Chapter 11

7 5 0
                                    


Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay maririnig mo agad ang malakas na tugtog at madaming tao sa loob labas nitong bar na pinuntahan namin.

"Let's party" hiyaw ni baklang Memo na nangunguna na pumasok kaya sumunod na lang kami.

"Saan pwesto natin?" tanong ko.

"Doon tayo sa VIP room" aniya. Sumunod kami dito na papunta sa second floor nitong bar.

"Nandito yung tropa nila Jeski"

"Talaga?" sagot naman ni Jia na excited makita yung Jeski.

"Oo tara na dali sis"

Sumunod na kami sakanya at huminto siya sa VIP room 20 nauna naman ito pumasok kaysa samin napahinto naman kami sa pag pasok dahil na pahinto si bakla siya kasi ang una kaya hindi namin makita kung sino ba yung nasa loob at bakit siya napatigil. Pumasok naman si Chimaera para makita kung sino yung nasa loob.

"PUTANG INA, CHIMAERA" sigaw nang nasa loob kaya sumunod kami ni Jia nagulat kami ng makita naming si Edward pala yung sumigaw at kasama niya yung anim at yung na ngangalang — Jeski.

"WTF ano yang mga suot nyo?" gulat na tanong ni Niclas na nakatayo sa harap namin akala mo naman ay tatay na nahuli ang mga anak na babae na nakasuot na maikli.

" 'wag ka nga sumigaw ang sakit mo sa tenga" inis na sabi ni Memo. Napa sulyap naman ako kay Sage na ngayon ay abala sa cellphone n'ya hindi man lang tumitingin samin.

"Mauupo nga kayo dito" Sabi nung Jeski kaya umupo kami sa tinuro nitong bakanteng upuan.

"Salamat po" pagpapasalamat ko dito kaya ngumiti na lang ito sa'kin.

"Tell me bakit kayo nandito?" tanong ni Edward na ngayon ay nakatingin kay Chimaera ng masama.

"Nagyaya kasi bakla at Jia kaya sumama kami ni Meizea" honest na sagot ni Chimaera kay Edward.

"Hoy baklang hilaw wag mo nga ayain sina Chimaera dito" galit na sabi ni Edward kay bakla.

"Ngayon lang naman ako ng aya, bakit ka nagagalit?"

"Tumigil na nga kayo" sabi ni Jeski

"Mag-inuman na tayo kaya nga pinapunta ko kayo dito kasi birthday ko tapos ganito pa yung mangyayari" malungkot na sabi ni Jeski.

"Sige na nga" sabi ni bakla at kumuha na ng beer sa tabi n'ya doon kasi nakapwesto yung alak.

"Cheers"

Habang tumatagal ay medyo nahihilo na din ako dahil ang dami ko ng nainom na alak mahina pa naman ako dito, tiningnan ko naman naman ang oras sa cellphone ko ten na pala ng gabi.

"Inom pa" sabi sakin ni Tim at inabutan ako ng alak kahit nahihilo nako ay tinanggap ko ito at ininom yon ayoko naman masabihang kj kaya sumunod ako. Tumingin naman ako sa mga kasama ko nakita ko si Jia na katabi na ngayon ni Dykel habang nakayakap dito ng mahigpit na akala mo naman ay may aagaw.

"Umalis ka nga" pilit na inaalis ni Dykel yung mga kamay ni Jia sakanya.

"Ayaw"

Napailing na lang ako sa inasta ni Jia ngayon ganito pala siya pag nalalasing tumingin naman ako kay Chimaera na tulog na sa tabi ni Edward habang ang ulo nito ay nasa balikat ni Edward ang sweet nilang tignan nakakainggit tuloy. Nakaramdam naman ako na maiihi na ko kaya tumayo ako kahit nahihilo na ko.

"Saan punta mo girl?" tanong sa'kin ni Memo

"Cr lang ako" Paalam ko sa mga ito at lumabas na sa VIP room dumaretso naman ako ng lakad kahit hindi ko alam kung saan ba yung cr. Nabangga naman ako sa pader na hindi ko na pansin na kaharap ko na pala kaya napatawa na lang ako.

Sage POV 

"Saan punta mo girl?" rinig kong tanong nung baklang kaibigan nila na si Memo kaya nag angat ako ng tingin para makita kung sino yung kausap n'ya nakita ko naman na si Meizea iyon na lasing na.

"Cr lang ako" paalam nito kaya pasimple akong sumunod dito hindi naman ako napansin ng mga tao doon dahil busy sila sa pag-inom. Natawa na lang ako ng mauntog ito sa pader na nasa harap nito. Medyo lasing na din naman ako pero kaya ko pa naman.

"Aray ko"daing nito na kinakausap yung pader maya-maya ay lumakad na ulit kaya naman sumunod na ulit ako.

"Hi miss" sabi nung lalaking didikit sana kay Meizea ng higitin ko ito palapit sa'kin kaya mag kaharap na kami.

"Back off bastard" sigaw ko dito agad naman itong umalis sa harap namin kaya tinignan ko si Meizea na nakatingin sa labi ko kaya ni layo ko siya ng konti sa'kin.

"Hey" tawag ko dito at hinawakan ko ito sa baba para makaharap siya sakin kaya ngayon ay nakita ko na yung buong mukha n'ya fuck ang ganda ata niya ngayon.

"Sage" tawag nito sa'kin na parang musika sa aking pandinig napatingin naman ako sa labi nitong mapula na parang nang-aakit na halikan ko, agad akong umiwas ng tingin sa dalaga. Fuck napa sabunot ako sa buhok ko para mawala yung pag-iisip ko dito.

"Balik na tayo don" higit ko dito papunta sa VIP room kaso huminto lang ito at tumingin sa'kin kaya napalunok ako.

"hmmm.. Sage" bulong nito sa'kin.

"tara na" hila ko dito pero hindi ito ng patinang sa'kin at nagmatigas pa.

"Gusto ko na umuwi"

Tumingin ako dito na nakapikit na kaya hinila ko ito palabas ng bar hinanap ko naman kung saan ko pinarada yung kotse ko hindi ko na kasi matandaan dala na siguro ng kalasingan.

"Sakay" utos ko dito na agad naman nitong sinunod kaya sumakay na din ako at pinaandar ito.

"Nasusuka ako, Sage" aniya nakahawak sa bibig n'ya.

"Fuck" hindi ko mapigilang hindi magmura dahil sa itsura niya ngayon na nasusuka na kaya tinigil ko yung sasakyan sa may malapit sa dagat agad naman itong bumaba kaya sumunod ako na may dalang tubig meron kasing mineral water dito sa kotse ko na naiwan ko kanina.

"tubig" abot ko dito tumingin lang ito at hindi niya kinuha kaya hinayaan ko na lang siya sumuka ng matapos siya ay kinuha din niya ito para magmumog.

"Tara na" aya ko dito at sumakay na.

"Mag seatbelt ka" ani ko dito kaso hindi ako narinig kasi nakapikit na kaya lumapit ako dito para maayos ko na napatingin naman ako sa labi niya na hinihila ako, tinignan ko muna ito ng makita ko naman na parang tulog na ito ay unti unting lumapit ako sa kanya hindi naman niya malalaman kong susubukan ko kasalan to ng mga labi n'ya.

Akmang maglalapat na ang labi nila ng magmulat ito kaya nagulat siya at lalayo na sana ng higitin siya nito kaya napapikit siya kaya naramdaman niya na may malambot na bagay na dumikit sa kanyang labi. Napa mulat siya ng makita niya na mag kalapat ang labi nila.

***

bitin:<

MX Series 1: She's the One (Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora