KABANATA 17

16.6K 645 152
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 17:

ESTELLA'S POV

Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi na binuksan pa nila Cassandra ang topic na pinag-usapan namin kanina. Halata naman kasing sinadya nilang wala si Kade para pag-usapan namin ang bagay na nangyari noon sa varsity room pero hindi na nila ako mapipilit pa kung ayaw kong maniwala sa mga paliwanag nila. Mahirap maniwala lalo na't kung walang matibay na ebidensya.

Paano kung nagsisinungaling lang sila? Paano kung nakipagsabwatan lang pala si Nyx kay Cassandra para pagtakpan ang kababuyan na ginawa nila? Paano kung balak na naman nila akong lokohin at gawing tanga? Nasaktan nila ako at sinira naman ni Nyx ang tiwala na ibinigay ko sa kanya kaya hindi nila ako masisisi kung ayaw kong maniwala sa mga pinagsasabi nila kanina.

"Grabe, ginawa ba talaga niya yun? Napaka-amazona talaga nitong si Estella!" dinig kong malakas na salita ni Zeev at pare-parehas silang nagtawanan maski itong si Kade.

Natatawa sila dahil sa pinaggagawa ko noon at ito namang si Kade ay walang humpay sa kakakwento sa mga ginawa kong kalokohan sa New York. Napabuga naman ako ng hangin habang isa-isa kong tinignan ang mga kasama ko. Ito na nga ang sinasabi ko, mga may tama na sila ng alak. Ang lalakas na kasi ng tawanan nila at namumula na rin ang kanilang mukha.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Estella." anas ni Perseus at nagthumbs-up pa sa akin dahil naikuwento rin ni Kade sa kanila yung tungkol sa pagsuntok ko sa lalaking nangbastos sa akin noong nakaraang taon. Nginitian ko lang sila ng tipid. Kahit kailan talaga napakadaldal nitong si Kade kapag natatamaan na siya ng alak. Ang pupula na nga ng mukha at leeg nila maliban nga lang dito kay Conan na patikim-tikim lang ng pagkain na hindi ko naman naubos. Loko-loko talaga ang lalaking 'to, nilalamon pati ang tira-tirang pagkain.

"Kade, tara na sa kwarto mo para makapagpahinga ka na." bulong ko kay Kade sa tenga niya. Maaga pa ang alis namin bukas, mahirap na kung male-late kami ng gising.

"Sige na mga bro, maaga pa kasi ang alis namin bukas." paalam ni Kade sa mga kasama namin at inalalayan ko naman siyang tumayo.

"Hindi niyo ba muna hihintayin si Nyx?" tanong ni Wyatt.

"Hindi na, pakisabi na lang sa kanya na salamat." ani Kade. Wala na rin kasi si Cassandra dahil hinatid ito ni Nyx ngayon sa kwarto niya.

Mukhang nalasing na din kasi ang babaeng yun, ang lakas uminom pero hindi naman pala kaya ang alak. Ang lakas din kasi ng loob niya na magyaya sa amin ng dinner, ito tuloy ang nangyari. At hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Nyx dito, for sure may ginagawa na naman silang kababalaghan. Pake ko ba sa kanila? Bahala silang maglampungan doon sa kwarto ni Cassandra, magpakasarap pa sila!

"Ikaw na ang bahala sa kanila ha? Baka magkalat pa sila diyan." mahina kong sabi kay Conan at nag-salute naman siya sa akin bilang sagot. Nagpaalam na kami sa kanila at hindi na namin hinintay na bumalik si Nyx. Mukhang balak pa rin nila Zeev na ipagpatuloy ang pag-iinuman nila, ang lalakas pa naman nilang tumungga ng alak. Nilagay ko sa balikat ko ang braso ni Kade para maalalayan ko siya nang maayos hanggang sa makasakay na kaming dalawa sa elevator.

"Lasing na lasing ka na talaga, malilintikan ka talaga sa akin bukas." salita ko kay Kade nang mapindot ko ang button ng elevator. Tinawanan naman niya ako at umayos siya ng tayo para hindi ako mahirapan sa pag-alalay sa kanya.

"Sorry talaga Estella, napasubo lang." aniya at nginitian ako. Hindi na ako sumagot pa at lumabas na kami sa elevator nang makarating kaming dalawa sa 8th floor. Dumiretso kami sa tapat ng kwarto ni Kade at mabilis ko namang dinukot sa bulsa ng pantalon niya ang kanyang swipe card. Hindi naman ako nahirapan kaya nakapasok din kami agad sa kwarto niya.

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon