KABANATA 29

16.2K 573 128
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 29:

ESTELLA'S POV

Kagat-kagat ko ang aking kuko sa hinlalaking daliri sa kanan kong kamay. Sobra-sobra akong kinakabahan ngayon, halos marinig ko na nga rin ang malakas na pintig nitong puso ko at kulang na lang ay tumalon palabas sa rib cage ko itong puso ko. Pati ang dalawa kong kamay ay pinagpapawisan na rin ng malamig. Hindi rin ako mapakali dito sa loob ng banyo at kanina pa ako palakad-lakad dito. Tumingin muna ako sa salamin ng banyo at nakita ko ang sarili kong mukha sa repleksyon.

Bakas sa mukha ko ang pagkabalisa at medyo pansin kong namumutla rin ako. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko na nga rin alam kung ilang minuto na ba akong nandito sa loob ng banyo. Buti na lang hindi pa ako nahimatay sa sobrang kabado ko. Pagtapos kong tumingin sa salamin ay napunta ang atensyon ko doon sa lababo. Pinagkatitigan ko pang mabuti ang isang puting bagay na medyo maliit at nakataob pa ito roon.

Natatakot akong tignan iyon at mas lalo pa akong kinakabahan sa pwedeng makita kong resulta sa pregnacy test ko. Oo, isang pregnancy test at iyon ang dahilan kung bakit kinakabahan ako ng ganito. Bumuntong-hininga ako at nakagat ang ibaba kong labi. One week na ang nakakalipas nang mapansin kong may kakaiba sa akin. At isang linggo ko na ring hindi nakikita si Nyx!

Nandito pa kasi ako sa Cebu at nanatili rin akong nakatira sa condo ni Nyx dahil sa dito naka-base ang company ni Dad na mismong hinahawakan ko na. Kinailangan din ni Nyx na bumalik sa Maynila dahil marami-rami rin siyang aasikasuhin na trabaho na kailangan din niyang tapusin. Ang sabi niya ay babalik din naman siya agad dito sa Cebu pero isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin siya bumabalik. Ano na kayang nangyari sa lalaking iyon? Natabunan na ba kaya siya ng trabaho niya?

Sabagay ay marami rin siyang inaasikaso dahil bukod sa isang CEO si Nyx, nagmamay-ari din siya ng isa sa pinakamalaking isla dito sa bansa at hawak rin niya ang ilang mga mamahaling hotel. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga at saka ako naglakas-loob na kunin ang pregnancy test. Kung ano man ang lumabas na resulta ay buong puso ko itong tatanggapin.

Matapang ko namang tinignan ang pregnacy test pero halos tumigil ang hininga ko nang makita ko ang resulta. Dalawang pulang linya. Iyon ang nakikita ko ngayon sa pregnancy test. Uminit tuloy ang magkabilang gilid ng mata ko at tuluyan ring bumagsak ang mga luha ko dahil sa aking nakita. Tama ba itong nakikita ko? Hindi naman siguro ako naduduling diba? At saka bago ko gamitin itong pregnancy test ay nagtanong muna ako sa botikang pinagbilihan ko nito kung paano ito gamitin dahil sa first time kong gumamit nito.

Sinabi naman sa akin nung babae kanina ang instruction kung paano ito gamitin at natatandaan ko rin ang sinabi niya na kapag dalawang linyang pula ang lumabas ay paniguradong may laman na itong sinapupunan ko. At dalawang pulang linya nga ang nakikita ko ngayon sa aking pregnancy test.

Confirm. Buntis nga ako. Kung hindi pa ako gumamit nito ay hindi ko pa malalaman na buntis na pala ako. At sobrang saya ko dahil sa loob ng siyam na buwan ay nabuntis na rin ako sa wakas. Akala ko talaga ay may problema sa isa sa amin ni Nyx dahil kahit ilang beses nang may nangyayari sa amin ni Nyx at ilang beses rin niya akong naputukan ay hindi pa rin ako nabubuntis.

Nagpa-check up na rin kami ni Nyx at sinabi naman nung doktor sa amin na wala kaming problema. Pinaliwanag rin ng doktor na meron talagang ibang babae na hindi agad nabubuntis, may ibang babae naman daw ang mabilis agad mabuntis kahit na isang beses lang itong nakipagtalik at naputukan ng semilya ng lalaki. Pero heto, lumabas na nga sa pregnancy test ko na buntis nga ako. Tama nga ang sabi ng iba, huwag magmadali dahil ang lahat ng bagay ay nasa tamang panahon.

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon