Chapter 1

47 10 0
                                    

Chapter 1


*Ring.. ring


Hays...ano ba yan ang aga aga pa para tumawag. Kinapa ko ang cellphone ko sa lamesa, nakapikit pa din ako habang inaabot ito. Tinapat ko naman sa tenga ko ang cellphone ko ng mahanap ko ito.


"Hello"sabi ko sa kabilang linya, hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.


["Sage pina-patawag ka ng CEO"]sa boses pa lang kilala ko na kung sino ang tumatawag.


"Tsk...Manager naman ang aga pa kaya 6 am pa lang 'ata" ani ko dito habang na hikab, inaantok talaga ako.


["Tumayo ka na jan 10 am na"] napamulat ako ng marinig ko ang sinabi niya, 10 am na??


"Bakit daw baga huh??" Sabi ko dito habang inaayos ko yung higaan ko...Kinuha ko naman ang boxer short ko na nasa sahig at sinuot ito, sanay kasi akong matulog na walang saplot ni isa sa katawan.


["Hindi sinabi, dalian mo nandito na sila Dykel"] sabi nito.


"Okay"Sabi ko at binaba na ang tawag.


Nang maibaba ko na yung cellphone ko agad na kong pumunta sa banyo at maka pag-ayos na.


Niclas POV 


Kanina pa kami dito sa meeting room inaantay namin si Sage....kahit kailan talaga ang tagal niya hindi na nagbago ang isang yon lagi na lang late.


"Paniguradong puyat na naman yon" Sabi ni Tim


Always naman puyat yon ewan ko ba don?masyadong problemado.


"Ano ba yan?parang di na kayo na sanay kay Sage" Ani ni Gil.


"Oo nga HAHA" Sabi ni Davi.


"Sa tingin ninyo pinapanood pa kaya ni Sage yung video na yon" Sabi ni Edward.


"Malamang hindi na ata" Ani ni Dykel.


"Tumahimik nga kayo ang ingay n'yo" sabi ko sa kanila.


Naka-kastress tong mga to daig pa ang mga marites sa kanto, kung makapag chismisan, mga chismoso talaga maka-upo na nga lang. Napa tingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas... tsk kala ko pa naman si CEO Chan na ang nag bukas non yon pala si Sage lang pala.


"Sorry I'm late" Sabi ng kakadating lang na si Sage na halata mong ka katapos lang maligo, hindi pa nag pa pa tuyo ng buhok.


"Oh nanjan na pala si Sage" Ani ni Manager na kakadating lang din.


Sage POV..


Pag bukas ko pa lang ng pinto ng meeting room nakita ko agad sila hayss mabuti na lang wala pa ang CEO napaka mainipin pa naman no'n, mukhang na lugi na tong mga to dahil sa mga puwesto nila si Dykel nag ce-cellphone habang na kataas ang paa sa table at si Edward at Davi naman ay tahimik lang sa isang tabi habang si Gil at Tim naman ay may sariling mundo at last ang aming leader na si Niclas naka tingin sa akin mabuti naman at may nakapansin na sa akin.

MX Series 1: She's the One (Editing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz