Chapter 15 - Happy and Blessed

209 18 48
                                    

Hunter's POV

"Prey!" I uttered as soon as I got inside his room while he's sleeping peacefully.

"Bakit, Hunter?" Prey asked.

"Nakita mo ba si Goji? Bakit noong kinuha siya ni Angelus, parang hindi na siya bumalik? Limang araw na nakalipas ah?" I asked.

"Ang sinabi ko kay Angelus ay itago niya muna si Goji sa kanyang silid dahil naglilibot ngayon ang mga militar na Juno." Prey answered.

"Puntahan ko kaya sila para tingnan kung ano lagay ni Goji doon?" I asked.

"Mas mainam, Hunter... Pasensya ka na kung hindi kita masasamahan dahil ako ay hindi makakalabas ng aking kwarto at ayaw ko gumawa ng anumang kaguluhan." Prey said.

Then, I sat beside him and caressed his hair gently.

"Matatapos din 'to, Prey. Kaunting kapit na lang..." I uttered.

"Oo, Hunter... Matatapos na din ang lahat." Prey said while smiling brightly.

"Gusto mo ba bumalik na tayo sa Earth pagkatapos ng kaguluhan na 'to? Doon ka na lang maninirahan?" I asked him.

"Iyon ay aking magugustuhan, Hunter." Prey said while smiling.

"Magpakatatag ka lang, Prey... Malapit na tayo umuwi. Okay?" I said while giving him a faint smile.

"Okay po, Hunter. Nami-miss ko na kumain ng hotdog na aking paborito." Prey said.

"Hayaan mo, Prey... Ibibili kita ng marami. Uubusin ko 'yung nasa grocery para sayo." I said while containing my worries inside.

Then, Prey laughed and said, "Ikaw na mismo ang nagsabi na bawal bilhin lahat. Masisira ang hotdog."

"Lulutuin natin kaagad lahat. Tapos pagsasaluhan natin nila Michael, Goji, at Ringo." I said while still caressing his hair.

"Hindi na ako makapaghintay, Hunter." Prey said and sighed deeply, "Nais ko muna magpahinga, Hunter... Ako ay labis na inaantok. Maaari ba?"

"Okay, Prey. Babalikan ulit kita mamaya ah? Hahanapin at titingnan ko muna si Goji sa space station." I said and doon na pumikit si Prey at binigyan ko siya ng malambot halik bago ako umalis sa kwarto niya.

Paglabas ko, since kabisado ko ang palasyo, agad akong tumungo sa space station para tingnan kung ano ang lagay ni Goji since hindi pa siya nagpapakita.

...

...

...

Nang makapasok na ako sa loob ng space station, tila sobrang tahimik at walang kahit sinong Juno o si Goji, ngunit nakabukas ang mga screen.

Nag-ikot ikot ako sa paligid ngunit hindi ko natagpuan maski sina Goji or Angelus...

Ngunit sa pagmamatyag ko, may nakita akong isang asul na maskara at pakiwari ko ay kay Goji ito.

"Hindi suot ni Goji ang maskara niya?" I asked myself while holding and looking at the blue mask.

Hindi rin maganda ang kutob ko since matagal tagal na rin hindi nagpaparamdam si Goji, at hindi niya rin suot ang maskara.

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Where stories live. Discover now