9

110 16 0
                                    





Ilang segundong tinitigan ni Luciano ang dalawang bangkay na dadalhin na sa kabundukan ng mga kaanak nito upang doon ilibing. Huling sulyap na lang ang kaniyang ginawa at isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Luciano. 

Inalis na nito ang tingin sa mag-amang sina Mang Ople at Romina, hindi inaasahan ni Luciano na sasapitin ng mag-ama ang kalupitan ng mga kastila, noong nakaraang araw ay nakausap at nakasabay pa nito sa paglakad ang mag-ama pauwi sa isang baryo sa Santa Elena. Magaan ang loob ni Luciano sa mag-ama habang pinagmamasdan nito sina Mang Ople ay nakaramdam ito nang inggit, dahil kahit kailanman ay hindi nito naranasan ang pagmamahal ng isang magulang. 

Hindi ito naniniwala na rebelde ang mag-ama, dahil nakikilala ng mas higit ni Luciano ang mga ito. Isang masipag na magsasaka at mabuting ama si Mang Ople, ni hindi ito nasasama sa kahit ano mang gulo o nasasangkot sa ano mang maling gawain. Ang anak naman nitong si Romina ay napakagiliw na bata, sa edad na labindalawa ay pangarap nitong makapasok sa kumbento upang magmadre. 

Nakilala ni Luciano ang mag-ama dahil kay Padre Mauro, tinutulungan nang butihing prayle ang mag-ama. Kapag si Mang Ople ay nakikisaka o kaya naman ay nakiki-ani sa ibang bayan ay iniiwan nito ang bata sa pangangalaga ni Padre Mauro.

Magiliw, mabait, at maganda ang batang si Romina kinagigiliwan ito ng mga madre dahil sa kasipagan at pagiging palasimba nito, kung maaari nga lamang ay nais na nitong manirahan sa simbahan. Minsan ay nakita ito ni Luciano na nagpupunas ng mga upuan at santo sa simbahan. Kapag nakikita niya ito ay binibigyan niya ang bata nang minatamis na kundol. Ang tanging kapintasan lang ng bata ay ipinanganak itong may kapansanan, isang pula si Romina, bukod sa hindi ito makapsalita nang maayos ay wala rin ito marinig kaya puro senyas lang ang naiintindihan nito.

Malapit si Luciano sa mag-ama kaya nang ipatawag siya ng Cabeza de Barangay o Tiniente del Barrio kaninang umaga ay mga gwardya sibil pa ang sumundo sa kaniya sa kainan ni Mao.

Bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kaninang umaga.

~~~~~~~~~~~~

Pagdating niya sa tanggapan ng Tiniente del Barrio ay agad na bumungad sa kaniya ang dalawang bangkay na natatakpan nang marumi at duguang kumot, nakahiga lamang ang mga iyon sa sira-sirang banig. 

Hindi muna siya pinalapit sa mga bangkay dahil agad na pinadiretso na siya sa loob nang tanggapan.

Nadatnan ni Luciano ang isang lalaki na prenteng naka-upo at nakaharap sa direksyon ni Luciano ngunit ang atensyon nito ay wala sa kaniya, nakatitig ito sa hawak-hawak na isang maliit at bilugang salamin, panay ang suklay nito sa mahaba nitong bigote. Kung ilalarawan ang lalaki ay mayroon itong bilogan na pangangatawan, may katamtamang taas, kayumanggi ang kulay ng balat, at may kalakihan ang mga mata. At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Don Apolonio De Matute ang Tiniente del Barrio o mas kilala ito bilang Don Onyong sa kanilang lugar sa Santa Elena. 

Kilala ito bilang mapangmata, makasarili at mapagmataas na opisyal sa lugar ng Santa Elena. Kaya hindi na ipinagtataka ni Luciano kung uunahin muna nitong ayusin ang sariling bigote kaysa sa ang kausapin siya.

Halos sampung minuto ang itinagal nito sa pag-aayos sa sariling bigote. Nakatayo at nakamasid lang si Luciano dito.

May mga nakakatawang bagay ang sumagi sa isip ni Luciano habang nakatitig kay Don Onyong, ginawa nitong katatawanan ang Don sa kaniyang isipan upang mapalipas ang sampung minuto na hindi iniintindi o inaalala ang pagkainip.

Nang matapos ito ay saka lang nito napansin ang presensya ni Luciano.

Nagbigay galang si Luciano sa Don at binati nito nang maganda umaga, tumugon naman si Don Onyong sa kaniya.

DelinquenteWhere stories live. Discover now