Chapter 18

7 2 0
                                    

Chapter 18


"Nanay, okay na ba kayo ni tatay?" tanong sa'kin ni Dani.


"Oo" 


"Nanay gusto kong kasama si tatay dito" sabi ni Daze.


"Alam n'yo namang idol ang tatay n'yo kaya hindi puwede" sabi ko.


"Hey kids" bati ni Sage na kakapasok lang sa kuwarto ng mga bata.


"Tatay dito kana lang tumira samin" Dage


"Aayusin mo na ni Tatay ang kanyang schedule at titira tayo sa bagong bahay na binili ko para sa nanay n'yo" sabi nito. 


Okay na naman kami pero ayoko na mo ng pumasok sa isang relasyon. 



Bumaba ako at pumunta sa kusina para i-paghanda ng pagkain ang mga bata.


"Meizea" 


Sumunod pala sa'kin si Sage.


"Kumain kana ba?" tanong ko hindi ko parin siya tinitignan dahil busy ako sa paglalagay ng mga pagkain sa plate ng mga bata para pagbaba nila ay ready to eat na.


"Hindi pa" sabi nito.


"Umupo kana jan at kumain na din tatawagin ko muna ang mga bata" sabi ko dito bago ko siya iwanan don.


"Kakain na tara na" 


Sumunod naman ang mga bata at nagsitakbuhan papunta sa kusina.


"Kain na mga anak" ani ni Sage.


Natapos na kami sa pagkain at nagyakag si Sage na pumunta sa company nila para makapagpaalam siya sa manager at ceo nila.


"Tatay ang laki ng company ni Ceo Chan" mangha na sabi ni Daze.


"May ganyan din tayo anak" sabi ni Sage, tama siya na may gan'yan din sila mayaman kasi ang mga magulang n'ya kaso nasa business lagi sila.


"Talaga tatay?" Daniel.


"Tara na sa loob" yakag samin ni Sage at binuhat n'ya si Dani at hawak sa isang kamay si Daniel habang ako naman ay hawak ko ang dalawang bata. Pinagtitinginan kami ng mga staff hanggang sumakay kami ng elevator nakatingin pa din sila.


Kumatok muna si Sage bago pumasok sa loob ng office ni Ceo Chan. Nag bukas naman ito at pinapasok kami sa loob. Nagtataka naman ako dahil nandito pala sa loob si manager Shin at gusot ang damit nito habang nakaupo sa upuan ng Ceo, napangiti naman ako na maisip ko na may ginawang milagro ang dalawa.


"Sino siya Sage?" tanong ni Ceo Chan.


"Asawa ko at mga anak ko po" sabi ni Sage na kina gulat niya.

MX Series 1: She's the One (Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin