13

104 9 0
                                    


Imbitado ang pamilya Estevez sa kaarawan ng guro ni Mina na si Ginang Luisa Pelaez.

Hindi lang ang mga Estevez ang imbitado sa magarbong okasyon na iyon, maging ang mga mayayamang pamilya at mga pulitiko sa Santa Elena ay naroroon.

Ang asawa ni Ginang Luisa Pelaez na si Dominador Pelaez ay kanang kamay ng Gobernador Heneral kaya gan'on na lamang karangya ang kaarawan na iyon.

Animo'y piyesta sa tahanan ng mga Pelaez, ang mga pagkain at alak ay hindi maubos-ubos.

Bukod sa mga kilalang tao sa alta sociedad ay naroroon din ang kura paroko at 'yun ay walang iba kundi si Padre Mauro.

At higit sa lahat naroroon ang lahat ng kaklase ni Mina, kasama ng mga ito ang kaniya-kaniyang pamilya.

Lahat ng kaniyang kaklase ay may mga sinabi sa buhay o anak ng mayayaman.

Ngunit hindi pahuhuli ang mga Estevez, ang pamilyang kinabibilangan sa ngayong panahon ni Mina.

Ang kaniyang pamilya ay kilala sa larangan ng negosyo at higit sa lahat sa larangan ng pagbibigay hatol sa mga may sala.

Si Don Santiago Estevez o mas kilala na Don Yago ay punong-hukom ng real audiencia.

Ang pamamayagpag nito sa larangan ng pagiging taga-hatol ay nakatatak na sa kasaysayan ng buong bansa. Sapagkat hindi lamang sa Santa Elena naging bantog ang pagiging berdugo nito, minsan na rin itong naging hukom sa Manila.

Marami itong nahatulan na mga rebelde na kumakalaban sa pamahalaan ng mga kastila.

At mas lalong naging tanyag ang mga Estevez dahil sa galing ng mga ito na humawak ng negosyo.

At ngayon ramdam ni Mina kung gaano ka-impluwensiya ang pamilyang kinabibilangan niya.

Nakaupo silang mag-anak sa isang mahabang lamesa at kasalo nila ang mga pamilyang nabibilang sa mataas na antas ng lipunan.

Ang karaniwang paksa ng mga ito ay tungkol sa negosyo at ang walang katapusang pamumulitika ng ilan sa mga ito.

Ngunit naputol ang pag-uusap ng mga ito nang biglang nagsalita si Don Dominador sa harapan ng mga marami. Ito'y nagbigay pasasalamat sa lahat ng dumalo sa kaarawan ng asawa nito.

Matapos ang ilang seremonyas ay nagsimula na ang kainan.

Katabi ni Mina si Donya Minang samantalang katabi naman nito ang kaniyang ama na masayang nakikipagtalastasan sa mga amigo nito sa harap ng hapag-kainan.

Napuno ng tawanan ang mesa kung saan naka-upo sila Mina.

Hanggang sa inaya ni Donya Luisa ang ina ni Felomina na si Donya Minang sa isang umpukan ng mga kilalang Donya sa Santa Elena.

Nais sanang isama ni Donya Minang si Mina ngunit tumanggi ang anak at nanatili na lamang ito sa tabi ng amang si Don Yago.

Hinayaan na lamang ni Mina ang ina na makipag-halubilo sa mga kaibigan nito.

Tahimik na kumakain si Mina sa gilid dahil wala naman siyang pakialam sa mga pinag-uusapan ng mga ito.

Sa totoo lang wala naman siyang balak na dumalo sa okasyon na ito ngunit wala naman siyang magawa dahil pinadalhan na siya ng imbitasyon ng punong-abala.

Habang naka-upo at kumakain ay alam niyang palihim na pinatitinginan at pinag-uusapan siya ng mga kaklase.

Naka-umpok ang mga ito sa may 'di kalayauan, at nagbubulungan ang mga ito matapos tumingin sa kaniya.

Ngunit patay malisya lamang siya patuloy lang siya sa pagkain hanggang sa biglang nagsalita ang isang Don dahilan upang bahagyang mapatigil siya sa pagkain at tinapunan niya nang tingin ang matandang Don.

DelinquenteWhere stories live. Discover now