KABANATA 4

20.3K 781 239
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 4:

ESTELLA'S POV

Dumating ang biyernes at ngayon na ang flight namin papunta sa Pilipinas para sa seminar namin. Katulad nga ng sabi ko, wala akong ibang choice kaya sumama pa rin ako kahit na ayoko. Kami na lang ang hindi pa nakaka-biyahe dahil ang ilan sa mga katrabaho namin kasama si Kuya Lukas ay nauna na ang kanilang flight. Halatang mga excited na sila sa seminar na yan. At saka nabanggit din pala sa akin ni Rishelle na pagkatapos ng seminar namin ay bibigyan daw kami ng time ni Kuya Lukas para makagala o makaligo man lang daw kami sa dagat.

Narinig ko din kanila Rishelle na marami daw na water activities sa isla ni Nyx at mayroon ding mga nagbebenta ng mga souvenirs. Well, nag-research lang naman sila kaya nalaman nila ang tungkol sa isla na yun. Sa pagkakatanda ko ay El Deseo Bay ang pangalan nung isla.

"Woah! Akala ko iniwan niyo na ako!"

Abala ako sa pagbabasa ng The War Of The Worlds na ang author ay si H.G. Wells nang marinig kong may nagsalita. Mabilis umangat ang ulo ko para tignan si Gabriel na s'yang kakarating lang at medyo tagaktak pa ang pawis niya.

"What the hell are you doing here?" kunot-noo kong tanong sa lalaking ito. Merong nakasukbit na bag pack sa kanyang likuran at hinihingal siya na halatang kakagaling lang niya sa pagtakbo. Pero anong ginagawa ng hampas-lupang lalaking 'to dito sa airport? Nginitian niya ako ng matamis at tumabi sa akin sabay akbay pa ang loko kaya malakas ko siyang siniko sa tagiliran niya na kanyang kinaaray.

"Napaka-amazona mo naman, babe! Nagmadali pa naman akong makarating dito para hindi ako maiwanan ng eroplano tapos aawayin mo lang ako." sabi niya at nag-pout pa ang hayop na 'to. May panguso-nguso pa siyang nalalaman samantalang hindi naman siya cute! Ang sarap niyang tanggalan ng nguso bwisit na yan! Umiinit talaga ang ulo kapag nandito ang lalaking ito.

"Tinatanong kita. Anong ginagawa mo dito?" pag-ulit ko sa aking tanong. Nandito pa rin kami sa airport at hinihintay pa namin dito sa waiting area na tawagin ang flight number namin.

"Sasama ako sa inyo sa Pilipinas. Baka makahanap ako ng chicks doon sa isla ni Nyx." nakangisi niyang sagot kaya naman napasimangot ako. Seryoso ba ang hayop na nilalang na 'to? Kahit pinsan ko ang kumag na ito ay talagang nabubwisit pa rin ako sa kanya! Malakas kasing mang-trip si Gabriel at kapag nasa paligid ko siya ay tiyak na kukulo lang ang dugo ko sa kanya. Anytime ay hinihiling ko talaga na mailibing sana siya ng buhay.

"Buti naman hindi ka nalate. Malapit-lapit na rin tawagin yung flight natin." salita ni Mahann. Nakaupo lang siya sa kabilang upuan at katabi naman niya sila Nat na busy sa kakalikot sa mga cellphone nila. For sure na nanonood na naman sila ng paborito nilang korean drama tulad na lang nung Mr. Queen na talaga nga namang pinagpuyatan nilang tapusin yung episode kagabi.

"Syempre ako pa ba?" maangas na sambit ni Gabriel at may pangisi-ngisi pa siyang nalalaman.

"Paano naman yung company mo? Nakakalimutan mo na ba na isa kang CEO?" sabi ko at tinaasan ko pa siya ng isa kong kilay.

"Don't worry, babe. Marami akong empleyado kaya may nagtatrabaho pa rin sa kompanya ko kahit na nasa ibang bansa ako." mayabang niyang sagot kaya napairap na lang ako sa kanya nang tawagin na naman niya akong babe.

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon