Chapter 19

6 2 0
                                    

Chapter 19


Sage POV..


Maagang nagising ang mga bata at nagpunta kami sa office room ko dito sa bahay namin para mapag-usapan namin ang gagawin naming surprise sa nanay nila.


"Tatay hindi ba natin isasama sa plano sina Tito Edward" tanong sa'kin ni Daze.


"Alam na nila ang gagawin" sabi ko dito.


"Sana po mag balikan na po kayo ni Nanay para happy ending" sabi ni Dani, sana nga mapatawad na niya ako.


"Tiwala lang sa karisma natin Tay" singit ni Daniel at nag pogi sign pa.


"Hoy manahimik ka jan" galit na sabi ni Dage sa kapatid.


"Sorry kuya" May diin ang pagkakasama nito ng kuya sa kapatid.


"Daniel" sita ko dito.


"Sorry" sabi nito at umupo na.


"Basta kayo na ang bahala sa Nanay n'yo" paalala ko sa mga bata.


"Yes Sir" sumaludo pa yung apat bago umalis ng office ko kaya lumabas na din ako at pumunta na ko sa kusina para magluto ng almusal namin. Ang una kong ni luto ay Adobo at pancakes, nagtimpla na din ako ng gatas ng mga bata.


"Wow yummy" sabi ng kakadating lang na si Daze kasunod na nito ang Nanay nila. Umupo na sila at umupo na din ako at nakisabay na.


"Tatay, ang sarap ng luto n'yo the best" puri ni Dage sa luto ko kaya napangiti ako.


"Syempre naman masarap magluto ang Tatay n'yo kaya nga favorite ko yang adobo" sabi ko sa kanila ayan kasi ang pina-paluto ko kay manang pag na uwi samin.


"Kumain muna kayo bago nag kuwentuhan" sita samin ni Meizea kaya ang ginawa na lang namin ay kumain ng tahimik ni-isa ay walang naimik. 


"I'm done" sabi ni Dani.


"Me too" Daniel 


Natapos na kami sa pagkain at lumabas ang mga bata siguro sa salas sila pupunta.


"Ako ang maghuhugas ng pinggan" ani ni Meizea hindi ko naman masabi na ako na baka magalit kaya sumunod ako sa mga bata at nakita ko na busy sila kakapili sa Netflix kung ano ang papanoorin nila.


"Barbie naman po" sabi ng prinsesa namin kaya nilipat naman ng mga kuya niya sa Barbie at umupo sa tabi ni Dani, nakangiti ako habang pinapanood sila. Ang sweet nila sa isa't isa.


"Tatay dito po kayo" hinigit ako ni Daniel sa tabi nila kaya ang ending nasa sofa kaming lahat malawak naman ito at pa u-shape ang sofa ko.


"Ang ganda ni Barbie" sabi ni Dani.


"Gusto ko ng gan'yan na damit Tatay" sabi sa'kin ni Dani tumingin naman ako sa screen ng tv at nakita ko ang gown na suot ng Barbie na pinapanood n'ya.

MX Series 1: She's the One (Editing)Where stories live. Discover now