Chapter 6 - Swing

186 18 4
                                    

Main District (Daedalus City)
Population (Approx): 10 000
Year 3079

Hunter's POV

"Ikaw ang alien na hinahanap namin, Prey?" President Ryouki asked with astonishment.

Palihim akong umiiling kay Prey para hindi niya aminin na siya 'yung alien at bawiin ang sinabi niya!

"Ako nga... siyang tunay, President Ryouki. Nais ko sana hingin ang iyong tulong..." Prey asked with a serious tone.

Then, tiningnan ko ang reaksyon ni President Ryouki na nakatitig lamang kay Prey at hindi ko na din alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon!

Gagawa na ba ako ng eksena? Lumipad na kaya kami ni Prey papunta sa ibang planet para hindi siya patayin dito? Mapa-Earth o Proxima B., t*ng ina gusto siyang patayin! Naiinis ako!

Ilang saglit lang, ginalaw na ni President Ryouki ang kanang kamay niya at ako naman ay nakaantabay sa gagawin niya...

Marahan niyang hinawakan ang kanang pisngi ni Prey at sinabing... "Kung ganito ba naman kaganda ang isang alien... ay gusto ko makasama ang isang katulad mo... itatali pa kita gamit ang collar mo. Hehe." President Ryouki jokingly said.

Kaya naman nakahinga ako nang maluwag since hindi niya sineryoso ang sinabi ni Prey.

Kaso, mukhang hindi natuwa si Prey na hindi naniwala sa kanya si President Ryouki.

"Ano ba itong suot mo, Prey? Masyadong malaki ang long sleeves mo... Hindi nababagay sayo ang mga ganitong suot... Pakiramdam ko, mas bagay sayo ang mga damit na pambabae... Mas mukha kang magiging kaakit-akit." President Ryouki said while smirking.

At doon nagbago ang timpla ng mood ko...

Kung kanina ay nakahinga na ako nang maluwag... ngayon nanggagalaiti na ako sa kinikilos ni President Ryouki.

"Ang isang tulad mo, Prey... malabo maging isang alien. Sa napakaganda at nakakaakit mo na itsura... walang maniniwala. Gusto mo ba sumama sa akin? Tara, pakakainin kita ng paborito mong hotdog." President Ryouki said with a gentle tone while caressing Prey's chin like a cat.

Then, President Ryouki played with Prey's lips by caressing his thumb onto it...

"Napakalambot ng mga labi mo, Prey.." President Ryouki whispered to Prey.

Napapansin ko na hindi na makapagsalita nang maayos si Prey. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon... Pero nakikita ko sa mga mata niya na nalilito, naiinis at naiiyak siya at the same time.

"Tama na po 'yan, Mr. President." I uttered and held his hand that's caressing Prey's lips, at marahan ko itong tinanggal dahil ayaw ko gumawa ng anumang kaguluhan.

"Bakit mo ko pinipigilan, Dr. Hunter?" President Ryouki asked with an irritated tone.

Bago ako sumagot, nakatingin lamang ako kay Prey na tila dismayado...

Pagkatapos ay huminga ako nang malalim at saka ako sumagot...

"Partner ko po si Prey. Boyfriend ko po siya... Kaya kung maaari, wag niyo sana siya bastusin o hawakan." I answered with a serious tone na ikinagulat nina Prey at Michael.

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Where stories live. Discover now