Chapter 9

5 6 1
                                    


Chapter 9

"Bakit po nanay?" Tanong ko dito at lumapit naman ako dito.

"Anak kailan ba tayo pupunta sa kapatid mo?" Tanong nito sa'kin. Nakakalungkot man isipin na hindi lumaki samin ang kapatid ko na bunso na nasa 7 years old na nasa kamag-anak kasi namin siya dahil hindi ko kaya na mabigyan siya ng magandang buhay dahil hindi sapat ang kinikita ko sa pang araw-araw para sa gamot at pagkain na lang namin ni nanay ito. Hindi ako nag babaon minsan dahil nag-iipon ako para makasama ko na si Mozi at maka uwi na siya dito. Wala na kasi ang Tatay ko matagal ng patay.

"Siguro po ay sa Sabado po Nanay" Ani ko dito ngumiti naman ito sa'kin.

"Salamat anak sa lahat" Sabi nito sa'kin lumapit naman ako dito para yakapin ito.

"No Nanay, salamat po sainyo ni Tatay" Sabi ko dito at ngumiti din, hinawakan naman nito ang baba ko para makaharap ako sakanya.

"Manang mana mo sa'kin ang pag ngiti mo" Sabi ni nanay habang tinitingnan ako.

"Tara na po sa loob at kakain na tayo" sabi ko at inakay na siya papunta sa loob.

"Oo nga pala Nanay, meron na po akong mga kaibigan sa bago ko pong school" sabi ko dito, kakatapos lang namin kumain at nililigpit ko na lang ito.

"Talaga? Mabuti naman kung ganon pa puntahin mo sila dito satin" ani nanay.

"Sige po pag nagkaroon po ng time" ako

"Nanay ihatid ko na po kayo sa kwarto n'yo at para na rin po makainom na kayo ng gamot" Sabi ko at inakay na ito papunta sa kwarto n'ya.

"Nanay ito na po yung gamot n'yo, iwan n'yo na lang po jan yung baso na ginamit n'yo mamaya ko na po aayusin dahil magrereview po muna ako" sabi ko dito at iniwan na ito doon.

Naglakad naman ako papunta sa kwarto ko at kinuha ko na ang notebook ko para makapag-review ng mga pinag-aralan kanina.

*kinabukasan

"Nanay aalis na po ako" sabi ko dito.

"Sige ingat ka anak" sabi nito.

.

.

.

"Meizea" salubong sakin ni Jia na ngayon ay nasa harap ng classroom namin kasama si memo.

"Yes?" ako

"Mamaya ha" bulong na sabi nito.

"Oo sige na pumasok na kayo sa room n'yo" Sabi ko sakanila at nagpaalam na lang sila sakin at umalis na.

"Meizea, Good morning" bati sakin ni Davi na katabi si Dykel.

"Good morning din" sabi ko napatingin naman ako sa katabi ko sa upuan na ngayon ay nakasubsob sa kanyang desk.

"Sage, Good morning" Sabi ko dito at kinulbit ko ito ngunit no answer pa din.

"Tulog ata si Sage" Sabi sa'kin ni Gil.

"Ah" ani ko at tumingin na lang ako sa unahan.

"Oo nga pala mamaya pupunta tay---" hindi na natapos ang sasabihin ni Tim ng bigla dumating si ma'am.

"Sa susunod na week wala tayong pasok" Sabi ni ma'am samin kaya naman tuwang-tuwa ang mga classmate ko maging sina Edward.

"Mabuti naman at ligtas tayo sa quiz ni ma'am Oliva"Masayang sabi ni Gil

"Basta later pupunta tayo" Sabi ni Edward kay Niclas. Hindi ko alam kung anong pinaguusapan ng mga boys kaya nakinig na lang ako total wala naman pinapagawa si ma'am ngayon dahil umalis agad ito pagkatapos i-announce yung walang pasok.

"Kasama ba natin si Sage?" Tanong ni Dykel.

"Aba't oo naman kaibigan natin yan" Sabi ni Edward.

"Gago i-mean isasama ba natin yan baka tulogan lang tayo nan pagkasama natin" Sabi ni Dykel.

"Sasama yan panigurado"ani ni Niclas.

"Pinag usapan n'yo ba ko?" Inis na sabi ni Sage na ngayon ay gising na sa tabi ko.

"Narinig mo naman" Sabi ni Dykel, sinamaan naman ito ng tingin ni Sage, pa lihim naman ako tumawa dahil ang cute nilang pito. Napahinto naman ako sa pagtawa nang humarap sakin si Sage.

"Okay ka lang ba?" bulong na tanong nito sa'kin. Namangha naman ako dito dahil concern pala siya sa'kin.

"Oo, okay lang ako. Concern ka ba sa'kin?" Tanong ko dito tiningnan lang ako nito na parang sinusuri ako gamit ang mata n'ya. Namula naman ang pisngi ko dahil dito.

"Malala na yan Meizea"naka ngising sabi ni Sage sa'kin. Agad ko naman tinignan yung mukha ko gamit ang maliit kong salamin. Nakakahiya.

"Hoy nag so-solo ata kayong dalawa" Sabi samin ni Edward na ngayon ay nasa harap namin at nakapamewang pa.

"Inggitero ka ba Edward?" Tanong ni Tim dito. Umiling naman si Edward dito.

"Puntahan mo si Chimaera at nang mayroon ka ding kalandian" Sabi ni Gil napatahimik naman si Edward dahil sa sinabi ni Gil. Wow ha choosy pa siya ha maganda naman Chimaera parang ako maganda charr.

" SEIE" sigaw ng isa naming classmate na babae na makapal ang make-up. Hipon ata to.

"Bakit?" Tanong Niclas. Isa sa mga na pagtanto ko sa group nila ay pag may babaeng lumalapit sa kanila ay si Niclas ang nakikipag-usap sa mga ito para lumayo sa kanila dahil gusto daw nila maging normal na tao lang yung hindi tinitilian ng mga fans nila kaya yung ibang tao dito sa MX university ay minsan hanggang tingin na lang sila.

"Wala lang" Sabi nito at malanding tumingin kay Sage. Nainis naman ako dahil tumingin din si Sage doon kumindat pa yung malandi clown na yon dukutin ko mata niya eh makita n'ya. Umiwas na lang ako ng tingin.

"Meizea" sigaw ni Jia na nasa harap ng pintuan ng classroom namin kasama si Memo. Ako ang tawag pero kay Dykel na ka tingin tsk. Pustahan tayo tatawagin din niya si Dykel.

"Dykel my loves my husband" sabi ni Jia at pumasok na nga sa room namin ng walang paalam. Nakita ko naman na naiinis si Dykel dahil sa narinig n'ya.

"Hoy bawal kang pumasok dito desperada ka eh" Sabi naman nung isa naming classmate na kasama nung malanding clown.

"Excuse me padaan hindi mo ata kilala to" Inis na sabi ni Jia sabay hawak pa sa bewang n'ya. " Si Jia Valencia to Future Girlfriend slash Wife ni Dykel" Bilib na ko sa babaeng to masyadong inlove kay Dykel. Pinanood lang namin sila.

"Alis nga jan dadaan ako" Sabi ni Jia sabay takbo nito pa lapit kay Dykel.

"Hello my loves" Hindi naman siya pinapansin ni Dykel na nagkunwaring tulog. Hindi ko na nga lang papansinin sila.

"Sis tuloy tayo later"Bulong sakin ni Memo na nakatayo malapit sa bintana kung saan malapit yung upuan ko. Tumango lang ako dito. Na hagip naman ng mata ko si Sage na nakatingin sa pwesto namin na parang galit ata. Hala anong nangyari?, umiwas naman ako ng tingin dito at umalis ako sa tabi ni Memo at umupo ako sa upuan katabi nito.

"Jia wag mo nga kulitin si Dykel tulog naman yan" Sabi ni Gil

"Opo Girl" sabi ni Jia, asar nito kay Gil.

"Gil hindi girl, halikan kita jan" Pang asar ni Gil kay Jia. Nagulat na lang kami ng bigla mag-angat ng tingin si Dykel at nakatingin ito ng masama kay Jia kaya naman itong babaeng to ay tinikom ang kanyang bibig. Masama naman tinignan ni Dykel si Gil.

"I smell something fishy" Sabi ni Tim.

"Ikaw ata yung malansa, Tim" Sabi ni Davi binatukan naman ni Tim si Davi.

"Hindi ako, naligo ako kanina ano" Sabi ni Tim.

"Tama na nga yan at tara na sa tambayan natin at recess na" Sabi ni Niclas sa mga ito.

......

Next chapter 10 na yeheeeyyy

MX Series 1: She's the One (Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora