11

104 16 0
                                    

Pasensya kung medyo maikli pero next time babawi ako sobrang busy ko kasi.

~~~~~~~~~~

Habang naka-upo si Mina sa pinaka-dulong upuan sa may bandang hulihan ay pilit niyang iniintindi ang mga itinuturo ng kanilang maestra. At lihim na namangha si Mina sa kaniyang sarili dahil naiintindihan niya ang mga itinuturo nito kahit nasa lengwahe ng mga espanyol.

Isang malinis na papel at bagong pluma ang nakalatag sa kaniyang lamesa. Isinawsaw ni Mina ang panulat sa tinta at saka isinulat ang mga mahahalagang detalye sa kanilang aralin.

Kahit pa ang mga salitang binabanggit ng kanilang maestra ay kaya niyang sabayan sa pagsulat, tama ang kaniyang baybay ganoon din ang mga bantas na kaniyang ginamit.

Tahimik lang siya sa likuran at hindi niya pinapansin ang mga lihim at pasimpleng bulungan ng kaniyang mga kaklase.

Halos dalawang oras lamang ang itinagal ng klase nila, pagkatapos ay nagpaalala ang kanilang maestra tungkol sa kaarawan nito, silang lahat ay imbitado at inaasahan nito na silang lahat ay dadalo.

Umalis na ang kanilang maestra, iniligpit na rin ni Mina ang mga gamit na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa. Samantalang ang iba ay nagsitayuan na upang lumabas, ang ilan naman ay naki-umpok sa ibang pang estudyante na marahil ay magkakaibigan. 

Wala man lang lumapit kay Mina para makipagkaibigan, nag-iisa lang siya sa isang sulok at tahimik na nagliligpit ng kaniyang mga gamit.

Tumayo na siya at naglakad papuntang pinto, naadaanan pa niya ang ang tatlong dalaga na masayang nag-uusap ngunit nang makita siya ng mga ito ay bigla itong nagsitahimik at nagbulungan habang nakatago ang kanilang mga bibig sa kanilang mga bakabuladlad na pamaypay at paminsan-minsan ay tumitingin sa kaniya.

Marahan ang naging paglakad ni Mina at hindi nito pinansin ang umpukan ng mga kadalagahan na iyon na kaniyang nadaanan ngunit kahit na pabulong pa magsalita ang mga ito ay rinig na rinig pa rin ni Mina ang bawat salitang binibitawan ng mga ito.

"Hindi ba't ayaw niyang mag-aral sa paaralan ng mga babae?" Anang dalaga na may lahing kastila.

"Marahil ay kasamang nalunod ng kaniyang mga alaala sa karagatan ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay kaya napilitan siyang mag-aral ng mga bagay na dati niyang kinasusuklaman." Anang isa pang dalaga na pino ang galaw nakatakip pa ang pamaypay na hawak sa sariling bibig, may lahi rin itong kastila.

"Tila nakalimutan rin niya kung paano magsalita ng español." Biro pa ng isa dahilan para marinig niya ang mga hagikgikan ng mga ito.

Dire-diretsong lumabas ng silid-aralan si Mina ng hindi nito pinansin ang mga pinagsasabi ng mga kadalagahan na kaklase. Wala naman siyang pakialam sa mga pinagsasabi ng mga ito dahil hindi makakatulong sa kaniya. At higit sa lahat masasayang lang ang laway niya kapag pinatulan niya ang mga ito.

Paglabas niya ay pinagtitinginan pa rin siya ng iba pang estudyante na nakatayo sa daan, kusang humawi ang mga ito nang maglakad na siya nang taas-noo at hindi man lang tinatapunan nang tingin ang mga ito.

Isang binatilyo na nasa edad na labindalawa, payak lamang suot nitong pananamit at agad na masasabi na nabibilang sa mga maralitang pamilya. 

Nagbigay-galang ito kay Mina, inilagay nito ang kanang kamay sa kaliwang dibdib saka yumuko nang bahagya.

"Señorita Felomina, kayo po ay nais na makausap ni Padre Mauro. Hali na po at ikaw po ay aking igigiya muna sa Hardin." Magalang na saad nito.

Unang naglakad ang binatilyo patungo sa likod ng simbahan kaya pumihit si Mina pabalik at sinundan nito ang binatilyo, inihatid naman sila nang tingin ng kaniyang mga kaklase habang sila ay papaalis.

DelinquenteWhere stories live. Discover now