P R O L O G U E

27.3K 913 327
                                    

Bakit ba ako kinakabahan? Bakit ba ako nakakaramdam ng takot? Nanginginig din ang buo kong katawan, lalo na ang dalawa kong tuhod at mga kamay.

Sinusubukan kong tatagan ang aking sarili. Bawat hakbang ko ay s'yang tambol naman ng sobrang bilis ang puso ko. Natatakot ako sa kung ano man ang makikita ko, ngunit humugot pa rin ako ng lakas ng loob.

Saglit akong tumigil sa paglalakad at huminga nang malalim. Mula rito sa pwesto ko ay tanaw ko na ang locker room nila.

Saglit kong pinasadahan ng tingin ang hawak kong cake, habang sa kabilang kamay ko ay ang cellphone ko.

Nakatanggap ako ng message mula sa unknown number. Nabasa ko roon na may kasamang ibang babae ang boyfriend ko.

Ayoko sanang paniwalaan 'yon at baka pina-prank lang ako. Ngunit nakatanggap ako ng panibagong text at may litrato na itong kasama.

Litrato ni Nyx, at may kausap siyang babae sa tapat ng locker room nila.

Hindi ko na sana papansinin pa dahil baka kausap lang ni Nyx ang babaeng 'yon, na baka may tinatanong lang. Iniisip ko rin na baka may naninira lang sa relasyon naming dalawa.

Pero kinutuban na ako dahil ang babaeng kausap niya ay talaga nga namang masasabi kong maganda, mayaman at sikat pa sa pinapasukan naming school dito sa Colegio de Southern.

Malaki ang tiwala ko kay Nyx. Hindi niya ako magagawang lokohin. Pero wala namang mawawala sa akin kung titingnan ko lang, 'di ba?

Bumuntong hininga ako at muli akong humugot ng lakas na loob bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Maingat at tahimik akong lumapit sa pintuan ng locker room nila na nakabukas kaunti.

Para akong tinamaan ng kidlat, nabagsakan ng langit at lupa sa tumambad sa akin. Ang kaninang pinipigilan kong luha ay kusa nang tumulo sa pisngi ko. Napapikit pa ako dahil baka mali ang nakikita ko.

"Nagugustuhan mo ba?" rinig kong malanding tanong ng babaeng 'yon.

"Mas magaling ako kaysa sa girlfriend mo, 'di ba?"

Hindi na nanginginig sa takot at kaba ang buo kong katawan, nanginginig na ako sa matinding galit. Awtomatikong yumukom ang kamao ko na animo'y handa na akong manapak ng tao bago ko dinilat ang dalawa kong matang umiiyak dahil sa aking nasaksihan.

Akala ko ba'y hindi niya ako sasaktan? Akala ko ba ay hindi niya ako lolokohin? Eh, ano 'to? Bakit may nangyayaring kademonyohan at kababalaghan sa loob ng locker room nila?

Pinanood ko kung paano halikan ng babaeng 'yon ang leeg ni Nyx. Habang ang boyfriend ko? Hindi siya kumikilos. Hindi man lang niya magawang itulak ang babaeng paharap na nakaupo sa kandungan niya.

"Oh my god, Nyx. I can feel your bulge," that bitch said as she grinded herself on Nyx's bulge.

"It's hard, it looks like it's waking up."

That bitch grinned as she continued what she was doing. Napahikbi na lang ako ng mahina habang pinapanood ang ginagawa nila. My tears still can't stop escaping from my eyes. Sigurado akong namumugto na ang dalawa kong mata dahil sa pag-iyak ko.

"Come on, touch me," udyok ng higad na ito at kinuha ang kamay ni Nyx. Dinala niya 'yon sa kanyang dibdib.

"I'm hotter than your girlfriend, right?" turan niya sa boyfriend ko.

"I'm better than her."

Halo-halo na ang nararamdaman ko. Nanlalamig ako, nanghihina. I also can feel my knees trembling because of what I witnessed.

Hinalikan pa niya sa labi si Nyx na namumungay ang mata kaya lalo akong tinamaan ng galit. Bakit wala man lang siyang magawa? Bakit hindi siya lumayo at itulak ang higad na 'to? Baka naman nag-e-enjoy siya?

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon