14

77 8 0
                                    

At kinuha ang cellphone na naka-tali sa kaniyang kanang binti gamit ang isang tela na kaniyang tinahi para dito. Doon niya napagdesisyunan na ilagay dahil bukod na sa mahaba ang kaniyang suot na saya ay wala talaga siyang ibang mapaglalagyan.

Kaniyang in-on ang power ng cellphone at agad na tinungo ang camera app.

Tuwang-tuwang siya habang kinukunan ng litrato ang magagandang tanawin na kaniyang nakikita, matapos magsawa sa kakakuha ng litrato ay nagselfie naman siya.

Nanghihinayang siya sa ganda ng kaniyang kasuotan at sa ayos niya ngayon. Ayaw naman niyang masayang ang kaniyang outfit of the day at ang kaniyang make-up.

Selfie dito at doon, may wacky pa at gumamit din siya ng filter para malubos ang kaniyang pagkuha ng litrato sa sarili.

Hanggang sa biglang sumagi sa kaniyang isipan ang isang tagpo na nasaksihan niya kanina.

Kanina'y may isang umpokan ng mga kadalagahan na kaniyang nadaan bago siya pumanhik ng hagdan may mga kabinataan na lumapit sa umpukan na iyon at nagbigay galang ang mga kabinataan sa mga kadalagahan.

Ngayon lang niya napagtanto na wala nga pala sa kaniyang lumapit ni isang ginoo upang magpakilala o magbigay-galang sa kaniya.

Bahagyang natawa at napailing si Mina dahil hindi niya inaasahan na makakaramdam siya ng ganoong klase nang damdamin sa panahong ito.

Dati'y wala naman siyang pakialam sa mga ganitong bagay.

"Come on, Mina. Stop that unusual feelings, loving yourself is the key to your happiness. Huwag ka nang maiinggit may lalaki din na dadating para ikaw ay batiin na may paggalang." Sermon nito sa sarili.
Muli nitong ipinagpatuloy ang pagkuha ng mga larawan o litrato sa mga bagay na nakapaligid sa kaniya.

Hanggang sa isang sigaw ang nakakuha ng kaniyang atensyon.
Isang lalaki ang biglang sumulpot mula sa nagtataasang damo na halos dalawang dipa lamang ang layo sa kinaroroonan niya.
Humuhuni ito na katulad nang huni ng isang palaka. At humahangos ito sa kinaroroonan niya.

Sa sobrang bilis nang pangyayari ay hindi kaagad nakakibo si Mina, animo'y naging tuod ito sa kinauupuan nito.

Ngunit nanlaki ang mga mata ni Mina ang isang maliit na nilalang na mabilis tumatalon patungo sa direksyon niya.

Nanlaki ang mga mata, napalunok at nahigit ni Mina ang kaniyang pag-hinga dahil sa loob lamang ng isang kisap-mata ay naramdaman niya ang isang maliit, basa, malamig, at malikot na bagay na pumasok sa loob ng kaniyang baro.

"Serafico!" Tawag ng binata sa nilalang na pumasok sa loob baro ni Mina.

Nanlumo at napaluhod na lang ang lalaki sa harap ni Mina at hingal na hingal ito ngunit tila natulos ito sa kinauupuan nang makita nito si Mina.

"S—Señorita Felomina." Gulat at kinakabahang saad nito.

Bago pa man makapagsalita si Mina ay naramdaman na nito ang malamig na bagay na naglilikot sa loob ng kaniyang baro.

"Ah! Shit! Shit!" Biglang napatayo at napasigaw si Mina, hindi ito magkandatuto kung paano kukunin ang maliit na palakang pumasok sa loob ng kaniyang baro.

Medyo malamig at mamasa-masa kasi ito kaya halos mandiri si Mina sa bagay na iyon.

"T-Teka sandali po, kumalma muna po kayo Binibini, hindi naman po nangangagat si Serafico kaya wala kayong dapat na ikatakot." Anang binata.

Nagpanting ang pandinig ni Mina sa sinabi ng binatang kausap.

Magkasalubong ang kilay na tinapunan ni Mina nang masamang tingin ang binata at hindi na ito nakapagtimpi.

DelinquenteWhere stories live. Discover now