KABANATA 19

30 1 0
                                    

(ANASHA CHAINE POINT OF VIEW)

Bumukas ang pinto at niluwa nito sina Ryzza, Leya, Rylie at Chan na mukhang pagod sa paglilinis. Sinara rin agad nila ang pinto at nagsiupo sa kaniya-kaniya nilang puwesto. Nanatili lamang ako'ng tahimik dahil nag-iisip ako if sasabihin ko sa kanila na pinatakas ko si Abigail.

"Mukhang walang tao sa klinika kanina. Pumunta ako roon pero wala roon si Miss Abigail na nurse roon," panimula bigla ni Chan at ako naman ay napatingin sa kanila.

Mukhang nakatakas na si Abigail bago roon makapunta si Chan. Napahinga naman ako ng maluwag. "Ano naman ang hihingiin mo sa kaniya na gamot?" curious na tanong ni Ryzza.

Natawa naman si Chan. "Gamot sa pagtatae," natatawa niyang sambit kaya napangiwi naman kaming nakikinig sa kaniya.

"Taena ka talaga," asar sa kaniya ni Leya.

Napatigil ang pag-uusap namin dahil tumunog ang alarm dito sa Randler Palace. Nagkatingnan kami sa isa't-isa.

"Lumabas tayo para makita natin kung ano'ng mayroon," seryosong sambit ni Rylie kaya sumunod kami sa kaniya.

Lumabas na kami at napansin ko na nagsilabasan din ang iba sa kanilang kuwarto. Pumunta kami sa Randler Hall at kumpleto roon ang Randler Organization. Nasa malapit sa mic si Wen at Vidar na parehas nakangisi.

I sensed something dangerous to that smirk.

Napatingin ako sa Superior na nakaupo habang tahimik lamang. Nakaupo siya na parang hari at kami ang nasasakupan niya. "Nagtataka siguro kayo kung bakit kayo pinapunta rito sa Hall. May sasabihin lamang kaming importanteng impormasyon kaya kailangan n'yo maghanda," panimula ni Wen habang isa-isa kaming tinitingnan.

Kailangan namin maghanda dahil lamang sa sasabihin nila? Nakakagulat naman kung gan'on. "Alam n'yo ba kung ano 'yon?" mapaglarong tanong ni Wen at umiiling 'yong iba.

"Alam n'yo ba ang tinatawag na Prisage Hunter? Sila lang naman ang mahigpit naming kalaban. Sila ang grupo ng mga hunter na nagpapasakit sa mga ulo namin. Akala nila matatalo nila kami," nang-aasar pang sabi ni Vidar kaya dumagundong na ang aking dibdib.

Tiningnan ako nina Rylie na may ipinapahiwatig. Kailangan ko kumalma baka malaman nila na may nalalaman ako. Maraming kinakabahan dahil sa sinasabi nila.

"May mga daga lang naman ang nakapasok dito sa Randler Palace. Akala siguro nila hindi namin malalaman, sayang naman ang effort nila  sa pagpasok dito kung masasayang lang kaya naman bigyan natin sila ng time na sumikat. Deserve naman nila," dagdag pang sabi ni Vidar.

Libo-libong boltahe ang aking naramdaman noong sabihin nila 'yon. Hindi ko akalain na ngayon nila gagawin 'yong parusa sa mga espiya. Mabuti na lang at nasabihan ko si Abigail. Pero bumabagabag pa rin sa akin ang nagbigay sa sulat.

Sino kaya siya?

"Magsisimula na ang pagpapasikat sa kanila ngayon. Excited na ba kayo?" tanong ni Wen kaya nagtawanan 'yong mga kasamahan nila maliban kay Zai at Zayd.

Tumingin ako kay Leya at napansin ko na iba ang tinitingnan niya. Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita ko si Trevor na nakatingin din sa gawi niya. Magkakilala ba sila?

"Hindi na dapat natin patagalin pa at baka mainip ang mahal naming Superior. Simula na natin!" sabay na sambit ni Wen at Vidar.

Nanatili ako'ng tahimik sa kabila ng sinabi nila. Panatag naman ako na nakatakas si Abigail dahil malakas siya. Maya-maya ay may tinawag silang pangalan at nanginginig naman sa takot ang natawag nila.

DOMINANCE STRATEGIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon