KABANATA 1

367 16 0
                                    

(ANASHA CHAINE POINT OF VIEW)

"Ma, bakit ba kailangan natin magtago rito sa liblib na lugar?" tanong ko kay mama habang naglalaba ng aming mga damit.

Nasa labas kami pareho dahil sa labas ng bahay namin ay may poso kung saan doon kami kumukuha ng tubig habang nasa kabilang gilid ng bahay namin ay roon kami nagluluto ng pagkain ni mama. Kahoy lang ang ginagamit namin sa pagluluto na ako pa ang nagsisibak.

"Anak, mas maganda rito. Payapa at presko ang hangin kaysa siyudad," tugon niya sa akin pero alam ko hindi iyon ang dahilan niya.

Gusto ko sana pumunta sa siyudad para roon magtrabaho kaso wala pala akong natapos at baka walang tumanggap sa akin.

"Alam ko hindi 'yan ang rason. Kung sana, hindi lang tayo iniwan ni papa. Edi sana masaya sana ang pamumuhay natin," mahina kong sabi pero halatang narinig ni mama dahil napatigil siya sa pagpaypay sa apoy.

Sumama kasi si papa roon sa mayaman niyang kabit dahil hindi niya kami kayang buhayin. Napaka-lame ng rason niya dahil ayaw niya lang diretsahang sabihin na mahal niya 'yong kabit niya.

"Anak, matagal ko na napatawad ang papa mo,"

Napailing na lang ako habang patuloy sa paglalaba. "Ma, bakit kasi ayaw mo akong payagan na makapagtrabaho sa siyudad. Mas malaki ang sahod roon kaysa naman sa paglalaba ko ng mga labahin sa bawat bahay rito. 100 nga lang ang pinakamalaki nilang naibigay," sabi ko pa kay mama at this time ay napalingon na siya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ayaw niya ako payagan. Matagal ko na sa kanya ito hinihiling pero ayaw niya talaga.
"Ana, matagal na natin ito napag-usapan, kahit anong sabihin mo ay hindi kita papayagan. Naintindihan mo ba?" strict na sabi ni mama at tinaasan ako ng kilay.

Kahit ganiyan siya ay alam ko na concern siya sa akin. Ana ang tawag niya sa akin, short term ng Anasha. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko na hindi niya ako papayagan.

"Sige. Gusto ko lang naman na mabigyan kayo ng maayos na buhay," sambit ko rin at tiningnan ko si mama na bumalik na sa ginagawa niya.

"Anak, kuntento na ako sa ganito. Mas mabuti na nandito lang tayo,"

Kahit hindi ko siya naintindihan ay pumayag ako sa mga habilin niya. Natapos na ako sa pagkuskos ng damit kaya magbabanlaw na ako ng damit. May sampayan kami sa tabi ng poso na hindi naman gaano kataas at kahaba.

Sang-ayon naman ako sa sinabi ni mama na presko at matiwasay ang pamumuhay rito pero natatakot lang ako kapag gabi. Habilin sa akin ni mama na huwag magbubukas ng pinto kapag gabi kahit sino pa naman ang kumakatok. Naririnig ko rin ang malakas na takbuhan at palahaw ng mga hayop dito.

Natatakot ako pero wala akong magawa dahil 'yon ang desisyon ni mama. May kaibigan ako na nakatira sa Vladiries District, ayon sa kanya ay ligtas naman sila roon. Sa Chan District kasi kami nakatira at bihira lang ang mga tao rito.

Wala masyado kaming kapitbahay. "Ma, bakit hindi na lang tayo tumira sa Vladiries District? Ayon sa kaibigan ko ay may bakanteng bahay sa tabi ng bahay nila," suhestyon ko sa kaniya habang naglalaba.

Nagulat ako dahil nabitawan niya ang dala niyang mangkok at sandok. Hindi ko mawari ang reaksyon niya.
"Ma, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya at lumingon siya sa akin.

Nagtaka ako sa inasta niya dahil naging balisa siya at nagsimula na maglakad palapit sa akin. Bakit ganito siya makaasta? May problema ba? Huminto siya sa tapat ko.

"Anak, mangako sa akin," sabi niya bigla kaya mas lalo akong nagtaka.

"Oo naman, Ma. Ano 'yon?" sagot ko sa kanya at parang Kinakabahan siya sa sasabihin niya.

DOMINANCE STRATEGIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon