Chapter 18 - Captured

231 26 37
                                    

Galager's POV

Sa wakas! Pagkatapos ng pagtitiis nang napakahabang panahon... nakuha ko na rin ang nararapat!

Ako ngayon ang nakaupo sa Trono ng Oman... at suot ko na rin ang itim na maskara na siyang nagpapahiwatig na ako na ngayon ang may pinakamataas na katungkulan at pinakamakapangyarihang Juno sa lahat!

Mabuti na lamang ay tanga si Oligar upang siya ay aking mapaglaruan at magamit na hagdanan sa aking pagakyat bilang isang Oman!

"Nais ko na kayong lahat ay lumuhod sa harapan ko bilang inyong bagong pinuno! Tumakas at nagtago na si Oligar! Sa oras na siya ay makita niyo... nais ko na siya ay dalhin niyo siya sa akin!" sigaw ko sa lahat ng militar na Juno, mga alipin at alagad na nakatayo sa harapan ko.

Lahat ng militar na Juno ay lumuhod na... ngunit may mangilan-ngilan pa rin na mga Juno ang tila ayaw akong kilalanin bilang Oman.

" Patayin ang mga taksil na Juno!" utos ko sa mga militar na Juno at walang awa nilang pinagsasasaksak ang mga Juno na alipin na tila ayaw sumunod sa akin.

Ako ay nagagalak na makitang mabawasan ang mga Juno na hindi marunong kumilala sa bagong pinuno!

"Tayo ngayon ay bubuo ng panibagong mundo! Parating na ang mga Humans at sila ang gagamitin natin upang tayo ay makapagparami!" sigaw ko.

"Mabuhay ang Oman Galager!" sigaw ng isa sa mga militar na Juno at nagsabay-sabay sila pagkatapos.

Napakasarap pakinggan... na ako na ngayon ang namumuno sa kahariang ito.

"Tugisin ang lahat ng mga Juno na tiwali at wala tayong ititira ni-isa! Mainam na tayo ay gumawa ng panibagong lahi na tayong mga purong Juno ang pinakaangat! Ang susunod na mga lahi na ipapanganak ng mga humans... sila ang magiging alipin!" saad ko.

"Oman... ako ay may mabuting balita na inyong ikatutuwa." saad ng isa sa mga militar na Juno na pinapasundan ko kina Prey.

"Ito ay isaad mo na..." sagot ko.

"Nasundan namin ang kanilang tinutuluyan... at sila ngayon ay nakatago at namamahinga sa kuta ng mga Elitis." saad ng militar na Juno.

"Elitis? Ha!" saad ko at napangisi na lamang ako, "Sayang sila dahil mahuhusay silang mga Juno sa pakikidigma. Ngunit, nadadama ko na sila ay mga tiwali rin at susundin nila si Prey... Magpadala kayo ng limang libong hukbo sa kuta nila! Pasubugin niyo ito at dakpin ang lahat ng naroon. Nais ko naihatid niyo sa akin si Prey at ang kanyang munting anak dito sa harapan ko."

"Masusunod, kami ay patutungo na sa kuta ng mga Elitis, Oman." saad ng militar na Juno.

"Papatayin natin lahat ng tiwaling Juno sa harapan ni Prey... at papatayin natin ang kanyang anak... sa harapan niya mismo." saad ko habang ako ay tila natatawa.

...

...

...

Ako ay maagang naulila at naghirap sa musmos na edad dahil sa pamamalakad at paghahari ng Rishko nila Prey at Oligar na si Oman Rexor.

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Where stories live. Discover now