Chapter 8 - You are an alien?

205 19 49
                                    

Main District (Daedalus City)
Population (Approx): 10 000
Year 3079

Hunter's POV

"Prey! Pakiusap... wag mo gagamitin yan!" I warned Prey while trying to slowlh reach the wand that he's holding that's ready to burst a very deadly light.

"Uunahin nila akong patayin, Hunter... hindi maaari!" Prey answered and nakatapat na ang wand o Mordu niya kay Michael.

"Saglit! Ayan na naman 'yung wand na may pulang bilong sa dulo na umiilaw! Anong gagawin mo sa akin, Prey!" Michael shouted habang nakataas na ang dalawang kamay niya at natakot siya bigla.

"Please, Prey... Kaibigan natin si Michael... Wag mo gagamitin sa kanya 'yan..." I said with a worried tone.

"Ngunit... kukuhanin nila ako at hindi na ako makakabalik sa aking planeta. Hindi ko na matutulungan ang mga Juno na naiwan ko!" Prey said at bigla na lang tumulo ang mga luha niya dahil naiiyak siya sa takot.

"Saglit! Saglit! Wag ka umiyak, Prey!" Michael shouted, "Naiiyak ako!" he added, "Hindi kita kayang patayin! Mukha ba akong mamamatay tao?"

Prey shook his head slowly and said, "Maaaring hindi mo ako papatayin, ngunit paano ang ibang mga Humans na kagaya mo? Kaiba kayo kay Hunter! Halos sa inyo ay makikitid ang mga utak! Hindi niyo ako maiintindihan gaya ng pag-intindi sa akin ni Hunter!"

"Hunter... gusto ko pa mabuhay... please..." Michael said, "Pigilan mo si Prey!"

"Prey... Hindi kita pababayaan... Tutulungan ka namin ni Michael para hindi ka nila kunin sa amin." I said.

"Paano niyo gagawin iyon kung ako ay natuklasan na ng inyong mga humans na nagbababantay sa kalawakan! Ako ay kanilang dadakipin!" Prey said at nagiging aligaga na siya.

"Ipaliwanag mo sa'kin, Prey... Tutulungan din kita... Basta wag mo ko papatayin ng wand na tinuturo sa akin! Utang na loob!" Michael shouted.

"Prey... Hindi ba kaibigan mo rin si Michael at close na kayo? Kaya mo bang pumaslang ng isang kaibigan? Ako ay lubusang magagalit sayo kapag pinatay mo si Michael. Siya ang makakatulong kay Ringo papunta dito sa Earth!" I said.

"Ringo? Ako ang tutulong? May isa pa kayo na alien na papapuntahin dito?" Michael asked.

"Mahabang kwento!" I shouted, "Pero, Prey... itago mo na 'yan... Pakiusap..." I added.

Ilang saglit lang ay humina na ang ilaw na nagmumula sa Mordu na hawak ni Prey at kumalma na rin siya. Napabuntong hininga rin si Michael at tinanong, "Ano ba ginagawa niyang wand na 'yan?"

"Kaya ka nitong lusawin, Michael..." I answered.

"Ahh... Ganoon ba? Okay, sige ingat! Uuwi na ako! Kunwari wala akong nakita! Bye bye!" Michael said at akmang tatakbo na sana siya palabas.

"Hindi ka makakalabas, Michael... may mga laser na naka-activate sa entrance ng spaceship ni Prey. Sa oras na lumabas ka... mahahati ka sa lima." I said... ngunit hindi 'yon totoo since ayaw ko na umalis muna si Michael at siya ang taong mahihingan ko ng tulong.

"Gusto ko lang naman kumain ng popcorn kasi! Pinapunta lang naman nila ako dito kasi bahay mo 'to, Hunter!" nangingiyak na sinabi ni Michael habang napapakamot na siya ng ulo.

"Ano ang Pop corn?" Prey asked at bigla niyang pinunasan ang mga luha niya, at doon na ako nakahinga nang maluwag since alam ko kung saan na 'to papunta.

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Where stories live. Discover now