Chapter 7 - Fertility Stage

255 21 18
                                    

This chapter contains SPG scenes! Read at your own risk! 🔞🔞

Main District (Daedalus City)
Population (Approx): 10 000
Year 3079

Hunter's POV

Habang inaayos ko ang spaceship ni Prey, siya naman ay nakahiga sa damuhan sa labas at tila para siyang inaantok. Ang sabi niya sa akin ay kulang lang daw siya sa tulog at gusto niya muna magpahinga...

Buti na lang din ay binigyan ako ng Prey ng translator na eyeglasses para mabasa ko 'yung mga Junonian words na nakalagay dito sa manual ng spaceship na binigay niya sa akin kahit wala siya.

At since kanina pa ako nag-aayos ng spaceship niya at parehas drained na ang katawan ko sa pagkukumpuni at ang utak ko sa pag-iintindi, humiga muna ako saglit para magpahinga rin.

"No maseru erecib!" (Translation: 1 Message Received) the computer screen uttered at agad akong lumapit doon.

Since suot ko 'yung translator glass na pinahiram sa akin ni Prey, ay nababasa ko nang maayos ang mga nakasulat...

Sa pagkakabasa ko, may isang message na nareceived si Prey! Ibig sabihin ba nito natanggap na nila 'yung message na sinend sa kanila ni Prey noong nakaraang 2 weeks?

Hindi ko na tinawag si Prey since nagpapahinga siya at ayaw ko siyang istorbohin. Kaya naman naisipan ko na ako na lang ang magbabasa at sasabihin ko na lang sa kanya.

Pagbukas ko sa message... hindi isang letter kung hindi parang voice message ang sinend.

Sinubukan kong i-play at ito ang aking narinig...

"Oman, Proxima B. is in dranege! Yor bumi, is converti esu Carriers toino Breeders! Ow enedi yor heru... peluse eco baur son! Eco li yor eskret ideho palase so yo kanu bo sifu mese yo go baur... Im wil bo dere. Alosa, Oligar is polanin li vades Earth adu mes nish esu Humans! -Ringo." (Translation: Oman, Proxima B. is in danger! Your brother is converting the Carriers into Breeders! We need your help... please come back soon! Come to your secret hiding place so you can be safe once you go back... I will be waiting for you there. Also, Oligar is planning to invade Earth and mess with the Humans! -Ringo.) the voice message said.

Wala akong naintindihan at ang mga naintindihan ko lang ay Oman, Proxima B., Earth at Humans, at ang nagbigay ng mensahe na si Ringo...

"Hindi ba, si Ringo 'yung alagad ni Prey?" I uttered to myself.

Hindi ko man naintindihan pero alam ko na kailangan ko mapakita o maiparinig 'yung message kay Prey...

At dahil sa pagiging aligaga ko, may napindot ako bigla sa parang keyboard ni Prey... at bigla na lang may nagsalita sa screen...

"Maseru edele comple!" (Translation: Message deletion complete!) the computer said, at hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon!

Pero agad na akong lumabas para puntahan si Prey at sabihin na may message siya galing kay Ringo...

...

...

...

Warning: Next parts will include SPG scenes. Read at your own risk.

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon