KABANATA 6

20.2K 699 144
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 6:

ESTELLA'S POV

Pasado alas-siyete na ng gabi kami nakalabas nila Mahann sa mga kwarto namin. Kasabay ko silang bumaba para mag-dinner. Balak ko sanang magpahatid na lang ng pagkain sa kwarto ko pero masyado akong pinilit nila Nat na sa ibaba na lang daw kami kumain. For sure nasa restaurant na rin yung mga ka-workmates namin para kumain din ng dinner. Nasa ground floor lang naman iyon kaya hindi kami nahirapan sa paglalakad. Kakagising ko lang din dahil na rin sa nakakapagod ang biyahe namin kanina. Nagpahinga muna kasi kaming lahat at hindi ko man lang namamalayan na nakatulog na pala ako.

Itong mga kasama ko naman ay walang sawa sa kaka-selfie. Kahit dito sa loob ng elevator ay hindi rin nila pinalagpas na hindi nagpi-picture. Palibhasa kasi bukas ay hindi na rin nila iyan magagawa. Magiging abala na kami sa seminar namin. At saka magbabakasali daw sila na makita si Nyx upang makahingi na daw sila agad na autograph sa kanya. Syempre para makipag-picture daw sila kay Nyx para may maiuwi daw silang souvenir.

Malalakas nga yata talaga ang tama nila sa lalaking yun. Mula sa pag-alis namin sa New York hanggang sa bago kami matulog ay si Nyx pa rin ang laman ng kanilang mga bibig. No choice ako kaya pumayag na lang akong kumain sa ibaba. Kaysa naman na magtaka sila kung bakit masyado akong umiilag kay Nyx. Gusto ko lang umiwas para walang gulo. Gusto ko lang din na maging matiwasay ang pananatili ko dito sa El Deseo Bay hanggang sa pag-uwi ko sa ibang bansa. At higit sa lahat ay gusto ko ng peace of mind at wala akong problema na mauuwi sa ibang bansa.

Pagdating namin sa ground floor ay dumiretso na kami agad sa restaurant. Naabutan namin ang lahat ng mga kasamahan namin doon na nagtatawanan at mukhang nagkakasiyahan. Karamihan kasi sa mga ka-workmates namin ay ngayon lang ulit nakapunta dito sa Pilipinas. At tulad nga ng sabi ko, karamihan din sa mga empleyado ni Kuya Lukas ay puro mga kababayan lang namin. Iilan lang ang mga foreigner sa amin kaya labis ang tuwa ng iba nang dito sa Pilipinas ginanap ang seminar. Nginitian ko naman si Kuya Lukas na siyang sumalubong sa akin. Niyakap niya ako bago ko siya hinalikan sa kanyang pisngi.

"Kamusta ang biyahe niyo?" tanong niya samin.

"Eto, nakakapagod. Hanggang ngayon may jetlag pa rin kami." sagot ko at mahina niya akong tinawanan. Nakakapagod din naman kasi ang biyahe namin. Kulang pa nga ang tulog ko. Napasimangot naman ako bigla nang makita ko si Gabriel na nakangising lumapit sa gawi namin.

"Huwag ka ngang ganyan, babe. Nakasimangot ka na naman. Baka mamaya may taga-manman si Nyx sayo dito at malaman niyang nagpanggap lang tayong mag-boyfriend girlfriend." sambit niya. Inirapan ko lang siya dahil sa kanyang sinabi. Bakit ba kasi sinabi niyang boyfriend ko siya? Bakit pa kailangan naming pangpanggap? Baka mas lalo lang itong magdulot ng malaking problema eh.

"Come on, Estella. That's for your own good. Ginagawa lang namin ito para hindi ka guluhin ni Nyx." ani Kuya Lukas. Bumuntong-hininga naman ako at bagsak ang dalawa kong balikat na tumingin sa kanya.

"Bakit ba kasi iyan pa ang naisip niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa. Saglit ko namang tinignan sila Cristiano na nakaupo na pala sa silya at naghahanda ng lantakan yung inorder nilang pagkain. Hindi man lang nila ako hinintay.

"Well, iyon lang naman ang tanging naisip naming paraan para ma-realize ni Nyx na naka-move on ka na talaga sa kanya." sagot ni Kuya Lukas. Wala namang problema sakin yun. Kahit ako ay gusto ko ring ipamukha kay Nyx na naka-move on na ako sa kanya at hindi na talaga ako apektado sa nangyari samin noon.

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon