Chapter 12

10 5 0
                                    


chapter 12

Lalayo na sana siya dito nang higitin ulit siya nito palapit. Nagulat pa siya ng bumuka ang bibig nito kaya hindi na niya mapigilang ang nararamdaman niya, nang hahalikan na niya ito ulit narinig niya ang mahinang hilik nito.

"Tinulugan lang ako" Natatawang sabi ko sa sarili ko habang nakaharap dito inayos ko naman ang seatbelt n'ya. Dinala ko siya sa bahay namin dahil hindi ko alam kung saan ko siya ihahatid kaya' dito na muna siya.

"Young Master, sino po yang buhat n'yo?" tanong sa'kin nung isa naming maid na ng bukas ng pintuan na kinikilig pa sa nakita niya.

"My friend" Sabi ko dito at iniwan ko na siya sa may pintuan, paniguradong bukas na bukas alam na din ng ibang tao dito ang tungkol sa naabutan n'ya. Nagtuloy tuloy lang ako sa pag-akyat at ng mahiga ko na sa guest room si Meizea ay agad akong pumunta sa room ko para kumuha ng damit na pwede niyang maipasuot sa dalaga.

"Tama itong mahabang t-shirt at pants" ani ko sa sarili ko habang nakatingin sa may closet ko para mamili ng makuha ko na ay agad kong tinawagan si manang Fe para ma-bihisan na si Meizea kaya lumabas muna siya sa guest room at inantay matapos si manang.

"Iho tapos na ko sa pagpapalit sa kanya" sabi nito sa'kin habang sinusuri ako ng tingin.

"Girlfriend mo ba yung dalaga sa loob?"Nakangiting tanong nito sa harap ko.

"Hindi po" tanggi ko dito at umiling.

"Gusto ko siya para sa'yo paniguradong mabait na bata yon"

"Manang Fe hindi ko nga siya girlfriend"

"Oo na hindi na ang dami mong nasasabi pag ang pinag-uusapan ay yung girlfriend mo sige na matulog kana at gabi na" Sabay alis nito.

Punta na lang ako sa room ko at hindi ko na tiningnan si Meizea bukas na lang siguro.

Nag diretso ako papunta sa cr para maligo hindi kasi akong sanay matulog na hindi na liligo. Nang matapos na ko ay humilata na lang ako sa kama hindi na ko magbibihis total mahilig naman akong matulog na ganito lang.

*beep*

Tiningnan ko naman kung sino ng text sa akin.

From: Gil

Hindi mo na kami inantay umuwi. madaya :<

Napailing na lang ako sa message nito at nireplyan

To: Gil

Sorry Gil

Sent

Hinayaan ko na lang yung cellphone ko sa ibabaw ng unan ko at hindi ko na yon tinignan kung ano yung reply ni Gil masyadong magulo lang ang isip ko ngayon dahil naaalala ko pa yung nangyari kanina sa kotse.

Napahawak ako sa labi ko ng maalala ko yung scene kanina.

"Shiiiit" mura ko sa sarili ko.

Fuck bat ko ba iniisip yon. Pa gulong-gulong ako sa kama ko dahil sa hindi ako makatulog.

"Kasalanan to ng babaeng yon" kausap ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa orasan na nandito.

"3:00 am na " ako

Tang-ina naman oh.

****

Meizea POV 

Naalimpungatan ako sa pagtulog kaya nagising ka agad ako. Nakakapagtaka bakit ang lambot ng higaan ko? tanong ko sarili ko habang kinakapa yung hinihigaan ko. iminulat ko yung mga mata ko ng dahan-dahan para makita ko kung nasaan ako narealize ko na hindi pala bahay namin to kaya pala malambot yung kama.

MX Series 1: She's the One (Editing)Där berättelser lever. Upptäck nu