KABANATA 3

133 7 5
                                    

(ANASHA CHAINE POINT OF VIEW)

Mabilis akong nakarating sa bahay namin. Sinara ko agad ang bakod namin at nilagyan ng lock. Dinala ko ang mga dala kong kahoy at isda at nilagay sa mesa ang basket. Ang mga kahoy naman ay sa backdoor ko nilagay kasi may maliit na lutuan doon. Doon ako nagluluto kapag umuulan.

Pagkalagay ko ay lumabas ako at kinuha ang pusa na nahihirapan. Pinasok ko ito sa loob at hindi ko kinalimutan i-lock ang pinto. Nagtaka naman si mama pagkakita niya sa akin na may dalang pusa.

Galing siya sa kwarto namin na mukhang nagpapahinga siya. "Ano 'yan? Saan mo
'yan kinuha?" tanong ni mama nanaka turo sa dala kong pusa.

"Nakita ko ito malapit sa lawa, nahihirapan siyang huminga kaya kailangan ko siyang tulungan," sagot ko kay mama kaya nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Mas mabuti pa nga na gamutin mo siya, magsasaing lang ako ng bigas," paalam niya saka umalis papunta sa lutuan sa labas.

Mabilis ko nilagay sa mesa namin ang pusa at tiningnan kong may mga sugat siya pero wala. Patuloy ko itong hinahagod dahil hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya at gagamutin pa. Nakakaawa ang pusa na ito dahil wala man lang akong maitulong sa kanya. Pahina ng pahina ang kanyang hininga habang sumasara ang mata niya.

Hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa awa. Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa kanya. Sinadyang saktan ang pusang ito. Patuloy ako sa paghagod sa kanya hanggang sa napansin ko na nawawala ang mga sugat niya at kumakalma na ang paghinga niya.

Bumukas ang mata nito at tiningnan ako. "Meow," pag-iingay nito kaya napangiti ako habang nagpupunas ng luha gamit ang aking kamay.

"Mabuti naman at ligtas ka na,"

Binuhat ko ito at nilagay sa upuan namin. Kailangan ko magluto ng ulam namin. Kinuha ko ang basket kung saan nakalagay 'yong isda at dinala sa lababo namin para hugasan. Nilinis ko ito ng mabuti at kinuha ang gills nito at pinutol ang buntot nito. Pagkatapos ko linisin ay nilagay ko sa mesa since natutulog naman 'yong pusa. Nagsimula na ako gumawa ng apoy gamit ang kahoy.

Pagkatapos ko maghanda ay nilagay ko ang grilling pan sa apoy at pinainit, nalagyan ko na ito ng mantika. After 5 seconds ay nilagay ko na ang tilapia na nakuha ko at bangus. Narinig ko ang sigawan sa labas kaya lumabas para tingnan ito.

Nakita ko na may mga kausap si mama na dalawang babae. Nagtataka ako kung ano ang pinag-uusapan nila dahil ito ang unang beses na may nakipag-usap sa amin na kapitbahay. Nilapitan ko sila at narinig ko ang usapan nila.

"Delikado na rito kaya kami nag-iingat," kwento pa ng isang babae na medyo mataba at bilugan ang mata nito na kulay kayumanggi ang balat, hindi rin gaano katangos ang ilong na may dala pang paypay.

"Noong una ay ayaw namin maniwala pero dahil sa nangyayari ay naniniwala na ako," kwento rin ng isa habang may hawak din na paypay. Payat ito na may singkit na mata at namumutla ang labi nito at mukha, medyo maputi ang kutis nito.

Ano kaya ang pinag-uusapan nila? "Kailangan natin sumunod sa patakaran para mabuhay, wala naman tayong mapuntahan na ligtas na lugar," kwento pa ni mama kaya medyo lumayo ako sa kanila para marinig ang usapan nila.

"Sino ba ang nagpatupad ng batas na ito?" tanong ulit nung babae.

"Hindi ko alam ang pangalan, pero ayon sa iba ay nakakatakot daw siya," kwento rin sa kanila ni mama.

Lumapit na ako sa kanila at tiningnan si mama. Binaling ko rin ang tingin sa dalawang ginang na mukhang nagulat sa pagdating ko. "Anak mo?" tanong ng babaeng medyo mataba.

DOMINANCE STRATEGIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon