Chapter 2 - Oru

299 21 14
                                    

Main District (Daedalus City)
Population (Approx): 10 000
Year 3079

Hunter's POV

Kaharap ko ngayon ay isang mapang-akit na lalake at hindi ko alam kung bakit niya ako gustong patayin!

"Wait... I'm a friend, Juno! Juno!" I uttered since baka nakakaintindi siya ng english at baka Juno ang pangalan niya since nagkaintindihan kami sa salitang Juno.

"Kri yo a Juno?" (Translation: Are you a Juno?) he uttered again.

"Yes... Yes... Juno!" I uttered at tinuturo ko siya.

Tumayo siya nang maayos at mukhang nakatingin lang siya sa akin nang seryoso. Ilang saglit lang, may nilabas siyang isang device na parang scanner at sinimulan niya itong tinapat sa akin at pinagana.

"Saglit! Anong gagawin mo! Bawal 'yang ginagawa mo!" I exclaimed but hindi siya nagpatinag at bigla niyang ginamit ang isang device na ngayon ko lamang nakita at parang sinayasat niya ang buong katawan ko gamit ang scanner na hawak niya.

Pagkatapos, may binasa siya doon sa device na hawak niya at nakisilip ako para makita kung ano iyon dahil curious ako.

Ilang saglit lang, tinulak niya ako ng mahina...

"Sus! Ano ba 'yang tinatago mo? Hindi mo ba ako kilala ha, Juno?" I asked him.

Hindi siya sumagot at pagkatapos ay biglang nagbeep ang device na hawak niya at may automated voice recording na hindi ko maintindihan pa rin ang language...

"Sokuro comple! Human Male libe in Earth. Eskrip deto is Filipino." (Translation: Scanning complete! Human Male living in Planet Earth. Language detected is Filipino.) the weird device uttered and may sinuot siya na parang earpiece sa kanang tainga niya.

"Kamusta ka, Ginoo?" the weird handsome guy said.

"Ginoo?" I uttered while looking at him at bigla na lang ako natawa, "Ginoo? Masyado ka namang formal makipagusap, Juno. Pero at last! Nakakapagsalita ka naman pala ng Filipino pinahirapan mo pa ako!" I said and patted his right shoulder.

However, agad niyang inalis ang kamay ko sa balikat niya at tiningnan ako nang masama.

"Sinong may sabi na maaari mo akong hawakan? Hindi kita pinahihintulutan... Hampaslupa!" the weird handsome guy exclaimed.

"Hampaslupa? Kilala mo ba ako? Ha? Hindi mo ba alam kung sinong kinakausap mo?" I exclaimed.

Then, may binasa siya sa parang weird device niya at nagsimula na siya magsalita...

"Ikaw si Hunter Diaz Lozano, dalawampu't pitong taong gulang. Ang iyong karaawan... ay ngayon, ika-dalawampu't lima ng Hunyo at ang araw nang ikaw ay isinilang ay sa taong tatlong libo't limampu't dalawa. 5'10 ang taas at ang bigat ay 83.5 Kilograms..." he uttered at bago niya pa ituloy ang kanyang mga sinasabi... agad kong hinablot 'yung device na binabasa niya!

"Saglit saglit saglit! Saan mo nakuha lahat 'yan! Sino ka? Pulis pangkalawakan ka ba?" I asked with a shocked face since baka nahuli na ang illegal na ginagawa ko na test subjects! Hindi maaari!

Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso at iniisip ko kung pulis nga ba talaga siya? Since para sa isang pulis, masyadong maganda ang itsura niya. Hindi siya nakakatakot tingnan pero mukha siyang masungit...

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon