KABANATA 17

36 2 0
                                    

(ANASHA CHAINE POINT OF VIEW)

Pagkaalis ko sa lugar na 'yon ay sa kwarto agad ako pumunta. Kailangan ko na talaga umisip ng paaran kung paano kami maka-training sa lalong madaling panahon. Hindi biro ang kalaban at hindi pa kami nakakalahati sa kanila. We need more strength to fight them.

Desidido na ako makaalis dito at matulungan 'yong mga nadadamay dahil sa gusot nila. Doon ko lang na-realize na mag-aral ng training noong nakita ng dalawang mata ko kung paano nila pahirapan 'yong babae.

Alam ko na never ko nakilala
'yong babae at hindi kami magkaano-ano but I feel pity for her. Her life is just ended because of this childish game. Naupo ako sa aking kama and some random thoughts started to run in my mind.

What is their motive for doing this? I know that their some deeper motive for them because hindi nila ito gagawin kung walang rason unless siraulo talaga silang mga demon. Pansin ko rin na parami sila ng parami pero paano. Hindi naman sa kagat since namamatay 'yong kinakagat nila.

How? There is so much question in my mind but there is no answers on it. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Rylie, Chan, Leya at Ryzza. They are just staring at me so I feel uneasy.

"May problema ba?" tanong ko sa kanila at inisa-isa sila tiningnan.

"Wala but napapaisip ako kung paano natin sila lalabanan," panimula ni Ryzza habang napapakamot sa ulo.

"Kailangan natin magpalakas at alam ko na may tutulong sa atin," tanging sambit ko na sinang-ayunan nila.

Nakita ko ang bahagyang pag-iisip ni Rylie saka ngumiti. "Hindi ko pa kilala kung sino ang tutulong sa atin pero sana mapagkatiwalaan," sambit pa niya na kinatango ng ilang.

Nagsiupo sila at sinara ng mabilis ang pinto. Baka may makarinig pa sa usapan namin. Nasimulan na namin ito kaya dapat na naming tapusin ang laban. "Dapat sa lalong madaling panahon ay makapaghanda na tayo lalo na paparating na naman ang linggo. Alam n'yo naman siguro ang nangyayari kapag linggo, diba?" seryosong sambit ni Rylie.

Tama nga naman siya. May bloodshed game pa kami at hindi ko kaya kung isa sa amin ang makuha. Hindi pa ako handa na may mawala na naman sa akin na importante sa akin.

"Kailangan na natin maisakatuparan ang ating mithiin na makapag-training. Alam naman natin kung gaano sila kalakas kumpara sa akin. Hindi lang lakas ang gagamitin natin kundi talino," mahaba kong paliwanag na tipid naman tinanguan ng ilan.

Nagulat kami dahil biglang tumayo si Leya sa pagkakaupo. Ano na naman ang nangyari sa isang 'to? May sasabihin ba siya sa akin?

"May narinig ako sa usap-usapan na kailangan natin mahanap 'yong miracle dagger. Kung sino man ang makahanap ng bagay na 'yon tiyak na makapangyarihan. Hinahanap nga 'yon ng Superior ngayon pero may isang kundisyon ang miracle dagger na 'yon..." pagpuputol na sambit ni Leya.

Ano kaya 'yon? Bakit kaya niya pinutol ang sinabi niya?

"Huwag ka nga pa-suspense. Sabihin mo na," sambit pa ni Chan na mukhang naiirita sa pagputol ni Leya.

Nanatili ako'ng tahimik dahil nakikinig lang ako sa mga sasabihin nila.
"Pero ayon din sa narinig ko ay isang tao lang ang makakagawa kung paano kontrolin ang kakayahan ng miracle dagger. Ang taong may kakayahan kung paano ito mapa-handle ay ang taong tinatawag na Special Deity. Ayon 'yan sa narinig ko," dagdag na sambit ni Leya na sigurado na talaga sa narinig.

I remained silent sa aking narinig dahil halos hindi ako makapaniwala. I didn't know na may taong nage-exist na ganun. Like, how the heck that will happen? Parami-rami na ang nalalaman namin pero hanggang ngayon hindi kami nakakagawa ng hakbang.

DOMINANCE STRATEGIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon