KABANATA 22

16.6K 591 110
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 22:

ESTELLA'S POV

Sobrang bilis ng tibok nitong puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung susundin ko ba yung payo ni Seph sa akin o hindi. Matapos ko siyang makilala at makausap nung nakaraang araw ay nagpalitan kami ng numero para magkaroon pa rin kami ng komunikasyon sa isa't-isa. Kakarating ko lang din kanina dito sa Maynila at dumiretso ako sa bahay namin. Nagulat pa nga ang katiwala namin nang makita niya ako, pati ang mga katulong ay nagulat din dahil sa biglaan kong pagdating. Hindi naman daw kasi nila inaasahan na uuwi ako.

Simula nang mag-migrate kami ng magulang ko sa New York ay ang katiwala at ilang mga katulong na namin ang naiwan sa bahay. Hindi rin naman kasi binalak nila Dad na ibenta ang bahay para daw kung sakaling uuwi kami ng Maynila ay meron pa rin kaming matutuluyan na bahay. Nabalitaan ko rin mula sa katiwala at mga katulong namin na nagpupunta daw roon si Nyx simula nang maghiwalay kami. Naikuwento rin nila sa akin kung paano ito magwala noon dahil akala ni Nyx ay nagtatago lang ako sa bahay pero ang totoo ay nagpunta na ako sa New York kasama ang magulang ko.

At may dahilan rin ako kung bakit biglaan ang pagpunta ko dito sa Maynila. Kasalukuyan ako ngayong nagmamaneho papunta sa address kung saan tumutuloy si Kade ngayon. Saglit ko pang tinignan ang mga litrato na nakalapag sa upuan ng passenger seat bago ko binalik ang aking atensyon sa kalsada. Kahapon ay bigla akong nakatanggap ng isang brown envelope galing sa hindi ko naman kilalang tao. Isang envelope na punong-puno ng mga litrato ni Kade na may kasamang ibang babae.

Ayoko pa sanang paniwalaan ang picture na yun dahil akala ko ay may naninira lang kay Kade pero nagulat ako nang makita kong sekretarya niya ang kasama niya sa mga litrato. Mga litrato na kapwa sila nakangiti, nakaakbay pa nga si Kade dun sa babae at meron namang litrato na naghahalikan silang dalawa. Hindi lang iyon ang natanggap ko, meron pang iniwan na sticky note ang nagpadala sa akin ng envelope. Isang sticky note na tila pinapaalalahan ako.

Nakasulat din doon ang address at kung gusto ko daw malaman ang mga kalokohan ni Kade ay magpunta lang ako sa address na iyon. That's why I'm here. Gusto kong malaman ang totoo. Wala naman sigurong masama kung pupuntahan ko itong address na 'to para alamin ang katotohanan. Pero hindi ko maiwasang kabahan. Sobra talaga akong kinakabahan habang nagda-drive ako papunta roon. Paano nga ba kung totoong may namamagitan kay Kade at sa sekretarya niya? Paano kung matagal na pala nila akong tinatraydor patalikod? Paano kung kasinungalingan lang pala lahat ng mga pinagsasabi ni Kade sa akin noon?

Pero walang mangyayari kung hindi ko mismo aalamin ang totoo. Dapat lang siguro na ihanda ko ang sarili ko kung ano man ang makikita o madadatnan ko mamaya. At isa pa, ito na rin siguro ang tamang panahon para sabihin kay Kade kung bakit ako bigla na lang umalis sa El Deseo Bay na hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Paniguradong nagtataka siya kung bakit pati sa publishing company ni Kuya Lukas ay nag-resign na rin ako.

Dapat lang na malaman ni Kade ito para hindi ako magsisi sa bandang huli. Karga konsensya ko pa ito kung sa iba pa niya malalaman. At saka ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas na loob para harapin ko siya. Gamit ang google map kaya hindi ako naligaw sa pasikot-sikot dito sa Maynila. Ilang minuto pa akong nagmaneho hanggang sa nakarating na rin ako sa wakas sa destinasyon ko.

Pagkahinto ko ng sasakyan ay agad akong bumaba. Lumapit ako sa gate ng isang malaking bahay. Chineck ko muna ang pangalan ng address na nakasulat sa sticky note para makasiguro akong ito na ang bahay na tinutuluyan ni Kade. Nang tignan ko ang nakasulat na pangalan ng address malapit sa gate ay ganun rin ang nakasulat sa sticky note kaya mas lalo lang akong kinabahan. Nagdalawang-isip pa ako kung itutuloy ko pa ba ito o huwag na lang. Pero nandito na ako at masasayang lang ang nilaan kong oras para hanapin ang address na tinutuluyan ni Kade.

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon