Chapter 4 - In Danger

236 22 17
                                    

Main District (Daedalus City)
Population (Approx): 10 000
Year 3079

Hunter's POV

Prey and I are having a breakfast at ang mokong na alien... busy na nanonood sa device niya na hindi ko alam kung ano 'yun pero parang smartphone din siguro sa planeta nila. At habang kumakain ng favorite niyang hotdog kaya hindi mo makausap ng matino!

"Hoy, Prey, kumain ka nga muna bago ka manood! Ganyan ba kumain sa planeta niyo?" I asked Prey.

"Hindi. Ngayon lang, Hunter. Masarap pala na nanonood habang ikaw ay kumakain. Mas nakakagana." Prey answered while smiling and eating hotdog at the same time.

"Edi hindi na tayo nakapag-usap kasi masyado ka na nakatuon dyan sa panonood mo sa hindi ko alam kung anong tawag dyan! Ano ba 'yan, ha?" I asked him.

"Ang tanging gusto ko pag-usapan ngayon ay ang iyong katawan at ang Oru mo. Ngunit umiinit ang ulo mo kapag ito ay ating pinag-uusapan. Isa pa, sabi mo ay ayaw mo na pinag-uusapan natin iyon kapag tayo ay kumakain. Kaya naman nanonood na lang ako sa aking Efone." Prey said at inabot niya sa akin 'yung device na tinatawag niyang Efone.

" Para saan naman 'tong efone?" I asked Prey habang tinitingnan ko 'yung nasa screen.

" Iyan ay katumbas ng ginagamit niyo dito sa Earth na kagamitan na iyong madalas na hawak. Smartphone na inyong tinatawag." Prey answered.

"Oh, meron pala kayong phone eh. Bakit hindi mo tawagan o kamustahin 'yung kapatid mo gamit 'to?" I asked Prey.

"Walang kakayahan ang efone namin na magbigay ng mensahe mula sa ganitong kalayo na destinasyon mula sa aming planeta. Maaari, ngunit aabutin pa ito ng napakatagal na panahon bago niya ito makuha..." Prey said.

"Ahh... Okay. Nagsuggest lang naman ako. Tss. Ano ba 'tong pinapanood mo?" I asked at pinindot ko' yung play sa efone niya... at pagkakita ko, "Hoy! Ano 'tong pinapanood mo, Prey? Bakit ka nanonood ng mga palabas tungkol sa paano ang mga gingagawa ng mag-asawa dito sa Earth?" naiinis kong tanong sa kanya since pinapanood ni Prey 'yung mga videos tungkol sa pagaasawa!

"Ang sabi ko nga sa iyo... napagpasyahan ko na gusto ko na maging asawa mo, Hunter. Marami na akong natutunan sa pagiging mag-asawa at nais ko na tayo ay ipakasal. Ngunit maaari ba akong magpakasal sa iyo kahit wala akong relihiyon na inyong tinatawag?" Prey asked.

"Anong kasal kasal? Bakit nandyan ka na agad sa point na yan ha?" I exclaimed.

"Napanood ko na ang mag-asawa ay ikinakasal upang sila ay magsama habambuhay. Walang ganito na kaugalian sa mga Juno at ito ang nakakaengganyo sa mga Humans. Gusto ko ay magpakasal na tayo sa lalong madaling panahon para matawag na kita bilang asawa ko." Prey said while smiling.

" Hindi! Walang magpapakasal! Tsaka ang pagpapakasal, para 'yan sa dalawang taong bukal sa puso na nagmamahalan!" I exclaimed.

"Hindi mo ba ako mahal, Hunter?" Prey asked.

"Hindi! Kakakilala lang natin para sabihin ko na mahal na kita! Oo, aaminin ko, sobrang ganda ng itsura mo at napakagwapo mo para sa isang nilalang, pero hindi ibig sabihin noon na mahal kita!" I answered.

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Where stories live. Discover now