KABANATA 27

18.6K 598 110
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 27:

ESTELLA'S POV

Nagising ako kinabukasan nang may nakayapos na malaking braso sa beywang ko at mula sa aking likod ay nararamdaman ko ang kanyang maskuladong katawan. Nilingon ko si Nyx na mahimbing pa ring natutulog kaya wala sa sariling napangiti ako. Himala yata at nagkasya kaming dalawa dito na nakahiga sa sofa kahit na medyo may kaliitan ito at malaking tao pa naman si Nyx. Sa sobrang pagod siguro namin kagabi ay hindi na rin namin nagawang lumipat sa hospital bed para doon matulog.

Hindi na rin kami nakapagbihis pa at tanging makapal na kumot lang ang nagtatakip sa hubad naming katawan. Buti na lang talaga walang pumasok na nurse dito kagabi kaya walang nakakita na binibinyagan naming dalawa ni Nyx ang sofa na kinahihigaan namin ngayon. Jusko! Bukod sa malakas siyang tao ay parang wala yata sa bokabularyo ng lalaking ito ang mapagod. Hindi ko na rin nagawang bilangin pa kung nakailang rounds kaming dalawa basta masasabi kong maraming beses kaming gumawa ng milagro kagabi at wala namang kapaguran si Nyx sa kakaangkin sa akin.

Anong oras na rin kaming nakatulog kaya parehas kaming puyat. Tahimik ko lang hinalikan sa labi si Nyx at hindi naman siya nagising. Maingat ko namang tinanggal ang braso niya na nakapulupot sa beywang ko bago ako dahan-dahang tumayo. Pansin kong nakapatay na ang TV habang nagkalat naman ang mga saplot naming dalawa ni Nyx sa sahig. Saglit ko namang pinasadahan ng tingin yung wall clock, alas-nuebe na nang umaga.

May ilang minuto na lang ang natitira bago mag-alas diyes. Mabilis ko namang pinulot ang mga damit namin pati na rin yung undergarments kong nakapatong sa coffee table. Nilapag ko lang sa pang-isahan na sofa ang mga damit ni Nyx bago ako tumayo at kumuha ng pamalit kong damit sa cabinet kaya na nakabalandara ang hubad kong katawan. Nakalock naman yung pinto at kaming dalawa lang ni Nyx ang tao dito sa ward room.

Ngayon na rin naman ang discharge ko dito sa ospital kaya makakalabas na ako sa Alastair Hospital. Dumiretso naman ako agad sa banyo nang makakuha ako ng damit at mabilis akong naligo. Lumandas sa katawan ko ang malamig na tubig galing sa shower kaya tuluyan nang nagising ang diwa ko. Naligo lang ako habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi ko.

Walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko ngayon. Para akong lumilipad sa alapaap at dahil iyon kay Nyx. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapabalik-tanaw sa kung paano kami nagkakilalang dalawa. It was our first day of school that time and we were in our first year of high school when I first saw him, Nyx Calian. Una ko siyang nakita nung naglalakad ako sa hallway.

Maraming tao nung araw na yun dahil nga unang araw ng pasok sa eskwela at ang mga estudyante nung araw na iyon ay hinahanap ang mga pangalan nila sa bulletin board para alamin kung saang section sila inilagay. At isa na ako doon na nakipagsiksikan pa sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa bulletin board para lamang makarating ako sa unahan at mahanap ko agad kung anong section ko.

Nalate pa ako ng gising dahil mas inuna ko pang pagpuyatang tapusin yung episode ng paborito kong anime na Fushigi Yûgi kaysa matulog ng maaga kahit na alam kong first day of school na namin kinabukasan. Nagtagumpay naman akong malaman ang section ko kaya kahit siksikan ay nagawa ko pa ring makaalis sa mga nagkukumpulan para makaakyat na ako sa classroom ko. And then I saw him. Tahimik lang siyang nakatayo habang pinapanood niya ang mga kaibigan niyang nag-uusap. Walang iba kundi sila Conan, Zeev at Perseus.

May katangkaran silang apat at dahil na rin sa angkin nilang kagwapuhan ay hindi na kataka-takang napapatingin ang mga estudyante sa kanila especially ang mga girls na mahahalata kong kinikilig ng bongga. Inaamin ko, mga gwapo nga sila at ang lalakas din ng mga karisma nila. But I was only thirteen years old that day at wala pa talaga sa isipan ko ang magkaroon ng crush at parang kiti-kiting kikiligin.

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon