Chapter 16 - Life

191 18 54
                                    

Hunter's POV

"Sandali, Ringo... Oligar ang pangalan ng kapatid ni Prey?" I asked while I'm still in full shock.

P*tang ina! Wag mo sabihin na ang Oligar na kinakausap ko sa ilog at ang kaibigan ko.... ay ang kapatid ni Prey at ang Oman na pinagsisilbihan ko?

"Siyang tunay, Ginoong Hunter.... Nalalanghap ko ang kanyang amoy..." Ringo said.

Then, biglang dumating si Michael at mag-isa na lamang siya at pinuntahan kami.

"Buti naman bumalik ka na, Ringo!" Michael exclaimed.

"Michael nasaan siya?" I asked.

"Yung new friend mo na si Oligar? Sabi niya mauuna na daw muna siya. Hindi na siya nakapagpaalam sa iyo. Parang nagmamadali nga eh." Michael said.

"Oligar? Galing siya dito, Ginoong Hunter?" Ringo asked.

"Oo... hindi ko alam na ang kinakausap ko madalas sa tabing ilog... ay si Oligar na kapatid ni Prey! Hindi ko naman kasi alam ang pangalan niya! T*ng ina... mali ako ng ginawa! Halos lahat ng plano sinabi ko sa kanya..." I uttered.

"Tanga..." Michael said, "Tanga rin ako... nilibot ko pa siya... tapos tinuro ko kung paano siya makakaalis at makakapasok ng mas mabilis dito sa kuta! F*ck! Wrong move tayo!"

Napa-facepalm na lang ako dahil matagal ko na palang kinakausap ang kapatid ni Prey na si Oligar at kung ano ano pa ang nasabi ko! Walang hiya talaga!

"Mga kasama... kayo ay magtago sa pinakaloob na kuta... Baka dumating rito ang Oman muli at tayo ay kanyang bihagin lahat! Magmadali kayo!" Ringo said to all of the Juno.

"May isa pang tagong lugar bukod dito?" I asked him.

"Siyang tunay, Ginoong Hunter. Ang ginawang kuta ng Oman Prey ay sadyang maraming tagong lugar upang sa oras ng peligro ay madaling makakapagtago ang sinumang nandirito." Ringo said at nakita ko na nagsimula ng tumakbo ang mga Juno sa iisang direksyon, "Ating puntahan na rin si Goji dahil siya ay malapit na manganak."

"Sandali! Teka! Manganganak na si Goji? Hala! Nagkasabay-sabay pa!" Michael shouted.

"At hindi lang 'yun. Sa oras na manganak si Goji... ay sisimulan na ni Galager ang digmaan! Kailangan natin maitakas sina Goji at Prey sa lalong madaling panahon." I said at nagsimula na kami tumungo sa palasyo.

...

...

...

Nang makarating na kami sa palasyo at sa tagong lugar kung saan nakatago sina Goji at Angelus... ay pinapanood namin ang mga kaganapan.

Nakatanggal na ang mga gapos ni Goji at tila siya ay nakaposisyon na upang ilabas ang sanggol mula sa kanyang sinapupunan.

Ang tanging nasa loob ay sina Lars, Angelus, at Goji lamang.

Nakatayo na rin si Angelus at tanggal na ang gapos niya, at nakatabi siya kay Goji.

"Goji... Tapangan mo lamang..." Angelus said.

"Natatakot ako, Angelus... Ayaw kong mamatay..." Goji said while crying.

"Lars... mamamatay ba si Goji? Sabihin mo sa akin!" Angelus exclaimed.

"Hindi ko alam, Angelus. Ngunit malalaman natin sa oras na manganak siya. Ito ay sadyang napakabilis at tila tatlong linggo lamang ang nagaganap kapag isang human ang nag buntis." Lars said.

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Where stories live. Discover now