Chapter 15

5 3 0
                                    


Chapter 15

Meizea POV

"Nanay..... I'm home"

lumabas naman ako ng bahay ng marinig ko ang tinig na iyon.

"Daze... welcome home" lumapit naman ako sa anak ko na kakarating lang galing concert.

"Good afternoon Meizea, Ito na nga pala si Daze" Kaola

"Salamat...Asaan nga pala si Kelo?" tanong ko dito hindi ko kasi makita yung anak n'ya.

"Naka tulog na sa kotse...sige una na kami" paalam nito sa'kin.

"Halika na sa loob Daze.... inaantay kana ng mga kapatid mo" sabi ko.

"Nanay...alam mo po ba na laging sinasabi sa'kin ni Kelo na kamukha ko daw po yung isang miyembro ng S—" Daze

"Dazeeee!!" naputol naman ang sasabihin ni Daze na'ng dumating si Daniel kasama yung dalawa pa niyang kapatid. Lumapit naman yung tatlo kay Daze at niyakap ito.

"Tara sa living room kuya baka pagod kana" sabi ni Dani sa kuya n'ya habang inaakay ito. Naiiyak naman ako sa nakikita ko sa kanila, dahil sa edad na 4 ay talagang concern sila sa isa't isa.

"Nanay tara na po" hinawakan naman ako sa kamay ni Dage at niyakag ako papunta sa living room namin.

"Kuya kamusta ang concert?" tanong ni Dani.

"Wait lang ihahanda ko lang ang meryenda n'yo" sabi ko sa kanila bago pumunta sa kusina kumuha naman ako ng tinapay at gatas ng mga bata at bumalik na din ako sa living room at naabutan ko sila na hindi pa tapos sa chikahan.

"Talaga Daze guwapo yung mga idol mo" Daniel

"Oo guwapo sila pati kamukha ko yung isa don" Daze

"Kung kamukha mo nga yung isa edi kamukha din namin" Daniel

Pumunta na ko sa tabi ng mga bata at nilapag sa lamesa ang meryenda nila.

"Kumain muna kayo" ako

"Salamat Nanay" sabi nung apat.

"Nanay kamukha daw po ni Kuya Daze yung isa sa miyembro ng iniidolo n'ya" Dani

"Wow talaga sino ba yon anak?" tanong ko.

"Nanay si ano po" Daze

"Si ano?" ako

"Daze, Nanjan kana pala" sabi ni Mozi na kakaba lang galing sa taas.

"Opo Tito" Daze.

Umupo naman sa tabi ni Dage si Mozi, tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader namin, 3pm na.

"Umakyat kana sa taas Daze at mag palit ng damit"

Sumunod ka agad ito at umalis na sa harap namin.

"Nanay....I love you" Daze

Naglalambing na naman ang Baby Dage ko, masyadong malapit siya sa'kin at sobrang sweet kahit suplado sa iba.

"I love you too" ani ko dito.

"Nanay...mahal din po kita" sabat ni Dani.

"Honey I love din" sabi din ni Daniel.

Kahit kailan talaga itong si Daniel lagi na lang Honey ang tawag sa'kin, nakikitaan ko na talaga siya paglaki masyadong malandi.

"I love you...Ate" sumali na din si Mozi.

"Mahal ko kayo.." sabi ko.

Yumakap sa'kin yung tatlong bata at sumali na din si Mozi.

"Just wait po ako pa po kasama jan sa group hug" tumakbo pababa si Daze na naka pagpalit na ng damit.

Sumali siya sa group hug....

"Mag movie marathon tayo ngayon" sabi ko.

Nag-sikalasan sila sa pagyakap ng sabihin ko na mag mo-movie marathon kami. Pumuwesto naman sila sa sofa at tumayo na'ko para kuhain yung remote naka connect kasi sa Wi-Fi yung tv namin kaya sa Netflix kami titingin ng papanoorin.

"Spiderman please" sabay-sabay na sabi nung tatlo kong anak na lalaki.

"I want barbie but gusto nina kuya ay Spiderman....edi Spiderman Nanay"

Tumingin naman ako kay Dani na nakahiga na sa kutson na nilatag nila nung tumayo ako. Nakita ko naman yung tatlo na parang guilty dahil ayaw ng prinsesa nila ng Spiderman pero sumang-ayon sila sa sinabi ng prinsesa namin na okay lang daw dahil gusto daw ng mga kuya n'ya.

Humiga naman ako sa tabi ni Dani dahil nagsisimula na ang pinapanood namin.

"Nanay tabi din ako" sabi ni Daniel at tumabi din sa'kin. Nasa sofa naman si Mozi nakahiga siya don, habang yung dalawa na sina Dage at Daze ay nakahiga sa kabilang bahagi ng kutson. Nanood lang kami hanggang sa inabot kami ng 9pm, nakatulog na ang mga bata pati na din si Mozi. Pinatay ko na yung tv at yung ilaw, hindi kasi nakakatulog yung mga bata pag merong ilaw, tumabi na lang din ako sa kanila.

.....

Past time....

Meizea POV..

Halos apat na buwan na simula ng maging kami ni Sage niligawan n'ya ko simula ng halikan niya ako sa bahay nila. Syempre hindi na ko naging pabebe at sinagot siya nung una palihim ang pakikipagrelasyon namin na tanging kami lang dalawa ang may alam pero nung tumagal kami ay pati mga ka miyembro niya ay alam na.

"Babe sama ka samin mamaya may pupuntahan tayo" Sage

"Saan Babe?" ako

Hindi siya umimik at sumama na lang ako sa kanya....dinala niya ako sa isang magandang garden at may kubo sa gilid...maganda ang tanawin dito puro bulaklak.

"I love you Babe" sabi nito at tumabi sa'kin.

Halos araw-araw kaming umaalis para mag date, sulit talaga ang araw ng magkasama kami masaya sa feeling.

- 1st anniversary.

Dumating ang araw ng pinaka masayang araw namin ang anniversary namin. Pumunta kami ulit don sa mga madaming bulaklak.

"Babe, Happy Anniversary....masaya ako dahil tumagal tayo at mahal kita...ikaw lang ang mahal ko at mamahal ko habang buhay....take this ring as a symbol nag pagmamahal ko sa'yo" sabi nito at sinuot sa daliri ko ang singsing na nasa isang brown na box.

"Ikaw lang din ang mamahalin ko...Happy Anniversary" sabi ko.

Naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa likod ko...at ang mga halik niya ng puno ng pagmamahal....ang mga kamay niyang kung saan-saan na humahawak....hindi ko na pinansin yon dahil nalalasing ako sa mga halik n'ya....handa akong ibigay ang sarili ko sakanya dahil mahal na mahal ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Huli na ng maramdaman ko ang simoy ng hangin na dumadapo sa katawan ko dahil nakahubad na ko sa harap niya at gano'n din siya.

"I love you Babe" bulong niya sa'kin bago nag-isa ang mga katawan namin....we made love sa ilalim ng kabilugan ng buwan....sa paligid ng maraming bulaklak....Saksi ang mga bituin kung pa'no namin minahal ang isa't isa ngayon gabi.

MX Series 1: She's the One (Editing)Where stories live. Discover now