Epilogue

24K 869 196
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

Epilogue

ESTELLA'S POV

Nagising ang natutulog kong diwa dahil sa mainit na sinag ng liwanag na tumatama sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako dahil sa antok at dahil na rin sa nasisilaw ako sa liwanag. Pagtingin ko sa bintana ay nakita kong maliwanag na sa labas. Malaya ring nakakapasok ang liwanag ng araw dahil nakauwang kaonti ang kurtina. Binalingan ko naman yung digital clock na nakapatong sa side table, pasado ala-sais na nang umaga. Nawala doon ang atensyon ko dahil sa naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko.

Pumulupot pa ang malaki nitong braso sa beywang ko at nagsumiksik sa akin ang maskulado niyang katawan kaya napangiti ako nang makita ko si Nyx na mahimbing pa na natutulog sa aking tabi. Natawa pa ako dahil hindi man lang niya nagawang magpalit ng damit. Marahil ay sa sobrang pagod kaya hindi na niya naisipang magpalit at agad siyang nahiga sa tabi ko.

Suot pa rin niya ang pang-opisina niyang damit at tanging necktie lang niya ang wala roon kaya napailing-iling na lang ako. Kahit na magulo ang buhok ay gwapo pa rin siya. Ang himbing rin ng tulog niya. Hindi ko rin napansin ang pagdating niya dahil na rin sa nakatulog na rin ako sa sobrang pagod sa kakatrabaho sa opisina. Namili pa ako ng mga gamit pang-eskwela si Gavriel kahapon.

Tahimik ko namang sinuklay ang buhok ni Nyx at maingat kong kinantilan ng halik ang labi niya. Napangiti pa ako dahil sa pagkunot bigla ng noo niya. Nanggigil tuloy ako kaya kahit tulog siya ay pinisil ko pa rin ang kaliwa niyang pisngi. My God! Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na ang gwapong lalaking ito. Hindi ko lubos akalain na si Nyx ang makakasama kong bumuo ng isang masaya at malaking pamilya.

Kahit na maraming problema ang dumating sa amin noon at kahit na naghiwalay din kami noon dahil sa pagkakamali at dahil na rin sa isang malaking akala ay heto kami at magkasama pa rin kaming dalawa. Sabay naming hinaharap ang mga pagsubok na dumarating pa sa amin. Nanatili kaming matatag ni Nyx. Ilang taon na nga ba ang nakakalipas? Hindi ko talaga aakalain na apat na taon na pala kaming kasal ni Nyx. Four years ko nang dinadala ang apelyido niya at masaya ako dahil walang nagbago sa amin lalo na sa mga nararamdaman namin.

Biruin mo nga naman ang tadhana, siya ang first boyfriend ko at siya rin ang napangasawa ko. Apat na taon na rin kaming naging matatag at masaya ako dahil si Nyx ang nakakasama kong humarap sa mga pagsubok namin. Kinasal kami ni Nyx kahit na buntis ako. At sobra pa kaming naging masaya nung inuluwal ko ang anak namin na regalo sa amin ng Panginoon. Dumating sa buhay naming mag-asawa si Gavriel, ang anak naming lalaki na ngayon ay apat na taon na rin ang gulang niya.

Tulad ng ibang mag-asawa, napagdaanan rin namin ni Nyx ang mag-away dahil lang sa matinding selos. Dalawang beses lang kaming nag-away at nagkatampuhan ni Nyx. Una ay dahil akala niya ay nilalandi ako nung business partner ko na halos kasing-edad ko lang din. Aware naman ako na may gusto sa akin yung lalaking pinagselosan ni Nyx pero wala naman akong kahit na anong nararamdaman sa business partner ko. Si Nyx lang ang mahal kong lalaki at mamahalin ko pa ng lubos. Pero hindi talaga maiwasan na nagkaroon ng selosan sa isang relasyon ng mag-asawa.

Umamin sa akin yung business partner ko na may gusto nga siya sa akin pero pinaliwanag ko sa kanya na may asawa't anak na ako. Hinding-hindi ko rin ipagpapalit sa kahit sino o ano ang pamilya ko. Buti na lang naintindihan niya at naging ilag na rin siya sa akin dahil binantaan siya ni Nyx. Pangalawang away namin ay nung nakita ko ang substitute niyang secretary na may pahampas-hampas pa sa braso niya habang malanding tumatawa. Nakita ko iyon mismo kahit na nasa gitna sila ng trabaho pero mas pinili nilang magkwentuhan sa loob ng office ng asawa ko.

IDLE DESIRE 5: MY EX WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon