Chapter 16

8 3 0
                                    

Chapter 16


Meizea POV...


"Nanay, maglalaro po kami sa garden" paalam sa'kin ni Dage.


"Sige po basta wag masyadong magpapawis" sabi ko sa kanila, agad namang ng si-takbuhan yung apat.


"Meizea, salamat talaga dahil malapit na matapos yung story ni Sage" 


Ngumiti na lang ako kay Chimaera..tinapos ko na kasi yung story hindi ko na nilagay kung bakit kami ng hiwalay.


"Yung usapan natin 'ha" sabi ko, baka kasi sabihin n'ya kay Safe kung nasaan kami.. ayokong malaman n'ya na nandito lang ako sa Laguna at hindi umalis lumipat lang ng bahay.


"Opo noted, alis na ko 'ha" sabi nito bago umalis. Naiwan naman ako mag-isa dito sa harap ng bahay at isasarado ko na sana ang gate namin ng biglang may kamay na pumigil dito, binuksan ko naman ito para makita kung kaninong kamay yon. 


Pagbukas ko pa lang ng gate ay gano'n na lang ang pag kalaki ng mata ko ng makita ko ang taong matagal ko nang kinalimutan.


"Meizea" Nagsitayuan ang balahibo ko ng tawagin niya ang pangalan ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lumapit naman siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.


"It's nice to see you again....Babe" sabi nito... natauhan ako sa sinabi nito sa'kin at sinampal ko siya ng pag-kalakas.


"Hayop ka anong ginagawa mo dito?...lumayas ka ng pamamahay ko" pinagsusuntok ko ang dibdib nito, hindi naman siya umiwas at pumalag bagkos niyakap lang niya ako kaya lalo akong nagalit sa kanya at tumutulo na ang luha ko.


"I'm sorry.... Meizea" sabi nito.


Kumalas ako sa pagkakayakap nito at pumasok na ko sa loob ng bahay at isasarado ko na sana ng humarang ulit siya. Kinakabahan ako dahil baka makita niya ang mga bata... pinagdadasal ko na sana wag silang pumasok muna ng bahay.


"Mag usap tayo please" pakiusap nito.


"Wala na tayong dapat pag-usapan" inalis ko ang kamay nito na hahawakan sana ako, naglakad lang ako papunta sa living room namin.


"Nanay!" 


Napatigil kami sa pag-aaway ng makinig namin ang sigaw ni Daniel.


"Nanay nanjan ka lang pala, Nay may sugat si Dani nadapa siya sa malaking bato sa likod bahay natin" sabi nito at naglakad palapit sa'kin. Nakaharap ako sa kanya at ang lalaking na sa likod ko ngayon ay hindi ko alam kung anong reaction n'ya sa ngayon na nakita niya ang isa niyang anak.


"Nanay...huhu..masakit" 


Pumasok naman sa loob yung tatlo, akay nina Dage at Daze si Dani na dumudugo ang sugat sa tuhod.

MX Series 1: She's the One (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon