayo sa inyong-?" Agad na pinutol ni Mina ang dapat na sasabihin ni Manang Helena.

"Wala po, ngayon na lang po kasi ulit ako nasikatan ng araw kaya siguro namumutla ako sa paningin niyo," agap at biro ni Mina.

Napangiti na lamang si Manang Helena dahil sa tinuran ng kaniyang alaga.

"O siya sige, pinapasabi ng iyong ina na dumaan muna tayo sa simbahan, dahil may ipinabibigay ang iyong ina kay Padre Mauro," ani Manang Helena.

Nagpatianod na lang si Mina at nauna nilang pinuntahan ang simbahan kung saan pumasok ang mga kadalagahan na nakita niya kanina.

Tinanong ni Manang Helena ang isang binatilyo kung nasaan si Padre Mauro, sinabi ng binatilyo na nasa likod daw ito ng simbahan. Iginiya sila nito patungo sa likod ng simbahan, nadaan nila ang ilang silid sa gilid ng simbahan, na ayon kay Manang Helena ay paaralan daw ito ng mga kadalagahan na anak ng mga mayayamang pamilya at ang mga guro nito ay mga madre.

At habang naglalakad papuntang likod ng simbahan sa may 'di kalayuan ay napansin ni Mina ang ilan sa mga kadalagahan ay nag-uusap at masayang nagkukwentuhan sa ilalim ng punong mangga ngunit nang mapansin ng mga ito ang kanilang presensya ay natigilan ang mga ito.

Sa gilid ng kaniyang mga mata ay pansin niya ang ginagawa ng mga ito na titingin sa kaniya pagkatapos ay magbubulungan habang nakatakip ang mga hawak nitong pamaypay sa kani-kanilang mga bibig.

"Marites (tsismosa)," inis na bulong ni Mina sa sarili.

Kahit na ang mga nasa silid na kadalagahan ay napalabas at napatingin sa gawi nila.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam nang inis at pagkairita si Mina, sa hindi malamang dahilan ay malabis na ipinagtaka din niya ang naging reaksyon ng kaniyang sarili kahit alam niyang sanay na siyang pinagtitinginan at pinag-uusapan kahit noon pa, ngunit iba ngayon.

Pakiramdam niya ngayon ay may nagawa siyang kasalanan para pag-usapan at pagtinginan.

Pasimpleng sumabay si Mina sa paglakad ni Manang Helena at tinanong nito ang matanda.

"Ganito po ba talaga dito?"

Pabulong na saad ni Mina at bakas sa tinig nito ang pagka-irita.

Napangiti si Manang Helena at nakuha kaagad nito ang ibig sabihin ni Mina, tinapunan nito nang tingin ang mga kadalagahan na nasa ilalim ng punong manga.

"Marahil ay kilala ka na nila, Señorita," ani Manang Helena.

Napakunot ang noo ni Mina dahil sa tinuran nito.

Nang marating nila ang hardin na nasa likod ng simbahan ay nakita nila ang isang matandang lalaki nakasuot ito ng abito (kasuotan ng mga pari noong panahon ng kastila) nakatalikod ito sa kanila at abala sa pagtanggal ng kung ano sa mga halaman.

Isang binatilyo ang tumawag kay Padre Mauro, at nang lumingon ito sa gawi nila Mina ay masayang lumapit ito sa kanila, humalik sila sa kamay ni Padre Mauro bilang pagbibigay-galang dito.

"Ano ang aking maipaglilingkod sa inyo, Manang Helena?" Magiliw na tanong nito sa kanila.

Hindi makapaniwala si Mina dahil akala niya mala-Padre Damaso ang itsura ng sinasabi nilang Padre Mauro, pero kabaligtaran pala iyon sa kaniyang inaakala. Kahit may edad na ito'y kapansin-pansin pa rin ang angking kagwapuhan nito, matangkad ito at sa tingin niya ay maalaga ito sa katawan dahil hindi ito katulad ng mga nababasa niya sa mga libro na may matabang tiyan, may nakakatakot na aura, at may mabalasik na pag-uugali. Ngayon lang niya napagtanto na kahit isa itong purong kastila ay matatas naman ito katutubong wika.

DelinquenteWhere stories live. Discover now